Kabanata 32.2: Tito

1014 คำ

"Sir," bati ng ina ni Ester. "Wala naman. May isang manyak lang na ngumingiti sa anak ko kaya nasapak ko nang wala sa oras." "Ma," saway ni Ester. Nakita niya sa gilid ng mata ang paghalukipkip ng ale. Humarap si Ester sa bagong dating at bahagyang ngumiti. "Magandang gabi, Sir. Naayos ko na po ang mga gamit niyo sa itaas. Hinihintay na rin kayo ni Maam Jowee." Napantig ang tainga ni Estong nang marinig niya ang pangalan ni Jowee. Iyon ang hinihintay niyang marinig mula kay Ester. Ibig sabihin, nasa itaas lang pala si Jowee. Mabuti 'yon, kung hindi lang siya hinarang ng ina ni Ester. At sino itong bagong dating? Sa tingin niya ay bata pa ito, katatapos lang siguro ng pag-aaral o ilang taon nang nagtatrabaho. Base sa hitsura, may kaya rin ito sa buhay na gaya ni Jowee. May pagkamaputi

อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม