Madilim na ang kalangitan pero nagliliwanag pa rin ang kapaligiran dahil sa mga street lights na nagkalat sa buong lugar. Malakas ang simoy ng malamig na hangin na bukod sa masarap langhapin ay nagbibigay lamig rin ng pakiramdam sa balat. Medyo marami pang tao dito sa park, kabilang na roon sila Warren at Jennica na magkatabing nakaupo ngayon sa isang bench na nasa ilalim ng malaking puno ng mangga. Tiningnan ni Jennica si Warren. Napangiti ito ng tipid saka huminga nang malalim. Simula kanina ay tila wala na sa sarili ang kasintahan at lumilipad ang isipan sa kung saan. Wala naman itong sinasabing problema o gumugulo rito kaya naman mas lalo siyang nagtataka sa kakaibang ikinikilos nito. Napatingin si Warren kay Jennica, sunod sa magkahawak nilang kamay ngayon. Nakuha ni Jennica ang at

