The Graduation Betrayal
Ang lakas ng bass ng music sa buong disco bar. Halos hindi na marinig ni Doreen Castillo ang sarili niyang boses sa ingay ng mga kaibigan niya, pero wala siyang pakialam. Tonight was supposed to be a celebration. Graduation night nila. After years of puyat, tambak na requirements, terror professors, at mga exam na akala niya'y katapusan na ng mundo, sa wakas ay malaya na siya sa kolehiyo. Well, technically, hindi pa siya malaya sa mundo. May trabaho pa siyang kailangang hanapin, bills na kailangang bayaran, at future na kailangang pag-isipan. Pero para sa gabing ito, gusto niyang kalimutan muna ang lahat ng iyon.
"TO OUR GRADUATION!" sigaw ni Mark habang itinataas ang baso niya.
"TO OUR FUTURE MILLIONAIRES!" dagdag naman ni Carla.
"Correction!" singit ni Suzie, ang tinaguriang campus queen ng kanilang university.
"To our future rich husbands! Hindi ako papayag na maghihirap ako after graduation. Pinaghirapan kong maging maganda, dapat may return on investment!" Naghiyawan ang buong grupo.
"Grabe ka, Suzie!" natatawang sabi ni Doreen.
"What? At least honest ako."
"Honest ka lang kapag mayaman ang pinag-uusapan," komento ni Mark.
"At least may pinag-uusapan akong mayaman. Ikaw nga, hanggang pangarap ka lang."
"Aray! Personalan na ba tayo dito!" Nagtawanan silang lahat. Napailing na lang si Doreen habang humihigop ng juice niya. Hindi siya gaanong mahilig sa alak, pero dahil graduation naman nila, pumayag siyang tikman ang cocktail na in-order ni Carla. Konting inom lang. That's what she told herself. At least, iyon ang plano niya.
"Doreen, bakit juice lang iniinom mo?" tanong ni Joey, ang boyfriend niyang halos dalawang taon na niyang kasama. Magkatabi silang nakaupo sa mahabang sofa. Nakapatong ang isang braso nito sa sandalan sa likod niya habang nakikipagkuwentuhan sa mga kaibigan.
"Alam mo namang hindi ako mahilig sa alak," sagot niya.
"Graduation natin, babe. Enjoy ka naman."
"I am enjoying."
"Then drink." Inilapit nito ang baso sa kanya. Napangiti si Doreen.
"Ikaw na lang uminom. Baka mamaya ikaw pa ang magbuhat sa akin palabas dito." Tumawa si Joey at hinalikan siya sa pisngi.
"Don't worry. I'll take care of you." Napangiti siya. Simple lang naman ang pangarap ni Doreen. Makapagtapos, magkaroon ng magandang trabaho, matulungan ang pamilya niya, at magkaroon ng taong makakasama niya sa pag-abot ng mga iyon. At sa loob ng dalawang taon, naniwala siyang si Joey na ang taong iyon. Hindi naman ito perpekto. May mga pagkakataong nag-aaway sila, may mga pagkakataong hindi sila nagkakaintindihan, pero normal lang naman iyon sa isang relasyon, hindi ba? Besides, mahal niya si Joey. At ang alam niya, mahal din siya nito.
"Hoy! Since graduate na tayo, may laro ako!" biglang sigaw ni Mark. Napalingon ang lahat.
"Oh, no," daing ni Carla.
"Kapag ikaw ang may idea, laging may napapahamak."
"Truth or dare!"
"BOOO!"
"Come on! Graduation night natin! Walang KJ!"
"Fine!" sagot ni Suzie.
"Pero bawal ang boring na dare."
"At bawal umatras!" dagdag ni Mark. Nagsimula ang laro sa simpleng mga tanong at kalokohan. May napilitang kumanta sa gitna ng bar, may pinasayaw sa ibabaw ng sofa, at may umaming minsan siyang umiyak dahil iniwan siya ng ka-date niyang hindi man lang naging boyfriend. Sa bawat dare, mas lumalakas ang tawanan. Hanggang sa umikot ang bote. At huminto iyon sa harap ni Joey.
"AYYYYY!" sigaw ng mga kaibigan nila.
"Truth or dare, bro?" tanong ni Mark.
"Dare." Mabilis ang sagot ni Joey. Napangiti si Doreen at bahagyang siniko ang nobyo.
"Confident ah."
"Of course. Walang makakatalo sa akin."
"Famous last words," bulong ni Carla. Nagtawanan sila lahat. Pero nang magsalita si Mark, unti-unting nawala ang ngiti ni Doreen.
"I dare you to French kiss Suzie."
"WHAT?" Sabay-sabay na nagtilian ang mga kaibigan nila.
"HOY! ANG LALA!" sigaw ni Carla. Si Suzie naman ay napahawak sa dibdib habang kunwaring nagulat.
"Me? Bakit ako?"
"Because you're the campus queen!" sagot ni Mark.
"And Joey is the boyfriend of the year! Let's see kung gaano siya kagaling humalik at kung kaya niya ang dare!" Naghiyawan ulit ang lahat. Maliban kay Doreen, unti-unting nawala ang ngiti sa mukha niya.
"Babe," tawag niya kay Joey. Lumingon ito sa kanya.
"Don't tell me you're actually considering that." Tumawa si Joey.
"It's just a game."
"Then choose another dare."
"Come on, Doreen."
"Joey, I'm serious."
"Don't be so sensitive. Wala namang meaning 'yon." Napatingin siya sa mga kaibigan nila, umaasang may isa man lang na magsasabing hindi na dapat ituloy ang dare pero kabaligtaran ang nangyari.
"Game lang naman! Huwag kang KJ." sabi ni Mark.
"Oo nga, Doreen. Hindi naman kayo maghihiwalay dahil lang sa halik, diba?" dagdag ni Carla, sabay tawa. Si Suzie naman ay ngumisi.
"Unless insecure ka sa akin." Napatingin si Doreen sa kanya.
"Insecure?"
"Well, you know. Baka kasi matakot kang malaman kung sino sa atin ang mas masarap humalik."
"SUZIE!" natatawang saway ng isang kaibigan nila pero hindi na iyon narinig ni Doreen. Nakatitig lang siya kay Joey. Waiting. Umaasang sasabihin nitong hindi niya gagawin iyon dahil alam nitong masasaktan siya. Na kahit laro lang, may mga bagay na hindi dapat ginagawa kung may taong masasaktan pero ngumisi lang si Joey.
"Fine. One kiss. Happy?" At bago pa makapagsalita si Doreen, tumayo ito. Lumapit kay Suzie at hinalikan ito diretso agad sa labi. Hindi iyon simpleng halik. Hindi iyong mabilis na pagdampi ng labi na puwedeng ipagpalagay na parte lang ng laro. It was a French kiss. Nanlaki ang mga mata ni Doreen habang malinaw niyang nakikita ang dila ng dalawa na parang napaka normal lang ng lahat.
Sa una, pilit niyang inisip na baka nag-e-exaggerate lang siya. Baka dahil sa ilaw, sa ingay, sa alak, o sa kung anumang dahilan na puwedeng gamitin ng utak niya para hindi tanggapin ang nakikita. Pero hindi. Magkahawak sa batok ang dalawa. Parang hindi alintana ang mga taong nakapaligid sa kanila. Parang walang girlfriend na nakaupo ilang hakbang lang ang layo. At ang pinakamasakit sa lahat? Mukhang sanay na sanay sila sa isa't isa.
Hindi awkward. Hindi nag-aalangan. Hindi rin mukhang dalawang taong unang beses na naghalikan dahil lamang sa dare.
Nang bahagyang dumistansya si Joey, nakangiti pa ito kay Suzie. At ngumiti rin si Suzie na inilabas pa ang dila at dinilaan pa ang labi ni Joey.
"ONE MORE!" sigaw ni Mark. Naghiyawan ang mga kaibigan nila. May pumalakpak. May nag-cheer. May nagbiro pang bagay na bagay raw ang dalawa. Samantalang si Doreen? Tahimik lang siyang nakaupo. Hindi niya namalayang mahigpit na pala ang pagkakahawak niya sa baso.
Ah. Iyon lang ang naisip niya.
Ah, ganoon pala. Hindi siya umiiyak. Hindi pa. Parang may kung anong namatay sa loob niya, pero hindi niya matukoy kung ano.
Perhaps it was her trust. Perhaps it was the future she'd imagined with Joey. Or perhaps it was the foolish little belief that she was special to him. Dahil kung mahal talaga siya ni Joey, kaya ba nitong gawin iyon habang nakatingin siya? At kung ganoon kadali para rito ang halikan ang ibang babae, ano pa ang ibang bagay na kaya nitong gawin nang hindi niya alam? Nang matapos ang dare, bumalik si Joey sa tabi niya na parang walang nangyari at hindi man lang ito nahiya na bakat na bakat ang harapan nitong halatang na turn on sa halikan ng mga ito.
"See? Tapos na, told you it was just a game?" Hindi sumagot si Doreen. Inakbayan siya nito at yumuko para halikan siya sana sa labi pero bago pa magdikit ang mga labi nila, malakas niya itong itinulak.
"Don't touch me." Nawala ang ngiti ni Joey.