
WARNING: This novel contains themes that use s*x, taboos, and heavy expletives. Read at your own risk.
-
Isang tagpuan.
-
Isang dalagang napupusuan.
-
Ipinagbabawal ang pakikiapid sa Sampung Utos ng bibliya, ngunit hindi ito alintana sa sakristan na si Lucio. Nahihibang na siguro siya kung kahit sa inosenteng pagkanta ni Anita sa harapan ng altar ay tinitigasan siya, ngunit hindi niya ito mapigilan - kahit alam niyang may nobyo na rin ito.
-
"Lupa nga na may titulo pupuwedeng nakawin, babae pa kaya na hindi pa natatali sa sakramento ng pagpapakasal?" aniya.
-
Purong pantasya lamang ni Lucio ang basihan niya sa kahalayan na dulot ng pagnanais kay Anita, hanggang nasilayan niya itong naliligo mag-isa sa tabing-ilog na mistulang nang-aakit sa kaniya.
-
Matatangay kaya sa ragasa ng ilog ang pagnanasang kinikimkim ni Lucio? O siya ang tatangayin nito hanggang tuluyang mahulog sa nakamamatay na talon?
