16

1076 คำ
NASA lanai sila ni Abby at nagbabasa ng magazine nang dumating si Timothy. Hindi ito nag-iisa. “This is Julius, my buddy,” nakangiting pakilala nito sa lalaki. “And these are the two lovely ladies of Villa Evangelista, Rafy and Abby.”  Pinigil niyang huwag tumaas ang kilay sa paraan ng pagpapakilala nito sa kanila ni Abby. Hindi man lang nito ipinakilalang asawa nito ang pinsan niya. They all exchanged pleasantries. “So, mayroon pala akong puwedeng makasama rito sa paglilibot habang nandito ako sa Iloilo,” ani Julius na nakatingin sa kanya. May itsura ito at sa luwang ng pagkakangiti ay obvious na masayahing tao. “Hindi ka ba tagarito?” tanong niya rito. “Tagarito rin. Kababata ko si... Timothy,” anitong saglit pang natigilan. Ooops. Strike one. Red flag, anang isip niya. “Ah,” sabi lang niya. “Pero matagal na rin akong hindi nauuwi rito. Marami kasing trabaho sa Maynila,” kuwento nito. Makuwento ito at alam niyang makakasundo niya ito. Isa pa’y maaari niya itong kuhanan ng mga impormasyon. Malakas talaga ang hinala niyang hindi si Timothy ang bumalik mula sa Amerika. Probably he was Mac. Oh, please, let him be Mac, pakiusap ng puso niya. Nais niyang malaman ang dahilan kung bakit nagbago ang lalaki kung si Timothy nga ito at kung hindi man, nais niyang malaman kung bakit ito nagpapanggap. Nakakalibang na kausap si Julius. Marami itong alam na mga jokes at anecdotes. Habang nag-uusap sila ay tahimik lang na nakikinig si Timothy. Nang minsang mapasulyap siya sa gawi nito ay nahuli niya itong nakatitig sa kanya. Dagli niyang iniiwas ang tingin dito. Mabuti na lamang at nang ibaling niya ang tingin kay Abby ay nakita niyang tila wala itong nahalata. Engrossed na engrossed din ito sa pakikipag-usap kay Julius. Bago umalis si Julius ay kinuha pa nito ang cellphone number niya. “Let paint this town red. Ang tagal mo na pala dito, hindi ka pa pala masyadong nakakapasyal.” “THANKS!” wika ni Rafy kay Julius nang maihatid siya nito sa bahay. Maghapon silang namasyal at ginabi na sila ng uwi. “Basta ikaw,” may kasiyahang sagot nito. “ Sana ay may next time pa.” “Huwag kang maghamon at hindi kita tatanggihan,” natatawang sagot niya. Nag-enjoy siya sa company nito at gentleman naman ito kaya hindi siya magdadalawang-isip na sumama uli rito sakali mang magyaya uli ito. Inihatid pa niya ito ng tanaw hanggang sa mawala ang sasakyan nito sa kanyang paningin. Saka lamang siya pumasok sa loob. Tahimik na ang buong kabahayan. Marahil ay nagpapahinga na ang mga ito. Marahil ay si Lorraine na lamang ang gising para pagbuksan siya ng pinto. Kakatok pa lang siya nang bumukas iyon. Nakasimangot na mukha ni Timothy ang nabungaran niya. “It’s late...” sita nito. “Nakalimutan kasi namin ni Julius ang oras,” mataray niyang sagot. “Mukhang nag-enjoy ka,” sarkastikong sabi nito. “Oo,” diretsang tugon niya. Naghikab siya kunwari. “I’m dead tired. Good night.” Nilampasan niya ito ngunit nakakailang hakbang pa lamang siya ay nakaagapay na ito ng lakad sa kanya. “Iyong imbitasyon sa iyong mamasyal sa hacienda hindi mo mabigyan ng oras, diyan sa Julius na yan na kelan mo lang nakilala, sumama ka agad,” sumbat nito. “Makikilala ko ba siya kung hindi mo dinala dito?” sa halip ay sagot niya. “Ganoon ba? Then thank me,” painsultong sabi nito. “O, de, thank you,” ganti niya dito sa ganoon ding tono. “Ganitong thank you ang gusto ko.” Sinaklit siya nito sa baywang at sa isang iglap ay natagpuan na lamang niyang sakop na ng mga labi nito sa isang mapusok na halik ang mga labi niya. Ilang saglit siyang nanlaban ngunit mahigpit ang pagkakayapos nito sa kanya. Hanggang sa tila tinupok na ng halik nito ang anumang protesta niya. Tinugon niya ang halik nito. “I missed you so much, Rafy” anas nito sa pagitan ng pagsimsim sa kanyang mga labi. “At kung gusto mo talagang marinig, oo, nagseselos ako na lumabas kayo ni Julius.” I missed you, too, nais sana niyang iganti, subalit nanatili lamang iyon sa likod ng isipan niya. Ibinuhos na lamang niya sa pagtugon sa mga halik nito ang damdaming hindi niya maisatinig. HUPA na ang umaalimpuyong damdamin, katabi niya si Timothy sa kama. Muli ay naramdaman ni Rafy ang pag-atake ng sumbat sa kanyang budhi. Nakokonsiyensiya siya dahil muli siyang nagpatangay. Hinayaan niyang maulit ang hindi dapat. Gaga ka. Nakokonsensya ka pero ginagawa mo pa din, kastigo niya sa sarili. “I love you,” bulong nito at hinigpitan pa ang pagkakayakap sa kanya. Kumalas siya sa pagkakayakap nito at mabilis na bumangon. Hinila niya ang kumot at itinabing sa katawan. “Sino ka?” lakas-loob na tanong niya rito. Halata sa mukha nito ang pagkabigla. “Anong klaseng tanong iyan,” mayamaya ay sagot nito. “You don’t have to ask. Alam mo naman kung sino ako.                 ”  “Stop it! `Wag mo akong gawing tanga!” galit na sabi niya. “Rafy...” “Hindi ikaw si Timothy. D-dahil hindi kailanman magagawa ni Timothy na pagtaksilan si Abby...” “What are you saying?” Bumangon ito at tumayo na waring walang pakialam mahantad man ang katawan nitong walang saplot. Napalunok siya. Nag-init ang pakiramdam niya. She didn’t know she could be aroused just by looking at his nudity. Iniiwas niya ang mga mata sa katawan nito. “Alam mo kung ano ang sinasabi ko, Mr. Whoever You Are!” singhal niya rito. “Marami kang mga bagay na ginagawa na hindi naman gawain ni Timothy. Malaki ang ipinag-iba ng Timothy na umalis at nagbalik.” Hindi ito sumagot. Dinampot nito ang mga nagkalat na damit at nagbihis sa harapan niya. Pagkatapos ay mabilis nitong tinungo ang pinto. “Sino ka?” muli niyang tanong dito bago pa nito iyon mabuksan. Huminto ito at tila nag-isip muna bago tumingin sa kanya. Nakita niya ang lungkot sa mukha nito. “This is not the right time. I’m sorry, Rafy, but I am... Timothy.” Saka lamang nito binuksan ang pinto at walang lingon-likod na lumabas. Napaiyak siya nang mapag-isa. Kahit ano pa ang sabihin nito ay hindi nabawasan ang paniniwala niyang hindi ito si Timothy. At dahil doon, kahit paano ay gumaan ang pakiramdam niya. Kahit paano ay nabawasan ang guilt na nadarama niya.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม