Naglalakad sa gilid ng daan sila Warson at Drew at pauwi na sila. Madilim na ang kalangitan at nagkalat na ang mga bituin na pinapalibutan ang maliwanag na buwan. Sa tulong ng ilaw na nanggagaling sa mga street lights na nagkalat ay nabibigyang liwanag pa rin ang kanilang nilalakaran. Tiningnan ni Drew si Warson. Ngumiti ito. “Halata kay Boss na ayaw ka niyang mag-resign,” wika niya kay Warson na napatingin naman sa kanya. “Ha?” tanong nito. Mas napangiti si Drew. “Ayaw niyang tanggapin kanina ang resignation letter mo pero dahil mukhang desidido ka nang umalis, wala na siyang nagawa,” nangingiting sambit niya. Nangiti na lamang ng tipid si Warson. Umiwas siya ng tingin at ibinalik iyon sa daan. “Masipag at matalino ka rin kasi sa trabaho kaya mahirap sa kanya na pakawalan ang gaya m

