Chapter 14

2980 Words
Ilang araw na ang lumipas simula nang muli silang magkita ni Brayden. Pero hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa isip ni Scarlett ang naging reaksiyon ng binata nang malamang fiancée siya ng bestfriend nito. Kung hindi lang dahil sa nakaraan ay iisipin niyang sobrang nasaktan si Brayden at nagselos sa nalaman. Ngunit hindi na siya magpapaloko pa rito. Natuto na si Scarlett. Hindi na siya ang dating baliw at uto-uto na fangirl. Malamang ay hindi lang matanggap ni Brayden na ipinagpalit niya ito sa kaibigan. Naaalala na niya ngayon, si Albert ang madalas na ikuwento noon ng binata na kababata at kaibigan nito, na nag-migrate sa Japan. Si Albert din ang dating kasamahan ni Brayden sa unang banda na binuo nito noong high school pa lamang sila. Aminado si Scarlett na natuwa siya nang marinig mismo sa bibig ni Brayden na wala na itong kaugnayan pa kay Lilian. At nagulat din siya nang banggitin daw nito kay Albert ang tungkol sa number one fan nito at babaeng minahal daw niya? Ang pagkatuwa na iyon ni Scarlett ay patunay lamang na hanggang ngayon ay lihim pa ring itinatangi ng kaniyang puso si Brayden. “You’re not supposed to feel this way, Scarlett. Ikakasal ka na kay Albert!” maagap na saway niya sa kaniyang sarili. Humugot siya nang malalim na hininga na tila naiinis sa sarili. Hanggang sa namalayan na lang niyang nasa harap na siya ng condo unit ni Albert. Maysakit kasi ito kaya naisipan niyang dalhan na lang ng pagkain ang nobyo. Sa ilang beses na pabalik-balik niya rito sa condo ng kasintahan ay sanay na si Scarlett na dire-diretso lang sa pagpasok kapag nakabukas lang naman ang pinto. At iyon nga ang nangyari nang oras na ‘yon. Walang tao sa sala kaya dumiretso siya sa kusina para dalhin doon ang pagkaing dala niya. Tatalikod na sana siya para puntahan ito sa kuwarto. Ngunit napatili ang dalaga nang sa pagbukas niya ng pintuan ng banyo ay ang nakahubad na katawan ni Brayden ang bumulaga sa kaniya. Tanging tuwalya lang ang nakatapis sa pang-ibaba nito. Buti na lang at mabilis ang kaniyang adrenalin kaya agad niyang natakpan ang kaniyang mga mata at tumalikod. "Bakit ba pakalat-kalat ka rito sa unit ng nobyo ko? At nakahubad pa?" naiinis na sumbat ni Scarlett kay Brayden, habang nakatalikod pa rin dito. Natatakot siyang humarap dahil baka makita ni Brayden ang pagba-blush niya. O baka naman makita niya ang nakahubad nitong katawan. Good Lord! Baka himatayin ako! “At bakit ba sa tuwing nagkikita na lang tayo ay nagugulat ka?” sa halip na sumagot ay plyong tanong din ng binata. “Dahil lagi mo akong ginugulat! At puwede ba, magbihis ka muna bago ka magdaldal diyan? Ang bastos mo talaga!” “Ako pa ngayon ang bastos? Eh, ikaw nga ‘tong hindi marunong kumatok, eh. Iyan tuloy kung anu-ano ang nakikita mo.” “Tse! Unit ‘to ng boyfriend ko kaya bakit pa ako kakatok? Malay ko bang may intruder pa lang nakapasok dito.” Lumakas ang t***k ng puso ni Scarlett nang marinig niya ang mga yapak nito na papalapit sa kaniya. Feeling niya ay kinapos siya ng hininga. “Huwag kang magkamaling lumapit sa’kin. Kundi uupakan kita!” “Lilinawin ko lang po, okay? Una, hindi po ako trespasser because Albert invited me here two days ago. Ibig sabihin, nauna akong dumating sa’yo rito " Huminto ito sa paglapit sa kaniya kaya bahagya ng nakahinga si Scarlett. "Pangalawa, hindi kita lalapitan. You’re just blocking my way. Now, if you excuse me para makabihis na ako. Pero kung gusto mo pang makita ang kakisigan ko, then do it now. Bago pa man magbago ang isip ko at ipagdamot ko sa'yo ang katawan ko." Uminit ang bumbunan ni Scarlett dahil sa narinig, kung gaano rin kainit ang mukha niya. Napikon siya sa sinabi ni Brayden kaya bigla siyang napaharap dito at pinaghahampas ito sa dibdib. Huli na para maalala niyang nakahubad nga pala ito. Natigilan si Scarlett nang mapatingin siya sa malapad nitong dibdib na namumuntok sa muscle, katulad ng mga braso nito. Napalunok ang dalaga. Jesus Christ. Ganito pala ka-yummy ang yumayakap sa'kin noon? “Ang cute mo namang manantsing. Hindi ko alam may pagkasadista ka pala.” Napakisap si Scarlett nang marinig ang malisyoso boses ni Brayden kaya tuloy lalo siyang nanggalaiti. Para kasing ipagkakanulo na siya ng kaniyang sarili. Padabog siyang muling tumalikod. “Excuse me! Hindi kaakit-akit ang katawan mo para tsansingan kita. And besides, wala ka lang sa kalingkingan ng boyfriend ko, 'no?” Pagsisinungaling niya para lang makabawi sa pagkapahiya. Kahit ang totoo ay never pa naman niyang na kita na naghubad si Albert. Naramdaman ni Scarlett ang mahinang ungol ng binata na animo’y kokontrahin siya, buti na lang at biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Lumayo siya kay Brayden at bumalik sa sala. Nang makalayo siya sa binata ay noon lang bumalik sa normap ang t***k ng puso niya. “Hello, hon? Bakit wala ka rito sa unit mo?” “Huh? Nandiyan ka pala. Sorry, hon. Hindi agad kita natawagan. Bigla kasing nagpatawag ng meeting ang manager namin. May importante kaming pag-uusapan about sa conract namin sa Japan," humihingi ng depensa na sabi ni Albert mula sa kabilang linya. “Akala ko kasi maysakit ka pa kaya dinalhan kita ng pagkain at mainit na sabaw.” “Oh! How thoughtful you are, honey." Bakas ang tuwa sa boses ng boyfriend. "Medyo masama pa nga ang pakiramdam ko pero kailangan ako rito, eh. But don’t worry, patapos na din kami kaya huwag ka ng umalis diyan. Just wait for me, okay? Pagsaluhan natin ‘yang dala mong foods.” “Pero hon-” “Anyway, nandiyan nga pala si Brayden," putol nito sa sasabihin sana ni Scarlett. "Tatawagan ko nalang siya para asikasuhin ka diyan. Don’t leave, huh? Bye, honey! I love you!" Sasagot pa sana ang dalaga subalit naputol na ang linya. Naiinis na ibinalik na lamang niya sa bag ang kaniyang cellphone. Paglingon niya sa kusina ay wala na roon si Brayden. Siguro’y pumasok na ito sa kabilang kuwarto. Hindi niya maintindihan kung bakit nakaramdam siya ng panghihinayang. Pumasok na rin si Scarlett sa kuwarto ni Albert, para doon na siya magpahinga habang hinihintay ang kasintahan. Kailangan niyang magmukmok doon para makaiwas kay Brayden. Puwede siyang umalis saglit at bumalik na lang kapag nandito na ang nobyo. Pero ayaw niyang isipin ni Brayden na apektado pa rin siya sa presensiya nito. Really? Baka naman gusto mo lang ang ideya na dadalawa lang kayo ngayon sa unit na ‘to? Pambabara ng kaniyang isip. ************** Padapa na humiga sa kama si Scarlett habang nagbabasa ng magazine. Kaya napasubsob siya sa higaan nang biglang may nagsalita sa pintuan. Lalo siyang nasubsob sa kama nang makita si Brayden. “Ang laki talaga ng naging epekto sa’yo ng Japan. Dati, ilang na ilang ka kapag may kasamang mga lalaki. Pero ngayon, ikaw pa ‘tong pumupunta sa bahay ng lalaki.” Seryoso ang mukha nito habang nakapamulsa at nakasandal sa pinto. Nakasuot na ito ng shorts at sandong puti. Disente naman itong tingnan pero hanggang ngayon ay hindi maalis-alis sa isip ni Scarlett ang matitipuno nitong dibdib na kulang na lang ay yumakap sa kaniya kanina. Napalunok siya nang maalala ang magandang katawan nito. Para siyang sinilihan nang pasadahan nito ng tingin ang nakalatag niyang katawan sa kama. Hindi na sana papansinin ni Scarlett ang pasaring ni Brayden kung hindi lang ito humirit pa. “Ganyan ka na ba talaga ka-liberated, Scarlett? Na pati sa kuwarto ng lalaki ay nakikihiga ka na rin?" Galit na binato niya ito ng unan. “How dare you na pagbintangan ako ng ganiyan, ha? Ikaw nga ‘tong bastos, eh, dahil hindi ka marunong kumatok sa pintuan ng may pintuan!” “Huwag mong ibahin ang topic!” Ikinagulat niya ang bahagyang pagtaas ng boses ng binata. “Ang gusto ko lang ay ang ipaliwanag mo sa’kin kung bakit bigla ka na lang umalis ng Pilipinas na hindi man lang ako binigyan ng closure o kahit konting panahon man lang para mag-explain ng side ko. Tapos babalik ka rito sa Pilipinas na boyfriend na ang bestfriend ko.” Natigilan si Scarlett. Ramdam niya ang sakit sa mga salitang binitiwan ni Brayden. Pero bakit naman ito magsasalita ng gan'on? “Bakit ba kung makapagsalita ka, akala mo ikaw pa ‘yong bitter sa nangyari?" Puno ng pang-uuyam ang kaniyang tinig. "Feeling mo ikaw ang biktima sa nakaraan? Baka nakalimutan mo, Brayden, na pinagmukha mo akong tanga! Niloko mo ako! Pinagsamantalahan mo ang kabaliwan ko sa’yo noon!” Kumunot ang noo ng binata. "Dahil ba ito sa sinabi sa’yo noon ni JC na kaya lang kita niligawan para saktan at pagselosin si Lilian?” Nakagat ni Scarlett ang ibabang labi. Tila bumalik ang kirot sa puso niya nang maalala ang araw na iyon na nadurog nang husto ang puso niya. Umiinit ang mga matang tinitigab niya nang masama si Brayden. “Oo! At salamat kay JC dahil nalaman ko ang katangahan ko. Pero hindi lang ‘yan, ginago mo ako nang harap-harapan mo akong saktan." Gumaralgal ang boses ni Scarlett nang bumalik sa isip niya ang eksenang iyon. "W-winasak mo ang puso ko, Brayden, noong maghalikan kayo ng Lilian na ‘yon sa labas ng bar. At sa harap ko pa mismo! Oo, nandoon ako ang time na ‘yon kaya wala ka ng maipagkakaila pa." Sandali siyang tumigil sa pagsasalita nang may pumatak na luha sa kaniyang pisngi. "And you know what’s the painful part of it, Brayden? "That was our first monthsary! Nag-effort akong bumili ng gitara at puntahan ka sa bar na ‘yon kahit pa buong-araw mo akong hindi naalala." Napahikbi siya at tinapik-tapik ang naninikip na dibdib. "D-dahil gusto ko noon na maging memorable ang first monthsary natin. Pero ano ang napala ko? Nadurog lang ako nong araw na ‘yon! Dinurog mo ako, Brayden!" Kitang-kita ni Scarlett ang pagkagulat sa mukha ng lalaki. Pero inakala niyang nagmamaang-maangan lang ito. Kunot-noo itong lumapit sa kaniya. “H-ha? What are you saying? A-anong sinasabi mong naghalikan kami ni Lilian?" Bumaba siya ng kama at lumayo rito para itago ang pag-iyak. At para itakas ang sarili na nagbabantang magpapauto na naman. “Stop acting like an innocent, Brayden. Dahil manloloko ka." Pilit na nilunok ni Scarlett ang tila bara sa kaniyang lalamunan. "M-minahal kita, Brayden. Kahit noong hindi pa ako nag-i-exist sa mga mata mo. Nagpaka-gaga ako nang padalhan kita ng mga sulat, ng mga roses, chocolates, etc. Anything na alam kung magpapatunay ng pagmamahal ko sa'yo. Dahil gusto ko na kahit man lang sa pagiging anonymous girl ko ay maipadama ko sa’yo ang pagmamahal ko." Natawa siya nang mapakla sa pagitan ng luhaang mga mata. "Kahit alam kong imposibleng mapansin mo ako dahil may mahal ka ng si Lilian ay sumige pa rin ako. "Parang binabayo ang puso ko noon sa tuwing nakikita ko kayong magkasama. Alam mo ba 'yon, ha?” Nagpahid siya ng luhang pumapatak sa kaniyang mga pisngi. “Remember the night na isinigaw ko ang pangalan mo at nalaman ng grupo mo? Hiyang-hiya ako noon dahil baka pagtawanan mo lang ako. But on the other hand, masaya ako dahil sa wakas ay napansin mo na rin ako. Ang sabi ko noon sa sarili ko, kapag niligawan lang ako ng lalaking ‘to ay hinding-hindi na ako magpapakipot pa." Hiyang-hiya siyang napailing. "Ang sabi ko noon, chance ko na 'yon kaya iga-grab ko na. Kahit pa magmukha mo lang akong alalay. Kaso ang sakit pala kapag nalaman mong ang taong mahal na mahal mo ay walang pake sa nararamdaman mo.” Lalong dumami ang luhang dumaloy sa mga mata ni Scarlett pagkatapos niyang magtapat kay Brayden. Mas nanikip ang kaniyang dibdib. Para namang natulala ang lalaki. “Scarlett..” Muli siyang nagpahid ng luha. “K-kaya nang niligawan mo ako, agad kitang sinagot. Kahit pa tutol noon si Daddy at lagi niyang sinasabi sa’kin that you’re not the right man for me. Pero hindi ako nakinig sa kaniya kasi nagpakabulag ako sa’yo." Sarkastiko siyang tumawa. "Ang galing-galing mo kasing umarte dahil pati si Mommy ay napaniwala mong malinis ang intensiyon mo sa’kin. Lagi kong hinihintay noon na sabihin mo sa’kin that you love me, too. But you never... Ever did. Ang masama pa, sinabi mo na noon sa’kin kung gaano mo kamahal si Lilian. At alam kong hindi pa tuluyang nawala ang pagmamahal na ‘yon kahit noong tayo na. Pero umaasa pa rin ako. Umasa ako na balang araw ay maibaling mo rin sa’kin ng tuluyan ang pag-ibig mo sa kaniya." Napahikbi na naman si Scarlertt. "But again and again, nabigo na naman ako. "Pero sa kabila ng ginawa mo sa’kin ay hindi ko pa rin magawang magalit sa’yo ng tuluyan. Ipinagtanggol pa rin kita noo kay Daddy. Napilitan akong pumayag nang ipadala niya ako sa Japan para lang huwag kang mapahamak sa kamay niya." Parang hiniwa nang matalas na punyal ang puso ni Scarlett nang maalala ang araw na umalis siya papuntang Japan. "Tiniis kong mawalay sa family ko nang dahil sa’yo. Pero hindi pa rin tumigil ang pananakit mo sa'kin kahit nakaalis na ako. Dahil kahit noong nasa Japan na ako ay hindi ka pa rin mawala sa isip ko. Until I met Albert.” “Scarlett, I’m sorry.. I-” Lumapit sa kaniya si Brayden na gulat na gulat pa rin at namumula ang mga mata. Umakto itong yayakapin siya subalit itinulak niya ito. “You’re sorry, Brayden, is useless. Because the damage has been done. You cannot fix everything by simply saying that. At hindi na rin ako interesado sa mga paliwanag mo. The only thing I just wishing for is that, if I could only turn back time, I wouldn’t do those things which I damned the most.” Mabilis niya itong tinalikuran at lumabas ng kuwarto. Doon siya humagulhol. Napaigtad si Scarlett nang bigla nitong suntukin ang dingding. Sumunod pala ito sa kaniya. “Diyan ka naman magaling, Scarlett ,eh. For being selfish! Gusto mo ang side mo lang lagi ang naipapaliwanag mo. Just like the old times, tatalikuran mo na naman ako na hindi man lang papakinggan ang explaination ko." Natameme ang dalaga nang mabakas ang matinding hinanakit sa boses ni Brayden. "Didn’t I deserve it, too? Gan"on ba ako ka-brutal sa’yo noong naging tayo para tratuhin mo ako ng ganito? Ni minsan ba wala akong ginawa o ipinakitang kabutihan sa’yo para kung tingnan mo ako ay napakasama ko? You’re so unfair, Scarlett!" Pumiyok na rin ang boses nito, dahilan para kumislot ang puso niya. "At alam mo kung ano ang iniisip ko ngayon? "That how I wish I never loved you the way I did before. No! I mean, for still loving you. Para kang flappy bird, ang hirap maka-score sa’yo!” Matalim siya nitong tinapunan ng tingin bago siya nilagpasan sa pinto at tuloy-tuloy na lumabas ng condo unit. Naiwan siyang tulala at humahagulhol. Feeling niya ay muling nawasak ang kaniyang puso. Durog na durog. Lalo siyang naguluhan sa mga sinabi ni Brayden. Dapat ba niya itong paniwalaan? Ayaw ni Scarlett na abutan siya ni Albert sa gan'ong ayos kaya tinext niya ito at nagdahilang may importanteng pupuntahan. Dinala siya ng kaniyang mga paa sa kaniyang college bestfriend na si Faith. “Ang galit na nararamdaman mo sa kaniya ay patunay lang na mahal mo pa siya," anito matapos niyang ikuwento ang nangyari sa kanila ni Brayden. Ito man ay nagalit noon sa binata dahil sa ginawa nito sa kaniya. “Bakit gan'on, Faith? Hindi ko kayang mahalin si Albert sa kabila ng pagmamahal niya sa’kin. At bakit hanggang ngayon, si Brayden pa rin ang nasa puso ko. Pero hindi ko naman kayang saktan si Albert. Pagmamahal na bang matatawag ‘yon?” “Mahal mo si Albert dahil nasa tabi mo siya noong mga panahong suklam na suklam ka pa kay Brayden. Gusto mo lang tumbasan ang pagmamahal niya. But all this time, hindi nawala ang pagmamahal mo kay Brayden. Siguro natabunan lang ito ng galit at pagkamuhi," payo sa kaniya ni Faith. Luhaang umiling si Scarlett. “Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang bigyan ng chance to explain himself. O kung paniniwalaan ko pa ba ‘yong sinabi niya sa’kin kanina na minahal din daw niya ako noon at hanggang ngayon. Alam mo kung gaano ko katagal inasam na sabihin niya sa’kin ang salitang ‘I Love You’. At saksi ka rin kung ilang beses lang akong nabigo." Mapait siyang tumawa. "Tapos ngayon kung kailan napuno na ng galit ang puso ko at ikakasal na sa iba ay saka niya sasabihin sa’kin ‘yon?” “Hindi mo iyan mararamdaman kung hindi mo na siya mahal. Saka, friend, matatanda na tayo. Iyong salitang ‘I Love You’ usually inaasam lang ‘yon ng mga teenagers. But for matured people, next to action na lang ang linyang iyon." Medyo natauhan siya sinabi ng kaibigan. Totoo naman talaga na hindi mo kailangang oras-oras ay sabihin mo sa taong mahal mo ang salitang ‘I Love You’. Pero teenage siya that time na mababaw pa ang basehan ng pag-ibig. Hinawakan ni Faith ang kamay niya. “All you have to do is maging honest ka sa self mo. Huwag mong ipagpilitan ang sarili mo sa isang bagay na alam mong hindi ka magiging masaya. Move on from your past para maharap mo ng maayos ang future mo. Kung magpapakasal ka kay Albert, makasampu mong isipin that marriage is a lifetime commitment." Pinisil ni Faith ang kamay ni Scarlett. "If you’re not really sure about your feelings, you better let him go. At mas mabuting sabihin mo na sa kaniya ng maaga ang tungkol sa past niyo ni Brayden, bago pa niya malaman sa iba. Dahil alam mo kung gaano kasakit ang lokohin ng taong mahal mo." Umiling siya. “Sorry but I can’t. Hindi ko ko kayang saktan si Albert.” Hindi na siya napilit pa ng kaibigan. Marami pa sana silang pag-uusapan nang tumawag ang kaniyang Mommy Arianna at mukhang nagka-problema sa Daddy Vergilio niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD