"Are you sure about this?" ani kaniyang manager na si Pinky. "Yes, I am." "Whatever makes you happy, Pat..." Nakangiting tinanguan niya si Pinky dahil sa sinabi nito. Kasama nito ang mga showbiz friends niya. Maagang nagbigay ang mga ito sa kaniya ng baby shower. Ang sabi ng mga ito ay isa lamang daw iyon sa serye ng baby shower na ibibigay ng mga ito sa kaniya. Marahil ay hindi lamang sanay ang mga ito na hindi siya madalas na nakakasama sa tapings at aktibidades nila kaya nag-imbento ang mga ito ng serye ng baby shower. Alam na ng mga ito na madalas nang dumadalaw si Kahl-el doon sa bahay niya at gaya ng inaasahan niya ay inurirat siya ng tanong ng mga ito. Nagpaliwanag siya sa mga ito, naging makatotohanan sa pag-amin ng nadarama niya. Sinabi niya sa mga ito na pakiramdam niya ay ka

