Nagkwentuhan lang naman kami ni Hyacinth. Nag-catch up na dalawa. Ang sabi niya ay bago pala sila umalis ni Silas noon sa Pilipinas ay buntis na siya kay Maxine. Tuwang-tuwa pa akong marinig iyon. “Pakiramdam ko kapag nagkita sina Maxine at Tatiana ay magkakasundo sila!” masayang sambit ko sa kanya habang nakaupo kami sa malaking sofa. Kasama ni Silas ang kanyang anak na babae at nakikipaglaro ata. Ayaw rin naman kasing humiwalay ni Maxine sa ama. Ang sabi ni Hyacinth ay matagal-tagal din daw kasing laging gabing umuwi si Silas dahil marami itong inaasikaso at may mga pagkakataon na tulog na si Maxine noon at hindi na sila nagkikita. Kaya ngayon, sabik ang bata sa ama niya. “Nako! They met once. Nagpunta rito si Zavian noon kasama ang dalawang bata. Siguro mag-isang taon na rin.” Ngumit

