C-1: Hot Stripper
"Pepsi it's your turn," sabi ng manager na baklang butanding sa isang dalagang nasa isang tabi.
Nakasuot ito ng seducing white silk dress na hanggang half legs lang ang haba. Na kapag tumuwad ay kita ang wetpu nito na lantad din ang magaganda nitong coco melon. May suot din siyang maskara dahil siya ang main character sa club na iyon, VIP no string's attached. Siya ang may pinakamahal na bayad sa sikat na club na iyon dahil angkin niyang kagandahan at higit sa lahat... she's a virgin. At dahil sa kanya ay mas lalong dinayo ang club ng mga mayayamang galing sa elite society. Kaya alaga si Pepsi doon sa clun dahil ito ang tinatagurian nilang "Jewel in the Club".
Ang dating maingay ay napalitan ng nakakabinging katahimikan nang magsimula na ang tugtog ni Pepsi kasabay ng kanyang pagpasok sa entablado. All eyes are on her, a very breathtaking scenery sa lahat ng naroon. Lalo na nang namatay ang ilaw, umandap ang damit ni Pepsi na kay nipid pala iyon at bakat na bakat sa maganda niyang katawan. Idagdag pa na naaninag ang suot niyang n****e pads at t- back plus ang malabanos niyang kutis. Sino ba ang hindi mabibighani sa mala-dyosa niyang ganda at pangangatawan na para bang isa siyang anghel na bumaba mula sa langit. Bagay na bagay sa kanyang mga indak ang tugtog niyang careless whisper. At marami na namang kalalakihang mayayaman ang titigasan at marahil ay lalabasan sa makapapigil hiningang performance ni Pepsi ng gabing iyon.
"I want that woman," utos ng isang lalaking nasa may madilim na dulo na parte ng club.
"Tatawagin ko lang ang manager boss!" Sabi naman ng lalaking kanang kamay ng lalaki.
Bumuga nang usok ang lalaki mula sa tobacco nito sa kanyang bibig. Sabay senyas nito sa kanyang tauhan upang hanapin ang manager ng naturang club. Ilang sandali pa ay dumating na ang kanang kamay ng lalaki kasama na ang manager ng club.
"Mr. Brown anong maipaglilingkod ko sa inyo?" Magiliw na tanong ng bakla sa lalaki.
Sumenyas si Mr. Brown na maupo ang bakla sa kanyang harapan. Naupo naman ang bakla at pinagsalikop nito ang kanyang kamay na masayang tumingin kay Mr. Brown.
"I want that woman...name your price!" Diretsang sabi ni Mr. Brown.
Shocked ang bakla subalit agad din itong nakabawi at tumawa nang bahagya.
"I'm sorry Mr. Brown pero hindi po puwede," sabi ng bakla.
Kumuyom ang isang kamao ni Mr. Brown at inilapit pa nito ang kanyang mukha kay bakla.
"Million...is that enough? Maiuwi ko lang ang babaeng iyon... just one night only!" Anas ni Mr. Brown.
Napakurap-kurap ang bakla at mapakla itong ngumiti.
"Mr. Brown ang laki ng offer mo for just one night. Pero ang babaeng tinutukoy mo ay jewel ng club na ito ayaw niya ng nailalabas siya. At kung desperate ka talaga may-ari ng club ang kausapin mo Mr. Brown." Saad ng bakla.
Muling inilayo ni Mr. Brown ang mukha nito sa bakla at sumandal sa kanyang upuan. Humithit ito sa hawak niyang tabacco at binugaan niya nang usok ang mukha ng bakla. Agad namang napaubo ang bakla sabay takip ng kanyang ilong at nag- inhale at exhale ito nang hinga.
"Who is the owner of this club?" Tanong ni Mr. Brown.
Ngumiti naman si bakla. "Si Mr. Harrison Verdadero po anak ni Don Bosco Verdadero!" Aniya.
Kagyat na natigilan si Mr. Brown sa sinabi ni Bakla nag- igting ang mga panga nito. Kapagkuwan ay marahas na tumayo si Mr. Brown na hindi man lang tumingin sa bakla.
"I will do it on my own no need to speak to your superior. He's my mortal rivalry," anito sabay senyas at sa isang iglap ay umalis na ang buong grupo ni Mr. Brown sa naturang club.
"Mama Sol anong nangyari?" Tanong ng mga kababaihang nagtartrabaho sa club nang lapitan nila si bakla na halos himatayin na.
Hindi na bago sa kanila ang nga tagpong gustong bilhin si Pepsi ng mga bigating customer nila. Subalit kakaiba ang gabing iyon dahil mortal na kalaban pala ng may-ari ng club ang gustong bumili at umangkin kay Pepsi. Napanganga ang lahat nang masabi ni Mama Sol ang napag- usapan nila ng lalaking mortal na kaaway ng kanilang boss.
"Nasaan si Pepsi?" Naalalang tanong ni Mama Sol.
"Umuwi na siya Mama Sol masama daw ang pakiramdam niya. Hindi daw niya kaya ngayon ang tatlong performance," sagot ng isa.
Isang beses lang talaga ang performance ni Pepsi doon lalo na at bago pa ito. Pinapakiusapan lamang siya nina Mama Sol na mag- performance pa ayon sa request ng nakakarami. Usually pang- huling performer si Pepsi teknik iyon para manatili ang mga costumer nila hanggang sa midnight.
"Nagpaalam siya kay Mama Sheng pagkatapos niyang bumaba ng stage." Sabi pa ng isa.
Tumango-tango naman si Mama Sol medyo nawala ang sakit ng ulo nito dahil sa kanyang narinig.
"Mabuti naman at baka hintayin siya sa labas kapag nagtagal pa siya dito." Sabi ni Mama Sol na nakahinga naman nang maluwag.
Maya-maya pa'y pinabalik na niya ang lahat ng performer sa dressing rooms. Binilinan niya pa ang mga magkakasunod na performer upang ayusin nila ang kanilang performance sa stage. Si Mama Sol naman ay hinanap niya agad si Mama Sheng upang tawagan nila ang kanilang boss na si Harrison Verdadero para ipaalam dito ang nangyari kanina lamang sa club.
"Maaga ka ngayon, Raven." Sabi ni Mang Julio nang mapagbuksan niya ang alaga niyang dalaga.
Ngumiti naman si Raven. "Mang Julio, don't call me that name. Matagal na pong patay si Raven," anito sabay pasok.
Malungkot na bumuntonghininga si Mang Julio saka niya nilingon si Aling Belen na nasa may pintuan.
"Subalit para sa akin...sa amin ng Yaya Belen mo, buhay na buhay si Raven Mystique Ignacio." Giit ng matanda.
Napakurap-kurap si Raven tumingala siya upang hindi malaglag ang mga nagbabanta niyang mga luha.
"Gusto kong ibaon niyo sa limot si Raven Mystique Ignacio, Mang Julio...Yaya Belen. Dahil sa tuwing tinatawag niyo ako sa ganyang pangalan agad na bumabalik sa akin ang mapait na nakaraan!" Matatag na sabi ni Raven.
"Raven..." Ani Yaya Belen.
Ngumiti ang dalaga. "Pepsi Miranda Alcobar Yaya...iyan ang itawag niyo sa akin. Hindi pa ba kayo sanay? Sige na matulog na po tayong lahat at salamat po sa inyong paghihintay sa akin ngayong gabi!" Sabi nito sabay halik sa noo ng mag- asawa hanggang sa tuluyan ng itong nagpunta sa sarili niyang silid.
Malungkot na sinundan ng tingin ang mag- asawa ang kanilang papalayong dalaga.
"Siguro nga ay tama siya Belen. Ibaon na natin sa limot si Raven dahil siya na ngayon si Pepsi. Hala, matulog na tayo at darating bukas si Don Larry dito sa bahay tiyak kakausapin na naman niya ang ating dalaga." Sabi ni Mang Julio sa kanyang asawa sabay akbay dito.
Ngumiti na lamang sabay tango si Aling Belen subalit hindi nawala ang lungkot na nasa mukha nito ng gabing iyon.