Chapter 15

1379 Words
“Kumusta ang bunso ko?” tanong sa kaniya ng ama ni Scarlett, ilang araw matapos ang matagumpay na operasyon. Nasa ospital pa ito habang nagpapagaling. Siya ang nakatokang magbantay dahil umuwi ang kaniyang ina at mga kapatid. “Di ba po kayo ang dapat kung tanungin niyan? Tinakot mo kami, eh. Akala ko tuluyan ka ng kunin sa’min ni Lord.” “Anak, ang masamang damo ay matagal mamatay.” “Daddy naman,eh. Kayo po kaya ang pinaka- the best daddy in the world!” “Dinadaan mo na naman ako sa bola mo, eh. Manang-mana ka talaga sa Mommy mo," natatawang tugon ng ama. “Ang sabi ni Mommy, siya daw po ang nabola niyo, eh.” Lalong natawa ang kaniyang ama. Ngunit kapagkuwan ay bigla itong sumeryoso. “Sorry, anak, ha kung naging unfair ako sa’yo noong ipinadala kita sa Japan. Pero pinagsisihan ko 'yon ng sobra. Dahil maraming panahon ang sinayang ko para makasama ka," malungkot at may pagsisisi na sabi ni Daddy Vergilio. Masuyong ginagap ni Scarlett ang kamay ng ama. "Kalimutan n'yo na po 'yon, okay? Ang importante ay nandito na ako ngayon, Dad. I know na ginawa n'yo lang po kung ano sa tingin n'yo ang tama nang panahong ‘yon.” Kumislap ang mga mata ng ama niya. “Thank you, anak, for being understanding. Ang gusto ko sana bago man ako mawala sa mundong ito ay makita kong magkaayos kayo ng mga kapatid mo. Ikaw ang pinakamabait sa inyong tatlo kaya sana ikaw na ang bahalang magpakumbaba sa Ate at Kuya mo. At higit sa lahat, gusto kong makitang maayos na ang lovelife mo bago ako umalis.” “Don’t say that, please? You’re not leaving.” Hinawakan niya ang kamay ng ama. “Don’t worry kasi kaya ko naman pong pakisamahan sina Ate at Kuya, eh. Hindi rin ako titigil hanggat hindi ko nakukuha ang loob nila. And about my lovelife, I’m happy na. You know that, Dad. 'Di ba nga ikakasal na kami ni Albert next year. At alam kong boto kayo sa kaniya para sa’kin.” “I don’t see anything wrong with Albert. Nakikita ko kung gaano ka niya kamahal. Kaya ka niyang alagaan at mahalin forever." Pinisil ni Daddy Vergilio ang kamay ni Scarlett. "But I'm so worried about you, hija. Hindi ko nakikita sa’yo ngayon ang kaligayahang nararamdaman mo noon kay Brayden.” Sandaling natigilan si Scarlett. Bakit ba lahat na lang ng nakapaligid ss kaniya ay gan'on ang sinasabi? Siya na lang ba itong ipokrita at ayaw pa ring aminin sa sarili na hindi siya totoong masaya kay Albert? Na si Brayden lang ang kayang gumawa niyon sa kaniya? “Dad, wala na pong kinalaman si Brayden sa buhay ko ngayon. Matagal ng tapos ang kung ano mang namagitan sa'min noon. Binura ko na siya sa buhay ko." Alam ni Scarlett na labas sa ilong ang sinabi niyang iyon. Pero wala siyang balak na aminin sa ama, lalo na sa sarili, ang totoo. "'Di ba nga kayo pa ang nagsabi sa’kin noon that he’s not the right guy for me. Well, tama po kayo. Dahil si Albert ang tamang lalaki para sa’kin.” “Akala ko rin noon gan'on kasama si Brayden. Pero pinuntahan niya ako noon at humingi siya ng tawad sa lahat ng nagawa niyang mali sa'yo.” Umawang ang bibig ni Scarlett. Bigla niyang nabitiwan ang kamay ng ama sa pagkagulat. Muli itong nagsalita bago pa man makapagsalita si Scarlett. “Buong-puso niyang tinanggap ang mga suntok namin sa kaniya ng Kuya Jaxon mo. Hindi rin siya umalma sa mga masasakit na salitang binitiwan sa kaniya ng Mommy Arianna at Ate Sofia mo. Inamin niya rin sa’min ang tunay na dahilan kung bakit ka nagalit sa kaniya. That time, he proved to us how much he love you. Pagkatapos naming marinig ang explaination niya, na-realized namin kung gaano kalaki ang kasalanan namin sa inyong dalawa.” Kumunot ang noo ni Scarlett, halos magsalubong na ang mga kilay. Ang lakas din ng t***k ng puso niya. “R-really, Dad? Kailan niya po ginawa ‘yon?” “One week after malaman niya mula sa kaibigan mong si Faith na ipinadala ka namin sa Japan. Agad siyang pumunta sa bahay sa kabila ng panghaharang sa kaniya ng mga village guards.” “Pero bakit hindi niyo sinabi sa’kin nong pumunta kayo ng Japan?” may bahid ng paghihinampo na tanong ni Scarlett. Bantulot na tumingin sa kaniya ang ama. “Gustong-gusto ng Mommy mo. Pero ayoko. Dahil nanaig sa’kin ang pagiging ama nang mga oras na ‘yon. Nakita ko na okay ka na sa Japan at ayoko ng guluhin pa ang tahimik mo ng buhay. After all, you're just eighteen then. Umasa ako na makakalimutan mo rin siya.” Biglang nabuhay sa puso ni Scarlett ang paghihinampo noon sa ama. “Akala n'yo lang po okay ako n'on sa Japan," sumbat niya sa ama habang mamasa-masa ang mga mata. “Ilang taon din akong nabuhay sa galit ko noon sa kaniya, Dad. Ilang taon bago ko natutuhan na alisin siya sa sistema ko. Pinilit kong ibaling kay Albert ang feelings ko para sa kaniya. At alam n'yo po ba kung gaano siya kagalit sa’kin ngayon dahil hindi ko pinakinggan ang explaination niya noon?” “I’m sorry, anak. I’m so sorry.” Bahagyang gumaralgal na ang boses ni Daddy Vergilio. “Balak ko sanang sabihin sa’yo ang lahat noong pagkadating mo rito sa Pilipinas. Pero hindi ko na itinuloy dahil ang buong-akala ko ay nakalimutan mo na siya sa pamamagitan ni Albert. Ngunit nang makita ko kayong magkasama ng boyfriend mo sa bahay, hindi ko nakita ang kislap sa mga mata mo noong kayo pa ni Brayden." Sumungaw ang pagsisisi sa mga mata ni Daddy Vergilio. "Saglit lang ang relasyon n'yo noon pero ramdam na ramdam ko ang kasiyahan mo kaya nga kahit ayaw ko noon kay Brayden ay pinilit ko siyang tanggapin, alang-alang sa kaligayahan mo. Iyon din ang sinabi sa’kin noon ng Mommy mo.” Gusto niyang magalit sa ama. Pero para saan pa? Sasaktan lamang niya ang loob nito. Tama nang si Scarlett ang nasaktan at patuloy na nasasaktan. “But it’s too late, Dad." Pumiyok ang boses ni Scarlett. Tila may libong karayom ang tumusok sa puso niya. "S-sobrang dami na ng nangyari. At malalim na ang pinagsamahan namin ni Albert. He’s so nice to me that I can’t hurt him. Galit na galit na rin po ngayon sa'kin si Brayden." “Ang tunay na kaligayahan ay makakamit mo lang sa taong tunay na minamahal mo." Masuyong sinapo ni Daddy Vergilio ang mukha niya. "Mas masakit kapag nalaman mong iba ang nilalaman ng puso ng taong mahal mo. At iyon ang hindi deserve ni Albert, anak. Ang malaman pa niya iyon sa iba. Deserve niyang malaman mula sa'yo ang totoo mong damdamin." Naputol ang kanilang pag-uusap na mag-ama nang pumasok ang nurse para magpainom ng gamot sa Daddy Vergilio niya. Mayamaya ay nakatulog na ito. Saka naman dumating ang kaniyang Kuya Jaxon. “How’s Dad?” matipid nitong tanong. “He’s okay na. Nakatulog siya nang pinainom ng gamot.” Nag-iisip si Scarlett kung paano magpasalamat sa ginawa nitong pagtatanggol sa kaniya noon laban kay Brayden, ayon na rin sa kuwento ng kaniyang ama. “Ako na ang magbabantay dito. Para makauwi ka na at makapagpahinga," kapagkuwan ay pormal pa rin ang mukha na sabi ni Kuya Jaxon. “Kuya...” mahinang sambit ni Scarlett sa kapatid. Pero hindi ito sumagot. “I-I just want to say thank you sa ginawa mo noon kay Brayden para ipagtanggol ako.” Saglit itong natigilan bago siya binalingan. “It’s my responsibility as your big brother.” Sa sobrang tuwa ay nasugod niya ito ng yakap. “Thank you, Kuya Jaxon! Akala ko kasi noon ay wala kang pakialam sa’kin, eh.” Napaluha si Scarlett. "Kasi palagi mo akong dinededma." “Hindi porke’t tahimik ay wala ng pakialam. Ayoko lang maramdaman mo na pati ako ay nangingialam sa buhay mo. Alam natin kung gaano ka-strict sa’tin si Dad. But I’m sorry kung gan'on ang naging pakiramdam mo. Ama na rin ako ngayon, Scarlett, kaya naintindihan ko na si Daddy.” Nag-asawa na kasi ito five years ago at may four-year old son na. “Sige na. Umuwi ka na at mukhang wala ka pang maayos na tulog.” Muli niya itong niyakap at pinasalamatan. Magaan na magaan ang kaniyang pakiramdam nang umuwi siya ng kanilang bahay. Pakiramdam ni Scarlett ay nabawasan ng isang tinik ang kaniyang diddib.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD