bc

Mister President’s Dirty Secret

book_age16+
0
ติดตาม
1K
อ่าน
หนีตอนตั้งครรภ์
แม่เลี้ยงเดี่ยว
ผู้สืบทอด
คนใช้แรงงาน
หวาน
ชายจีบหญิง
สาสมใจ
ออฟฟิศ/ที่ทำงาน
love at the first sight
like
intro-logo
คำนิยม

Napilitan si Selene na maging isang surrogate mother nang makulong ang kanyang ama. Wala siyang ibang pagpipilian—she needed money, and fast. Kahit hindi niya lubos na naiintindihan ang pinapasok niya, tinanggap niya ito alang-alang sa taong pinakamahalaga sa kanya.Ngunit habang dinadala niya ang bata sa kanyang sinapupunan, may isang madilim na banta ang dumating sa kanyang buhay. May taong nagbabala sa kanya—leave, or you and the child you carry will be killed. Takot ang namayani sa puso niya, kaya pinili niyang tumakas at maglaho nang parang bula.Limang taon ang lumipas.Pagod, hirap, at pangungulila ang naging kasama niya sa mga panahong iyon. Kaya nang wala na siyang matakbuhan, she returned to Manila, hoping for a fresh start. Hindi niya inaasahan na matatanggap siya bilang kasambahay ng mismong pangulo ng bansa.Sa loob ng palasyo, akala niya ay makakahanap siya ng katahimikan. But fate had other plans.Unti-unting napalapit sa kanya ang binatang presidente—isang lalaking makapangyarihan ngunit may pusong marunong magmahal. Sa bawat araw na magkasama sila, her walls slowly broke down. Ngunit kasabay ng paglapit nila sa isa’t isa ay ang pagdami ng mga taong gustong sirain siya.Mga matang mapanghusga. Mga bulong na mapanakit. At ang pinakamabigat—ang imahe ng pangulo na unti-unting nadudungisan dahil sa kanya.She was just a maid. Isa lamang siyang dalagang ina na may madilim na nakaraan. At siya—isang lider ng bansa na kailangang manatiling malinis ang pangalan.Ngayon, kailangan niyang pumili.Will she fight for love, kahit kapalit nito ang pagbagsak ng lalaking mahal niya?Or will she walk away, sacrificing her own happiness to protect his name?Sa mundong puno ng kapangyarihan at lihim, ang pag-ibig ba ay sapat para ipaglaban… o isa lamang itong kahinaan na kailangang bitawan?

chap-preview
อ่านตัวอย่างฟรี
Prologue
Prologue Tahimik na nakapila si Selene sa loob ng malaki at abalang opisina ng agency. Halos dikit-dikit ang mga aplikante, karamihan ay may bitbit na makakapal na folder ng dokumento, college diploma, certificates, kung anu-ano pang patunay ng kanilang kakayahan. Siya, isang malinaw na plastik na envelope lamang ang hawak, at sa loob nito ay ang kanyang high school diploma at ilang lumang ID. NBI clearance, Police clearance at Barangay clearance. “Next,” tawag ng babaeng nasa mesa kaya napakurap siya at nagpahid ng pawis bago tumayo sa kinauupuan. Napabuntong-hininga si Selene bago humakbang pasulong. She tried to steady her breathing, clutching her papers tighter as if they might suddenly become more impressive in her hands. Umupo siya sa harap ng desk. Hindi man lang siya tinapunan ng maayos na tingin ng babaeng nag-iinterview. Tinanggap nito ang kanyang mga papel matapos na abutin sa kanya at mabilis na sinilip. “High school graduate?” malamig na tanong nito kapagkuwan. “Opo, Ma'am,” mahina pero maayos na sagot ni Selene, “Hindi na po ako nakapag college dahil—” Hindi siya pinatapos ng babae, “We are looking for applicants with experience or at least some formal training. Marami na ang nag-apply dito na may TESDA certificates, may housekeeping experience abroad, mga kasambahay ng mga mayayamang personalidad, politiko, artista… ikaw?” Napatigil si Selene. She swallowed hard, “Wala po, ma’am pero mabilis po akong matuto. Masipag po ako, at—” “Lahat naman sinasabi ‘yan,” putol ng babae, sabay lapag nang medyo may kabigatan sa kanyang mga papeles. Kaisa-isang nakalagay iyon sa hiwalay na mga folders na kabilang bahagi ng mesa nito. Alam na niya na iyon ang mga qualified at siya ay hindi. “Next time, try mo muna mag-training bago ka bumalik sa mga ganitong agency. Mataas ang standards dito, hindi basta-basta dahil hindi rin basta-basta ang mga magiging amo. We don't settle for less. Hindi ganito kadali makapasok sa agency. Hindi rito pwede ang ganda-ganda lang. Hindi naman kayang pagtakpan ng ganda ang kakulangan sa alam at kawalan ng tinapusan.” Parang biglang lumiit ang mundo ng dalaga dahil sa mga narinig. She nodded slowly, forcing a small smile, kahit nanlalamig na ang kanyang mga kamay at nag-iinit ang sulok ng mga mata. Pati pagkatao niya na dati ng mababa ay lalo pang bumaba. Kung magsalita ang empleyado ay daig pa nito ang anak ng may-ari ng agency. Daig pa nito ang tagapagmana ng isang piraso ng tiles ng building ng kumpanya. “O-Opo. Salamat po,” bulong niya na handang tumayo. Kanina pa niya napapansin ang babae na ito na iirap-irap tuwing tinitingnan siya. Kanina pa siya may kutob na hindi magiging maganda ang pag-apply niya ngayon dito. “Sige na. Umaplay ka na lang siguro bilang labandera kung saang probinsya ka man galing,” taboy ng babae na sa mga ibang papeles tumingin. “Wait.” Pareho silang napalingon nang magsalita ang isang matandang babae mula sa may likuran. Nakasuot iyon ng simpleng uniporme, at may kalmadong mukha pero matalim na mga mata. “Let me see her papers.” Ipinasa ng interviewer ang envelope, halatang may halong pag-aalinlangan. Tahimik na sinuri ng matanda ang laman nito. Walang imik si Selene, pero ramdam niya ang lakas ng t***k ng kanyang puso. “Selene Quintana,” basa ng matanda sa kanyang pangalan. “Ilang taon ka na?” “Twenty-three po.” “May pamilya?” “Inay na lang po. May sakit po ang nanay ko, at ako na lang po ang naghahanapbuhay.” Sandaling natahimik ang matanda. Then she looked at Selene directly, not with judgment, but something softer. It's understanding. “Why do you want to work as a housemaid?” Hindi agad nakasagot si Selene. She took a deep breath before speaking, her voice trembling but honest. “Kailangan ko po ng trabaho. Hindi po para sa luho kung hindi para po mabuhay kami. Sanay naman po ako sa gawaing bahay dahil bata pa ho ako ay nagpapakatulong na ako. Katulong din po kasi ang Inay ko noon kaya lang ay nawalan po ng trabaho mang magkaroon ng dyabetis. Wala man po akong aral sa TESDA, siguro po kakayanin na ng experience ko ang trabaho.” May ilang segundong katahimikan. The younger interviewer shifted in her seat, clearly impatient. “Ma’am, marami pa pong nakapila—” “I know,” putol ng matanda. Ibinalik niya ang mga papel kay Selene pero hindi tulad ng una, maingat at may respeto. “Selene,” sabi nito, “we don’t just hire skills here. We also look at attitude.” Napatitig si Selene, tila nawalan ng pag-asa. Baka tingin nito ay wala siyang ugali. “Wala kang experience, yes but you have something others don't have. I can see the sincerity in your eyes,” bahagyang ngumiti ang matanda, “At minsan, iyon ang mas mahalaga.” “Ma’am…?” halos pabulong na tanong ni Selene at para siyang maiiyak. “I’ll give you a chance,” diretso nitong sabi, “akin na ang folder mo at ako na ang bahala na maglagay sa iyo sa listahan.” “Salamat po, Ma'am! Hindi po kayo magsisisi Hindi napigilan ni Selene ang pagluha. She quickly wiped her tears. “ Hindi ko po kayo bibiguin.” “Good,” sabi ng matanda. “Wait for a call. Keep your promise, ha. Don't fail me. Ibabalik ka rito ng amo mo kapag hindi ka nagustuhan. Feedbacks will be made, too. We follow up on our clients, Selene.” Tumango siya ulit, halos hindi na makapagsalita sa sobrang pasasalamat. “Thank you po… thank you so much po. Hindi po kayo mapapahiya.” Nakita niya ang pag-irap ng interviewer nang iabot niyang muli sa matanda ang kanyang mga papel pero hindi na niya iyon pinansin. Maghihintay na lang siya ng tawag kapag napili na siya na maging kasambahay. Habang palabas siya ng opisina, pakiramdam niya ay gumaan kahit papaano ang kanyang dibdib. The humiliation she felt earlier was still there, but now it was slowly being replaced by hope. Sa labas, huminto siya sandali at tumingala sa langit. Tahimik siyang pumikit at nagdasal ng pasasalamat. Maraming beses na siyang nangailangan pero kailanman ay hindi siya pinabayaan ng Diyos.

editor-pick
Dreame - ขวัญใจบรรณาธิการ

bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
529.2K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
1.0M
bc

Unscentable

read
1.7M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
825.3K
bc

A Warrior's Second Chance

read
259.3K
bc

The Broken Wolf

read
1.0M
bc

Just One Kiss, before divorcing me

read
2.5M

สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook