Sa opisina ng mansyon, nasa loob sila Rodrigo at Jericho at nakatingin sa isa’t-isa. Nakaupo sa single sofa si Rodrigo habang sa mahabang sofa naman si Jericho na katabi lamang ng inuupuan ng una. Inabot na ng paglubog ng araw si Jericho dito sa mansyon dahil na rin sa hindi niya namalayan ang oras sa pakikipagkwentuhan kay Oliver kaya naabutan din siya ni Rodrigo sa pag-uwi nito. Umangat ang kanang sulok ng labi ni Rodrigo. Sinisipat niya nang tingin si Jericho mula ulo hanggang paa. Aminado ito na may sinabi sa itsura si Jericho, ito ‘yung tipo ng lalaki na matatawag na boy next door ang imahe. Medyo nakakaramdam naman nang pagkailang si Jericho sa klase nang tingin na ipinupukol sa kanya ni Rodrigo. Hindi lamang niya iyon pinapahatala. Kung makatingin naman kasi ito sa kanya, parang

