Chapter 34 JEANNA WALA KAMING PASOK dahil sa party kagabi. Aware naman sila na puyat ang mga dumalo. Pabor naman ang sa akin ang araw na ito dahil hindi ko kailangang pilitin ang sarili ko na makipag-usap kay Jerico kahit mabigat naman sa kalooban ko. Ramdam ni Rona at Twinkle ang pagkasira ng mood ko kagabi pa lang pagkauwi ko galing sa party. "Puwede mo namang i-share sa amin ang nangyari kung bakit nag-walk out ka kagabi," panunuyo sa akin ni Twinkle. Isang malalim na buntong-hininga muna ang pinakawalan ko bago ang magsimulang magkuwento. Sinabi ko ang lahat ng narinig ko tungkol sa usapan ni Tyler at Jerico. Nanahimik at nanatiling kalmado lamang si Twinkle. Nagtaka ako sa inasal niya dahil nakasanayan ko na siya ang unang may violent reaction kapag alam niyang agrabyado ako

