Chapter 19 "GEOR, ANO NA ANG balita? Nahanap na ba sila Tiya Rosing?" Salubong ko agad kay Georgia pagkarating na pagkarating ko sa bench na kinauupuan niya. Wala pa namamg klase kaya magtatambay muna kami rito sa bench. Huminga ito ng malalim saka tumingin sa kawalan. Mukhang problemado rin siya pagkawala nila tiya Rosing. "Wala paring balita ang mga pulis, Ona. Hindi ko alam kung mahahanap pa talaga ang Tiya Rosing mo, pero hindi kami titigil hanggat hindi pa siya nahahanap." Kumabog ang puso ko dahil sa sinabing iyon ni Georgia. Kailangan naming maunahan ang mga sindikato sa paghahanap kay Tiya Rosing. Dahil kung maunahan kami ng mg iyon, mahuhuli kami. Hindi namin maabutang buhay sina Tiya. Diyos ko. Umaasa po ako sa inyo. Huwag niyo po sanang pabayaan sina Tiya. Kahit ganoon si

