Pinakilala siya ni Jowee sa kapitan. Pigil-hinga naman si Estong. Walang kaalam-alam si Jowee na kanina pa nanlalamig ang kalamnan niya sa takot. Pinakilala siya ni Jowee bilang kaibigan kay Kapitan. Lihim naman siyang napangiti. Mabuti na lang at naisip 'yon ni Jowee dahil hindi niya matiyansa kung anong magiging reaksyon nito 'pag nalaman nito ang relasyon nilang dalawa ni Jowee. "Masaya akong makilala ka," sabi ni Kapitan. Wala man lang itong kangiti-ngiti. Tuloy, napalunok si Estong. Hilaw siyang ngumiti sa Kapitan. "Masaya rin akong makilala kayo, Kapitan." Tumango ang Kapitan at inaya si Jowee. Nagpaalam din ito sa kaniya. Ansabi nito ay pupuntahan nila ang mga bisita na naghihintay sa sala. Inabisuhan naman siya sa Kapitan na pwede siyang humingi ng makakain sa kusina kung nag

