Nakarinig ako nang pagtikhim. Doon lamang ako humiwalay kay Zavian. Nagmulat ako nang aking mga mata at nakita si Silas na nakataas ang kilay sa amin. Bigla akong pinamulahan ng aking pisngi. Na kung kanina ay wala akong pakealam dahil dalang-dala ako ng mga emosyon ko sa katawan, ngayong natauhan na’y parang nahihiya ako. “Tito Zav?” Napalingon ako sa kanya at si Zavian naman ay tumingin kay Maxine na inosenteng tinawag siya. Ang mga kamay ni Zavian ay nasa may baywang ko pa rin at ang akin ay nasa leeg niya. Pareho naming ayaw pakawalan ang isa’t isa. Siguro ganito talaga kapag matagal kayong hindi nagkita at sabik kayo sa isa’t isa. “Hello, Maxine,” nakangiting pagbati ni Zavian sa bata. Pareho kaming naglakad papalapit sa kanila. Nakabalot si Maxine ng tuwalya dahil kakatapos lang

