
Blurb
Nakapagtapos man ng kolehiyo ay mas pinili ni Kiley na mamasukan sa isang exclusive bar sa paniniwalang mas mapapabilis ang paglikom niya ng pera.
Kaya ng makilala niya ang matandang negosyanteng si Mr. Plonder ay labis-labis ang tuwa niya dahil sa pag-aakalang pumaldo na siya sa buhay.
Nang gabing kausapin siya nito ay buong akala niyang aalukin na siya nito na maging sugarbaby, pero labis-labis na lang ang pagtataka niya nang alukin siya nito ng trabaho—at ‘yon ay ang maging secretary ng apo nito.
Tatanggi pa sana siya, pero nang makita niya ang apo nito na ubod ng gwapo at tikas at mag-alok din ito ng offer na hindi niya matanggihan ay napapayag din siya sa huli.
Pero hindi lang pala simpleng trabaho ang gagawin niya. Kailangan niya ring akitin ang apo ng matanda—si Artem Plonder, ang kasalukuyang CEO ng Plonder Group of Companies.
Hindi niya man alam ang dahilan kung bakit kailangan niya pa itong akitin, ay pumayag pa rin siya. Sa isip niya, pabor pa rin sa kanya ang sitwasyon. Magagawa niya ang trabaho niya at maaakit niya rin ang CEO ng kompanya.
Bayad na siya, pwede pa siyang maging girlfriend ng isang gwapo at hot na CEO.
Ngunit ang buong akala niyang simpleng trabaho ay hindi pala.
Dahil ang lalaking pagsisilbihan niya ay ubod ng sungit, suplado, kasuklam-suklam ang ugali, at tila galit pa sa babae!
Ngayon, paano niya maisasakatuparan ang plano niya? Dahil hindi siya pwedeng pumalya dahil malaking bagay ang mawawala sa kanya.
Will she succeed in seducing the devil billionaire or end up suffering the consequences?

