Chapter 18 "IJA! OH, WE MISS YOU!" Salubong agad sa akin nila Tita Marga at Tito Obet— ang mga magulang ni Georgia Bruxx. Niyakap nila ako na siyang ikinagalak ng aking puso. Lumapad pa ang aking ngiti nang makaharap ko na sila. How, I miss them too. "Miss ko rin kayo, tita at tito. Maraming salamat po, at naririto po kayo para tulungan ako. Ang laki na po ng utang na loob ko sa inyo," nahihiya kong litanya. Hinawakan ni tita Marga ang aking kamay saka ito pinisil. "You don't have to say thank you, ija. Wala pa ito sa kalingkingan ng itinulong ng mga magulang mo sa amin, nila Hamer at Onalyn." Tumango ako saka hinawakan rin ang kamay nila pabalik. "Bukal sa kalooban iyong ginawa nila Mama at Papa para sa inyo, tita at tito. At hindi sila naghihitay ng kahit anomang kapalit. Pero mara

