Chapter 1
Prologue
"Oh my goodness great God!"
Isang napakalakas na tili ang narinig ko kaya agad akong napabangon. Bumagsak ako sa sahig at doon ko lamang naramdaman ang sakit sa gitnang hita ko.
Bumaba ang tingin ko sa katawan ko at nakitang walang ni isang saplot akong suot. What the hell did I do? Mas pinulopot ko pa ang comforter na nakatakip sa aking katawan at ibinaling ang tingin sa taong sumigaw kanina.
Nasuko ko na ang kabataan ko! s**t!
"Here, put your clothes now." Bigay ng Ginang sa akin at tinulongan akong tumayo.
I run towards the bathroom kahit na paika-ika ako. I was about to wear my underwear when I saw it destroyed. Damn, paano nasira to? Sinuot ko na lamang ang dress ko at naghilamos.
Naibukas ko na ng kunti ang pintuan at lalabas na sana ng makita kong sinesermonan ng Ginang ang lalaking panigurado ay kasama kung gumawa ng kalaswaan kagabi. Wala pa din itong pang-itaas na damit at nakatago ang kalahati niyang katawan sa may comforter.
"I don't know what I'm going to do with you anymore Ryder! You're such a headache!" napasabunot na lamang ang Ginang sa buhok.
If I'm not mistaken she's in her late 50's now yet she still looks fresh and young. Nakalugay ang kaniyang buhok at maraming alahas na suot habang nakapang-opisina na damit.
"I was drunk Mom, I didn't know what I was doing okay?" So Mommy niya pala 'yon.
"You didn't know what you were doing? That's bullshit." galit nitong aniya at hinampas ang anak ng unan.
"O-ouch! Mom!" Pigil nito sa kamay niyang naghahampas ng unan.
"Alam mong may girlfriend ka Ryder and you bedded another woman!? I thought hindi ka tutulad sa ama mo!"
Napatakip ako sa aking bibig dahil sa gulat. May girlfriend siya? At nakipagsex sa akin? Sinara ko ulit ang pinto at napahilamos sa mukha.
"Ano na lang ang sasabihin sa akin ng girlfriend niya?" I whispered.
Pilit kong inaalala ang nangyari kagabi. Sumama ako kay Max na katrabaho ko sa pagiging janitress dahil walang katapusan niya akong kinulit. Nakipaghiwalay kasi ang boyfriend niya kaya niyaya niya akong magbar.
Ang pagkakaalam ko ay hindi ako uminom ng alcohol dahil tubig lang 'yon. But after drinking all that water, I remembered that I felt dizzy kaya nagpunta ako sa banyo and then... and then... a guy kissed me! At malamang siya yon.
"Kasalanan niya 'yon! Kung hindi niya sana ako hinalikan ay hindi kami madadala sa kama!" I hissed and look angry at my reflection in the mirror of the bathroom before going out.
Napapitlag naman sa gulat ang mag-ina ng makita akong lumabas. Umiwas ako ng tingin upang hindi magtama ang mata namin ng lalaki at agad na hinanap ang mga gamit ko. Kailangan ko ng umalis.
"Iha, eat with us." His Mom said.
"U-uh, hindi na po. Late na po kasi ako sa trabaho." mahinang sabi ko.
"Where do you work?" she asked.
"Sa Gomez Enterprises po." maikling sabi ko.
Kinuha niya saglit ang phone niya sa pitaka niya at nagsimulang magtipa.
"Just let her go Mom." sabad ng anak niya ngunit hindi niya ito pinansin.
"Okay. You'll eat breakfast with us. I already told the CEO of that company na you'll be late."
"P-po? E hindi naman na po kailangan. Janitress lang naman po ako doon." Ani ko.
"Kahit na, you're still their employee kaya don't look down at your job. Your job is still a job." sabi niya bago ako hinila palabas. "Ryder, get up na din! Kakain na!" Pahabol pa nito sa anak.
Napaawang ang labi ko ng bumungad sa amin ang magandang hallway. Hawak niya pa din ang kamay ko hanggang sa marating namin ang Dining Area sa baba dahil nakita niyang nahihirapan akong maglakad. Pinaupo niya ako sa silya habang hinihintay na dumating ang mga pagkain.
Hindi din nagtagal ay dumating na si Ryder at umupo sa tapat ko. Ramdam na ramdam ko ang titig niya sa akin. Kung ang titig ay nakakamatay, siguro patay na ako ngayon.
"So I asked you both to have breakfast with me because I have something to tell you." Seryosong sabi ng Nanay ni Ryder. "By the way before that, I'm Regina and this is my son Ryder Smith."
"And you? what's your name Iha?" she added.
"T-tamaryn po, Tamaryn Castro po." Tipid akong ngumiti.
Sakto namang dumating ang mga pagkain kaya natigil ang pag-uusap namin. We started eating, nahihiya pa nga akong maghain ng pagkain ko dahil mukhang hindi ako welcome sa Ryder na 'yon dahil panay titig ito sa akin.
"So 'yon na nga, I won't give flowery words or introductions," Sabi nito pagkatapos uminom. "I want you to live in the same house."
"What!?"
"Po!?"
Halos sabay kaming nagsalita ni Ryder dahil sa narinig. Napatingin din ako sa banda niya kaya nagkatinginan kami. Madilim ang mga mata nito at mukhang sasabog na.
Ngayon ko lang din nasilayan ang gwapo niyang mukha. Magkasalubong ang makapal nitong kilay habang nakatingin sa akin gamit ang kulay abo niyang mata. His jaw then tightened and look at her Mom angrily.
"For what Mom!?" He asked.
"You already forgot son? May nangyari sa inyo kagabi for pete's sake! And virgin pa siya!" Sumbat naman ng Mommy niya.
"Pero po, hindi naman—"
"No more buts Tamaryn. You'll be staying in this house starting tomorrow. Get your things na, magpapasama ako ng maid para tulungan ka." Desidido niyang saad.
"Mom, may girlfriend ako." pangungumbinsi niya sa Nanay niya.
"Then you should've not done that in the first place. End of discussion Ryder Jace Smith." sa tono pa lang ay galit na ang Mommy niya.
Tumayo na ito at nagpaalam na dahil may meeting pa daw ito. Naiwan kaming dalawang hindi nag-iimikan. He was staring at me for too long kaya napabaling na ako sa kaniya.
"Bakit po?" magalang kong sabi.
Napahalukipkip ito at sumandal sa upuan. "Wala ka talagang ginawa para makumbinsi si Mommy na huwag tayong magsama. Gusto mo bang 'tong set-up na to ha!?" Singhal niya sa akin.
"Nakita niyo naman po na sinubukan ko kaya lang ayaw talaga ako pakinggan ng Mommy niyo. Atsaka ayaw ko din naman po to." I explained.
"Then you could've tried harder b***h! You're a w***e!" He shouted in frustration before standing up. Iniwan akong mag-isa.
Hindi ko na napigilan ang mga luha ko at nagsibagsakan na ito. Hindi ako bobo para hindi maintindihan ang sinabi niya. Nakapag-aral din naman ako kahit hindi ako nakapagtapos ay meron naman akong natutunan.
Sobrang sakit nang sinabi niya sa akin, parang tinapakan ang pagkatao ko. Mas maganda sigurong kumbinsihin ko na ulit si Ma'am Regina. Agad kong pinunasan ang luha ko ng marinig ang yapak ng mga katulong.
"Ma'am okay lang po ba kayo?" Tanong ng isang kasambahay na kulot ang buhok.
"Ah, oo. Atsaka huwag mo na akong tawaging Ma'am parang magkasing edad lang naman kasi tayo e." Tumawa ako para mabawasan ang lamig ng atmospera. "Aalis na pala ako. Salamat."