Naalimpungatan sa kaniyang pagtulog si Patricia dahil sa malakas na tunog ng patak ng ulan sa bubong. Bumangon siya at sumilip siya sa bintana. Napakalakas ng ulan sa labas. Binuksan niya ang TV upang tingnan kung may balita pa. Mabuti at mayroon pa. Ayon doon ay mayroon daw bagyo. Napabuntong-hininga siya. Ayaw na ayaw niya kapag ganoon ang lagay ng panahon. Nakaramdam siya nang gutom kaya lumabas na siya ng silid. Nagtaka siya nang mapansing bukas pa ang ilaw sa sala. Nagtungo siya sa kusina. Minsan kahit ganoong oras ay gising pa si Manay Luz. Naabutan niyang bukas pa ang ilaw sa kusina at bukas din ang pinto sa likod. Nagtatakang sumilip siya sa labas. Nakita niyang may dalang malaking payong si Manay Luz. Tila may tinitingnan ito sa bubungan. Mukhang hindi siya napapansin nito. Pana

