Nakaupo sa mahabang sofa si Rodrigo. Tinitingnan ang hawak nitong class card. Napapatango-tango sa nababasang grades na nakasulat doon. Pamaya-maya ay tumingin ito kay Oliver na nakaupo naman sa single sofa na katabi lamang ng inuupuan ni Rodrigo dito sa loob ng opisina nito sa mansyon. Nakatingin ang binata sa kanyang daddy kaya nagsalubong ang kanilang mga tingin. Ningitian ni Rodrigo si Oliver. “Very good. Malaki ang naging improvement mo simula ng maging tutor mo si Jericho,” natutuwang sambit niya. Sumilay ang natutuwang ngiti sa labi ni Oliver. “Thank you, Dad,” pasasalamat niya. Tumango-tango ulit si Rodrigo. “Keep up the good work,” aniya. “Tunay na magaling nga siya pagdating sa larangan ng pagtuturo. Hindi ako nagkamaling kumuha ng tutor para sayo,” wika pa niya. Mas lalong

