bc

Mafia Billionaire’s Fierce Housekeeper

book_age18+
3
ติดตาม
1K
อ่าน
เศรษฐี
แนวดาร์ก
หนีตอนตั้งครรภ์
มาเฟีย
ผู้สืบทอด
ชายจีบหญิง
ออฟฟิศ/ที่ทำงาน
assistant
like
intro-logo
คำนิยม

She enters the billionaire’s mansion disguised as a housekeeper, determined to find the agent she loves who vanished during his mission. Habang iniimbestigahan niya ang intimidating na billionaire na sinasabing Mafia King, hindi niya inaasahang mahuhulog siya rito. Their attraction turns into a dangerous affair pero ang puso niya ay pag-aari pa rin ng agent na nawawala hanggang sa lumabas ang buong katotohanan.Heartbroken, she walks away after her mission. Isang buwan lang ang lumipas nang malaman niyang buntis siya, at kailangan niyang harapin muli ang bilyonaryong hindi niya pinili.

chap-preview
อ่านตัวอย่างฟรี
Chapter 1
Chapter 1 POV: Zafira Nakatayo ako sa harap ng malaking gate ng Villacorta Mansion habang mahigpit kong hawak ang maliit kong maleta. Ilang minuto na akong hindi gumagalaw, hindi dahil sa pagod at hindi rin dahil kinakabahan ako. Sinusubukan ko lang sanayin ang sarili ko sa lugar sa ilang minuto pa lang ang nakalilipas at unang beses ko pa lang nakita kahit na interes ko talagang pasukin. Napakalawak ng property. Mula sa kinatatayuan ko, tanaw ko ang mahabang driveway na napapalibutan ng maayos na Horsetail Reed grass, mga halamang maingat na pinutulan at matataas na puno na nagbibigay ng kaunting lilim sa paligid. Sa dulo ng driveway ay nakatayo ang mansion na halos parang isang private hotel sa laki. Puting bato ang exterior nito na may malalaking salamin sa ilang bahagi. Simple ang disenyo pero halatang mahal ang bawat materyales na ginamit at masasabi kong para itong mansyon na mabibili sa L.A sa milyong dolyar na halaga. Anong ipagtataka ko ay mayaman ang may-ari nito, at hindi lang basta mayaman.Napatingin ako sa paligid. May dalawang security guard sa gate at may isa pa sa may entrance. May CCTV camera sa ilang bahagi ng exterior. Hindi ko alam kung ilan ang nasa loob, malamang bawat sulok. Hindi ko rin alam kung gaano karaming tao ang nagtatrabaho rito basta ang jobalam ko lang, malayo ito sa mga bahay na nakasanayan kong makita. “Miss Zafira?” Napalingon ako sa lalaking nasa tabi ko. Naka-formal uniform siya at may hawak na folder. Siya ang staff mula sa agency na nag-asikaso ng placement ko bilang housekeeper. “P-Po?” Ngumiti siya nang kaunti. “Ready na po tayo. May naghihintay na sa inyo sa loob.” Tumango ako sa kanya sa pormal na paraan, “Okay po.” Kinuha niya ang maleta ko pero agad ko iyong pinigilan. “Ako na po,” sabi ko sa kanya. “Sure ka ba?” “Opo.” Hindi na siya nakipagtalo. Muling bumukas ang gate. Mabagal na pumasok ang sasakyan na naghatid sa amin, at ilang segundo akong nanatili sa labas bago ako tuluyang naglakad papunta sa entrance. Habang papalapit ako sa mansyon ng mga Villacorta, lalo kong nararamdaman kung gaano katahimik ang lugar. Walang batang naglalaro rito. Walang nag-uusap sa labas. Walang tunog ng telebisyon o music. Para itong simenteryo. Pagdating namin sa main entrance, bumukas ang malaking pinto. Isang lalaki ang naghihintay sa loob. Nasa early fifties siguro siya. Maayos ang postura niya, tuwid ang likod at napakaayos ng suot na dark gray suit. “Good afternoon, Miss Zafira,” bati niya, “Ako si Alfredo Reyes, ang mayordomo ng mansyon.” “Good afternoon po.” Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, pero hindi naman bastos ang paraan ng pagtingin niya. Parang sinusuri lang niya kung ako nga ang taong inaasahan niya. “Welcome to Villacorta Mansion.” “Thank you po. Ano po ba ang pwede kong itawag sa inyo?” “Mister Reyes, Alfredo, Mang Pidong…” Kinuha niya ang folder mula sa staff na kasama ko, “Everything is already arranged.” Tumango ang agency staff. “Naipaliwanag na po namin sa kanya ang basic rules ng house, Mister Reyes.” “Mabuti naman at salamat.” Humarap si Mang Pidong sa akin. Ang pormal niya. Hindi ako ganito. “Kung may kailangan ka, maaari mo akong lapitan. I will be overseeing the household staff.” “Opo, Sir.” “Hindi kailangang tawagin ninyo akong sir,” sabi niya sa staff, “Mr. Reyes will be fine and the others. Iisa ang sir dito at si Master iyon.” “Okay po, Mang Pidong,” sagot ko na sa kanya. May nagpakita na maliit na ngiti sa labi niya. “Paano, Miss Safira? Maiwan na kita rito. Tumawag ka lang sa agency kapag may kailangan ka,” sabi ng staff sa akin. “Salamat po, Sir,” sagot ko sa lalaki. “Thank you for bringing her here,” ani ni Alfredo tapos ay binalingan ako nang escortan ng isang maid ang staff papalabas, “Come with me.” Hinila ko ang maleta ko at sumunod sa kanya. Pagkapasok namin sa hallway, agad kong napansin ang linis ng buong lugar. Wala ditong kalat. Wala ring katiting na alikabok. Walang kahit anong bagay na nakalagay sa maling lugar. Ang sahig ay makintab na parang bagong gawa kahit mukhang matagal nang nakatira ang mga tao rito. Sa kanan ay isang malaking living area. Sa kaliwa naman ay may hallway na papunta sa iba’t ibang bahagi ng bahay. Hindi ako masyadong tumingin nang matagal. Ayokong magmukhang excited o curious. Bagong empleyado lang ako at iyon ang dapat kong ipakita. “Dito ang maids’ quarters,” sabi ni Mang Pidong. Huminto kami sa isang hallway na mas simple ang itsura kumpara sa main part ng mansion. May ilang pinto sa magkabilang side na pare-pareho ang kulay at pare-pareho rin ang laki. “Each staff member has their own room,” paliwanag niya. Napatingin ako sa mga pinto. “Mag-isa po ako sa kwarto?” “Yes.” Binuksan niya ang isa sa mga pinto at sumingaw ang mabangong amoy, amoy fab con na hindi nakakasuka ang amoy. Maliit ang kwarto at sapat lang para sa isang kama, isang maliit na side table at isang cabinet na nakadikit sa dingding. May maliit na bintana sa gilid at may ceiling fan. May sariling bathroom sa likod ng isang maliit na pinto. Simple ang quarter at napakalinis. “Dito ang kwarto mo. Libre ang shampoo, sabon, conditioner pati na sanitary napkin.” Napatanga ako. Wow. Bago iyon ah. Mayaman talaga ang amo ko dahil pati napkin ay sagot niya. Pumasok ako. Inilapag ko ang maleta ko sa tabi ng kama. Tumingin ako sa paligid. “May iba pa po bang kasambahay bukod sa nakita ko kanina?” “Meron. You will meet them later.” Tumango ako. “May schedule po ba?” “In the staff area, may schedule board. You will see it after you settle in.” “Okay po.” Iniabot niya sa akin ang isang maliit na envelope. “Your ID, staff schedule, house rules, and emergency numbers.” Tinanggap ko iyon at ngumiti sa matanda, “Thank you po.” “May isa pa pala,” pahabol nito kaya napatingin ako sa kanya. “Hindi kayo pwedeng pumunta sa private wing ng bahay nang walang permiso.” “Private wing po?” “Yes.” “May-ari po ba ng mansion ang gumagamit noon?” Bahagya siyang natahimik bago sumagot, “Part of it.” Hindi na ako nagtanong pa dahil baka isipin niya ay tsismosa ako agad first day pa lang. “Also,” dagdag na naman niya, “kapag may bisita ang household, huwag kayong makialam sa mga personal na usapan nila. Do your work and keep your distance. Do not interfere, unless you hear the bell.” Bell. Okay. “Opo.” “Hindi ibig sabihin na kailangan ninyong matakot. Professionalism lang, ineng.” Tumango ako, “Naiintindihan ko po.” Tumingin siya sa akin nang ilang segundo, “Good. Maiwan na kita para maayos mo ang mga gamit mo tapos ipahahatid ko na rito ang uniform mo.” “Salamat po.” Pagkatapos ay lumabas siya ng kwarto. “Magpahinga ka muna. Dinner starts at seven. May staff meal sa dining area pagkatapos kumain ng master. Kapag wala pa siya ng alas syete ay pwede ng kumain ang lahat ng kasambahay.” “Okay po.” “After dinner, may orientation.” Tumango ako. Isinara niya ang pinto at naiwan akong mag-isa. Napabuntong-hininga ako. Sa wakas. Inilagay ko ang kamay ko sa hawakan ng maleta at binuksan iyon. Ilang damit lang ang dala ko. Isa-isa kong inilagay ang mga damit sa cabinet. Napakaliit ng space pero kasya naman ang dala ko. Hindi ako nagdala ng maraming gamit. Ayokong magmukhang may balak akong agawan ng bahay ang may-ari. Kinuha ko ang isang blouse at inilagay sa hanger. Pagkatapos no’n ay tumingin ako sa salamin na nakakabit sa gilid ng cabinet. Pareho pa rin ang mukha kong nakikita ko. Simple lang ako, maayos, walang make-up at walang kahit anong bagay na makakapagbigay ng dahilan para pag-isipan ako ng ibang tao. Ganito dapat. Ordinaryo lang ako. Umupo ako sa gilid ng kama. Mula rito, tanaw ko ang maliit na bintana. Bahagyang nakabukas ang kurtina. Sa labas ay nakikita ko ang likod na bahagi ng garden. Napakalawak ng garden, may swimming pool, may malaking gazebo. May ilang staff na naglalakad sa malayo. Muling pumasok sa isip ko ang pangalan ng lugar. Villacorta Estate. Hadrian Villacorta. Hindi ko pa siya nakikita. Hindi ko alam kung ano ang itsura niya. At sa totoo lang, hindi naman dapat iyon ang concern ko. Tumayo ako at inayos ang buhok ko. Hindi pa ako nakakapag-settle nang marinig ko ang mahinang katok sa pinto. “Miss Zafira?” Binuksan ko ang pinto.Isang babae ang nakatayo sa labas. Mukhang nasa late twenties siya. Naka-uniform din siya at may hawak na basket ng folded towels. “Hi. Ako si Lorna.” “Zafira.” Ngumiti siya sa akin, “Alam ko. Sinabi ni Mang Pido.” Napangiti rin ako sa babae, “Nice to meet you.” Pumasok siya nang kaunti sa doorway pero hindi tuluyang pumasok. “Don’t worry. Madali lang dito.” “Madali?” Nakakunot noo kong tanong. “Compared sa ibang bahay na napasukan ko ay madali rito. Mahigpit lang ang security pero kung sa trabaho hindi ganoon karami dahil wala naman kalat.” Napatingin ako sa kanya, “Marami ka nang napasukan?” “Tatlo na,” Tumawa siya nang mahina, “Pero dito ako pinakamatagal.” “Bakit?” “Okay naman ang salary. Maayos ang staff at hindi mahirap pakisamahan ang household.” “Ang amo?” Sandaling natahimik si Lorna tapos ay ngumiti siya. “Hindi ko a-alam,” bulong niya kaya napakunot ang noo ko. “Hindi mo alam?” “Bihira ko siyang makita.” “Ah.” “Hindi kasi siya laging nandito.” “Busy sa business?” “Siguro.” Nagkibit-balikat siya, “Hindi ko naman alam ang details. Hindi kami nagtatanong.” Tumango ako, “Tama naman iyon.” Napatingin siya sa loob ng kwarto ko, “Okay na ang mga gamit mo?” “Oo.” “Kung kailangan mo ng tulong, room ko nasa dulo ha.” “Okay. Salamat naman at mukhang magiging maayos ang stay ko rito.” Tumalikod na siya pero bago tuluyang umalis ay humarap ulit sa akin, “By the way, huwag kang magulat kung minsan biglang nagbabago ang schedule.” “Ha?” “Kapag umuwi si Master.” Napatigil ako, “Bakit?” “Mas maraming security kapag nandito siya.” Tumango ako ulit. Expected na iyon kasi mayaman siya na sobra. Baka dinaig niya ang presidential security. Nang magpaalam si Lorna ay isinara ko ang pinto. Tahimik ulit ang buong kwarto. Umupo ako sa kama. Hindi ko alam kung bakit mas naging aware ako sa paligid pagkatapos ng maikling usapan namin. Maraming security. Private wing. Biglang nagbabago ang schedule kapag umuuwi ang amo at halos walang nakakaalam ng personal na buhay nito. Makalipas ang halos isang oras, bumangon ako. Nagpalit ako ng mas maayos na damit at inayos ang sarili bago lumabas ng kwarto. Habang naglalakad ako papunta sa dining area, ilang staff ang nakasalubong ko na may kanya-kanyang ginagawa. Organized sila tapos ay pumunta sila sa dining nang matapos nila ang gawain. Pagdating ko sa staff dining area, nakita ko si Lorna at dalawang babae na nakaupo na. “Zafira, dito!” Umupo ako sa tabi ni Lorna. Ipinakilala niya ako sa dalawa pa naming kasama. “Si Mila at si Tess nga pala. Pareho silang matagal ng nagtatrabaho sa mansion. Si Zafira, bago nating kasama.” “First day mo?” tanong ni Mila. “Oo kadarating ko lang kanina.” “Housekeeper ka rin?” Tumango ako, “Main house.” “Mas mabuti.” “Bakit?” “Mas okay dito kaysa sa kabilang wing.” “Bakit?” “Mas maraming trabaho sa kabilang wing.” Napangiti ako, “Okay.” Nagsimula na kaming kumain. Simple lang ang dinner ng staff. Rice, chicken, gulay at soup pero kung tutuusin ay mas pa rin kaysa sa pagkain ng mga taong sobrang hikahos sa buhay. Habang kumakain, naririnig ko ang mga usapan nila tungkol sa schedule, deliveries at mga darating na bisita. Normal na bagay iyon hanggang sa biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Mang Alfredo. Tumigil ang lahat sa pag-uusap. Hindi naman siya mukhang galit pero sapat na ang presensya niya para maging tahimik ang dining area. “After dinner, Zafira, please meet me at the service office.” Tumango ako, “Opo, Mang Pidong. Kain po kayo.” “Salamat pero mamaya pa ako,” Pagkaalis niya, napatingin ako sa tatlo kong kasama. “May nagawa ba ako para ipatawag kaagad doon?” Nakangiwi kong tanong pero hindi naman ako kinakabahan. Umiling si Lorna, “Orientation lang iyon. Huwag kang matakot.” “Sige mabuti naman kung gaanon akala ko talsik agad ako di pa man lang nag-uumpisa.” Medyo natawa sila nang mahina. Nagpatuloy kami sa pagkain pero ilang minuto pagkatapos noon, napansin kong may dalawang security personnel na dumaan sa hallway. Hindi sila karaniwang staff at parehong nakasuot ng earpiece. Nagtitigan kami ni Lorna. “May bisita ba?” tanong ko. Umiling siya, “Hindi ko rin alam dahil wala naman ininform si Mang Pidong.” Hindi na ako nagtanong pa at nakiramdam na lang. Pagkatapos ng dinner, pumunta ako sa service office. Nandoon si Mr. Reyes kasama ang isang babaeng supervisor. Ibinigay sa akin ang schedule ko. Morning cleaning ako, bedroom maintenance, laundry assistance kapag kailangan, dining preparation, guest room preparation at iba pang ordinaryong trabaho. Ipinaliwanag din sa akin ang mga bawal. No unauthorized visitors. No pictures inside the property. No sharing of household information. No entering restricted areas. No personal use of household vehicles at higit sa lahat, kailangan kong sundin ang instructions ng mayordomo. Simple lang ito lahat at wala namang problema. Pagkatapos ng orientation, bumalik ako sa kwarto ko. Alas-nuwebe na ng gabi. Tahimik na ang buong hallway. Isinara ko ang pinto at naupo sa kama. Kinuha ko ang phone ko at nagbasa ng ilang messages. Binasa ko ang mga iyon isa-isa bago ko inilapag ang phone sa tabi ko. Humiga ako at tumingin sa kisame. First day at wala pa akong nakikita. Wala pa akong alam at wala pa akong dahilan para gumawa ng anumang galaw. Kailangan kong maghintay. Kailangan kong obserbahan ang lahat dito. Kailangan kong maging maingat dahil dito nagsisimula ang trabaho ko. Hindi ko alam kung gaano ako katagal mananatili sa Villacorta Mansion. Hindi ko rin alam kung ano ang naghihintay sa akin sa loob ng bahay na ito.

editor-pick
Dreame - ขวัญใจบรรณาธิการ

bc

Mafia Heir Declan Madrigal

read
484.4K
bc

I Married The Arrogant CEO

read
32.4K
bc

The Heartless Don's Angel

read
79.3K
bc

Red Lady Is Now Live! (SPG)

read
16.0K
bc

Secretly Living With My Boss | SPG

read
835.4K
bc

In Bed With Kuya Red

read
57.4K
bc

Owned by an Arrogant Billionaire- Montenegro Obsession 1

read
58.2K

สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook