Nakaupo sa gilid ng kama si Warson. Isa-isa niyang tinitiklop ang kanyang mga damit na ilalagay at aayusin niya mamaya sa maleta. Nakatingin ang mata sa kung saan at halata ang pagkakatulala. Tumatakbo sa isipan niya si Drew, ang mga sinabi nito at ginawa nilang dalawa. Hindi niya maikakailang may bahagi sa kanya ang sumaya. Hindi niya akalain na may magkakagusto sa kanya. “Ganito pala ang pakiramdam ng magustuhan.” Hindi napigilan ni Warson ang mapangiti. Medyo kinilig siya sa sinabing iyon sa sarili. Pero nawala rin kaagad ang ngiti at kilig na nararamdaman ng sumagi naman sa isipan niya si Warren at ang napipinto niyang pag-alis at paglayo mula rito. Napabuntong-hininga siya. “Kung mas maaga lang sigurong dumating si Drew sa buhay ko edi sana... edi sana hindi ganito kagulo ang laha

