17

1576 คำ
HINDI na nakausap ni Rafy si Timothy pagkatapos nang gabing iyon. Iniiwasan niya ito at sa kanyang pagkadismaya, tila ganoon din ito sa kanya. Maski paano ay inaasahan niyang sa kabila ng kanyang pag-iwas ay patuloy naman itong gagawa ng paraan na lumapit sa kanya. Gulung-gulo ang isip niya. Mabuti na lamang at naroon si Julius at lagi siyang niyayayang maglibot. But she had to admit, she enjoyed his company. Iyon nga lang, hindi nito napupunan ang pananabik na nadarama niya para kay Timothy. Alam niyang mali ang makaramdam siya ng ganoon dahil kahit na naghihinala siyang nagpapanggap lamang ito ay nananatili pa rin iyong kasalanan hangga’t hindi napapatunayan ang hinala niyang iyon. Ngunit sadyang kay hirap kalabanin ang damdamin. “Rafy...” wika ni Timothy pagpasok pa lang niya sa kabahayan. Nag-dinner sila ni Julius sa labas. Hanggang gate lang siya inihatid nito. Bumilis ang t***k ng puso niya nang makita si Timothy. Tila kay tagal na panahong hindi sila nagkita. Anhin na lang niyang tumakbo palapit dito at yakapin ito, ngunit pinigil niya ang sariling gawin iyon. “Kumusta si Abby?” sa halip ay tanong niya at nagkunwaring hindi apektado sa pagkakita rito. “Mukhang enjoy na enjoy kang kasama si Julius,” pahayag nito na hindi sinagot ang tanong niya.   “Well, yes,” maikling sagot niya at humakbang na patungo sa hagdan. Wala siyang balak na humaba pa ang usapan nila. Lalo lamang nadaragdagan ang paghihirap ng kalooban niya. Ngunit bago pa niya iyon marating ay nakalapit na ito sa kanya.  “Mahal kita and you belong to me,” puno ng kombiksiyong saad nito. Nakagat niya ang ibabang labi. Napakasarap sanang pakinggan ang mga salitang iyon kung hindi ganoon ang kanilang sitwasyon. “Timothy, puwede ba?” Sinikap niyang langkapan ng galit ang tono. “I don’t belong to you or to anyone.” “I don’t think so, Rafy,” tila nanghahamong ganti nito. “Nasisiraan ka na ba ng bait?” Tumaas ang tinig niya. “Tigilan mo na ako!” asik niya rito. “Nasisiraan na nga yata ako ng ulo,” sagot nito sa mahinang tinig na kahihimigan ng paghihirap ng loob. “Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nahihirapan ako pero—” “Tama na, please. May asawa ka at... at isang malaking pagkakamali na pinayagan ko ang sarili kong may mangyari sa atin.” Pumiyok siya. “Hindi ko kayang saktan si Abby. Masyado nang mabigat ang dinadala ko sa konsensya ko.” Bago pa nito makita ang pagtulo ng luha niya ay mabilis na niya itong iniwan. Dinig niya ang muling pagtawag nito sa pangalan niya pero pinigil niya ang sariling lumingon. Patuloy siya sa mabilis na paghakbang paakyat habang ang mga luha niya ay tila nakikipagkompetensiyang nag-unahan sa paglandas sa kanyang pisngi. WALANG ideya si Rafy kung paano niya nakuhang matulog gayong gulung-gulo ang isip niya. Nagising na lamang siya sa marahan at sunud-sunod na pagkatok sa pinto. Dumilat siya, pero hindi siya bumangon para pagbuksan ang kumakatok. “Sino `yan?” tanong niya kahit na tila nahuhulaan na niya kung sino iyon. “Open this door, Rafy,” puno ng awtoridad na utos ni Timothy. Hindi siya sumagot. “Rafy, please open this door.” Bahagyang lumambot ang tono nito bagaman kababakasan pa rin iyon ng pag-uutos. Napalunok muna siya bago nagsalita. “Natutulog na ako, Tim. Inaabala mo ako.” “Do you think I believe that?” Nakaramdam siya ng inis dahil sa narinig. “Wala akong pakialam kung gusto mong maniwala o hindi. Mas gusto kong ipagpatuloy ang pagtulog kaysa pagbuksan kita ng pinto. Kung may sasabihin ka ay ipagpabukas mo na lang.” “No!” malakas ang tinig na sagot nito. “Hindi ako aalis dito hangga’t hindi mo binubuksan ang pinto.” Bumangon siya. Hindi dahil sa gusto niyang mapahinuhod kundi dahil nag-aalala siyang pati ibang tao ay maabala ng pambubulahaw nito. Worse, baka si Abby ang magising at ito mismo ang makakita ka Timothy na nasa tapat ng pinto niya. “Gabi na, Tim. Tulog na ang lahat. Baka marinig ka nila.” “Wala akong pakialam!” matigas na wika nitong nilakasan pang lalo ang boses. “Kahit marinig pa ako ng kung sino, sasabihin ko pa rin ang gusto kong sabihin. Mahal kita, Raphaella!” Sukat sa narinig ay mabilis siyang bumangon at pahablot na binuksan ang pinto. Nasa mukha pa niya ang magkahalong sindak at pag-aalala nang magtagpo ang mga paningin nila. “Ano ba? Nag-eeskandalo ka na!” Bahagya pang nanginig ang tinig niya dahil sa kabang baka may nakarinig sa sinabi nito. Saglit lang itong naestatwa sa harapan niya. Sa isang pikit-mata ay nagawa nitong tawirin ang pagitan nila at niyakap siya nang mahigpit. Nagpumiglas siya ngunit hamak na mas malakas ito sa kanya. Sa pagkakalapit nilang iyon ay nalanghap niya ang amoy-alak na hininga nito. “Lasing ka!” asik niya habang patuloy sa pagpupumiglas. Inipon niya ang lakas para makahulagpos sa yakap nito. Ngunit lalo pang humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya dahilan para matigil siya sa pagpipilit na kumawala.  “I’m sorry, pero mahal kita,” pabulong na sabi nito. Napapikit siya. Ilang segundo niyang ninamnam ang deklarasyon nito. Kay sarap sanang pakinggan kung wala itong inililihim sa kanya.  Kung sana ay ngayon na ang tamang panahon na sinasabi nito para malaman niya kung ano talaga ang totoo. “Hindi solusyon ang sinasabi mong iyan para umayos ang sitwasyon natin,” sabi niya at pinaglakbay ang mga mata sa mukha nito. Sumilay ang isang malungkot na ngiti sa mga labi niya. Batid niyang kapag muli siyang nagtanong tungkol sa pagkatao nito ay sasabihin na naman nitong hindi pa iyon ang tamang panahon. But her heart alresady knew. Pinanghahawakan niya ang pinapaniwalaang iyon ng kanyang puso. Nang magtagpo ang kanilang mga mata ay batid niyang hindi na niya kailangan pang sagutin ang tinuran nito. Alam nilang pareho na nakarehistro sa ekspresyon ng mga mukha nila ang nilalaman ng kanilang mga puso. Umakyat ang kamay nito at buong pagsuyong hinaplos ang kanyang pisngi. Namasa ang mga mata niya at bago pa niya napigilan ay nag-unahan na ang mga luha sa paglandas sa magkabila niyang pisngi. Pinahid nito ng mga daliri ang kanyang mga luha. Ngunit sa ipinakita nitong pagsuyo ay lalo pang bumalong ang mga luha niya. Napasinghap siya nang bumaba ang mukha nito at mga labi naman nito ang ginamit nito para tuyuin ang mga luha niya. Iniharang niya ang mga kamay sa dibdib nito. “Tama na. Mali itong ginagawa natin,” hirap ang kaloobang wika niya. “Kasalanan ito,” aniya, sabay tulak dito. Isasara na niya ang pinto nang iharang nito ang sarili sa hamba niyon. “Wala tayong ginagawang mali, Rafy,” matatag ang tinig na sagot nito. “Mahal natin ang isa’t isa.” Sa banayad ngunit determinadong paraan ay nagawa siya nitong saklitin sa baywang. At bago pa siya makapagprotesta ay nasiil na siya nito ng halik. Tuluyan nang nalusaw ang anumang agam-agam sa dibdib niya nang madama ang kaiga-igayang sensasyong dulot ng halik nito. Wala siyang nagawa kundi ipulupot ang mga bisig niya sa leeg nito at tugunin ang mga halik nito. Nanaig ang pananabik na nadarama niya para dito kaysa ang reyalisasyong mali ang ginagawa nila. It must be the sin. Sadya nga yatang masarap ang bawal. Dahil hindi niya kayang labanan ang tila batu-balaning humihigop sa kanya. Ewan niya kung bakit kahit sabihin pang kasalanan ang ginagawa nila, muli at muli siyang nagpapatangay. “I love you...” anas nito habang pinapaulanan ng mumunting halik ang kanyang mukha. Nang muli nitong sakupin ang kanyang mga labi ay nadama niya ang kaigtingan ng pananabik doon. Kaya buong puso rin siyang nagpaubaya. Hinayaan niyang tangayin ng hangin ang anumang reserbasyong natitira sa kanyang katawan. Malayang naglakbay ang mga kamay nito sa kanyang katawan habang sakop pa rin ang kanyang mga labi. Naramdaman niya nang hilahin nito ang tirante ng suot niyang pantulog. Isinunod nito ang maliit na saplot na natira sa kanyang katawan. Bawat piraso ay walang ingay na bumagsak sa sahig. Hindi na halos niya namalayan kung paano nito nahubad ang sariling suot. Pagkatapos ay binuhat siya nito patungo sa kama. They needed no further preliminaries. Sapat na ang nag-aalimpuyong damdaming nadarama nila para sa isa’t isa. Dumilat ito at masuyo siyang tinitigan bago buong ingat at dahan-dahang pinagsanib ang kanilang mga katawan. He advanced until he was buried passionately in her sweet depths. At sa pagtataka niya ay hindi ito gumalaw sa ibabaw niya. Nanatili itong nakatunghay sa kanyang mukha. Ang mga mata nito ay tila nanghihikayat na namnamin ang sensasyong dulot ng pag-iisa ng kanilang mga katawan. “Mahal kita... Mahal na mahal kita,” paulit-ulit na bulong nito. Ang mainit na hiningang ibinubuga nito sa kanyang pisngi ay lalo pang nakadagdag sa intensidad ng pagsasanib na iyon ng kanilang mga katawan. I love you, too... Subalit sa halip na isatinig ang kasagutang iyon ay idinaan na lamang niya ang sagot sa pagyakap dito nang mahigpit. “Rafy...” Masuyo nitong hinaplos ang mukha niya. “No woman had touched my heart the way you do. Ito ang kauna-unahang pagkakataong nakadama ako ng ganito kasidhing damdamin sa isang babae. I’m in love with you, Rafy. So in love...” “Mali—” Pinutol ng halik nito ang pagpoprotesta niya. Naramdaman niya nang dahan-dahan itong gumalaw sa saliw ng musikang sintanda na ng panahon.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม