Chapter 6

2052 คำ
Chapter 6 JEANNA "May I talk with you privately?" Mahinahon na tanong sa akin ni Jerico. Awkward ang ngiti na naitugon ko sa kaniya dahil sa labis na kaba. Pakiramdam ko ay naririnig niya ang malakas na t***k ng puso ko. "Y-yes, sir." "Let's go to my office." Utos niya sa akin. Medyo na-offend ako sa tono ng pananalita niya pero wala naman akong karapatan na mag-react dahil mataas ang posisyon niya kaysa sa akin. Sumunod lang ako sa kaniya hanggang sa makapasok kami sa opisina niya. Lalo akong nanliit sa sarili ko. Napakaganda at napakasimple ng opisina niya. Bagay na bagay ito sa personality niya na simple pero classy. Nagdiretso siya sa kaniyang table at umupo sa swivel chair. Buong pagmamalaki itong tumingin sa akin na parang ipinamumukha sa akin ang malaking kaibahan ng estado ng kalagayan namin. Bahagya naman akong napayuko dahil sa hiya. "From now on, you will be working for me as my personal secretary." Nakangiting sabi nito. Expected ko na ang sasabihin niya pero gaya ng pinag-usapan namin ni Twinkle ay magkukunwari akong walang alam. "S-secretary? 'Di ba mayro'n ka na no'n?" kunot-noo kong tanong sa kaniya. "Is that how you reject my offer?" Napakurap ako nang ilang ulit. Ni-re-reject ko na ba agad ang offer niya sa pagtanong ko? Ang OA talaga niya. Minsan ay sang-ayon na ako sa paniniwala ni Twinkle na nasobrahan na rin sa talino ang lalaking ito. "Reject agad? Nagtatanong lang, eh. Krimen na ba ang pagtatanong ngayon?" "I will be your boss if you will accept this offer and that only means, you don't have the rights to ask me unneccessary questions that are not related to your job." Wow! Ang sungit! Parang ayaw ko na tanggapin ang offer niya. Hindi pa man ako nagsisimula sa panibagong role ko sa kompanyang ito ay barado na agad ako. Ano 'yon? Sunud-sunuran lang ako. Bawal magtanong o magreklamo? Ginto ba ang magiging sahod ko kapag pumayag ako? "What if I don't accept your offer? Puwede na po ba akong umalis at bumalik sa ginagawa ko?" Medyo sarcastic na sagot ko. Medyo lang naman. Mas mabuti na 'yong ngayon pa lang ay malinaw na sa kaniya na hindi ako basta-bastang magpapa-under sa kaniya. Sagad naman ang formality niya kahit magkakilala kami dati pa. Gano'n ba talaga kapag nagkaroon ng magandang trabaho? Nakakalimot sa pinagmulan. Alam ko namang hindi kami close noon pero hindi naman siguro kabawasan sa pagkatao niya kung itrato niya ako bilang kakilala man lang. Gets ko naman na professionalism lang ang pinapairal niya. Ewan ko ba baka masyado lang ako nag-e-expect na may ibang kahulugan ang pag-alok niya sa akin bilang personal secretary niya. "What if I insist? Tatanggapin mo na ba?" "Ano ang pinagkaiba ng magiging trabaho ko sa'yo sa trabaho ko ngayon?" Ngumiti siya. Iyong ngiting tagumpay. Naramdaman ko ang unti-unting pag-init ng pisngi ko. Ngayon lang siya ngumiti ng gano'n sa akin. Awkward kasi ang ngiti na ipinakita niya sa akin ng bigyan niya ako ng regalo no'ng graduation namin. "Well, from the term itself, personal secretary which means running errands for me. It includes personal errands outside the company's premises." "Personal errands? You mean personal julalay? Alila? Utusan?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. I may be bit exaggerated pero may rights naman siguro ako. Errands outside the company's premises, ibig sabihin kahit ano pa ang iutos niya sa akin ay dapat kong sundin dahil 'yon ang role ko. "You are overreacting. You are making it so controversial." "Natural naman! Paano na lang kung gusto mo akong maging s*x slave mo?! Hindi ako makakatanggi dahil pumayag akong maging personal julalay mo?" Napatakip ako ng bibig nang ma-realize ko kung ano ang sinabi ko. Sumilay naman sa kaniyang mga labi ang isang nakakalokong ngiti. "So, you expect to be my s*x slave? I can't believe you, Jeanna. Gano'n pala ang iniisip mo tungkol sa akin. But anyway, thanks for the idea. Darating din tayo diyan." Pakiramdam ko ay simpula na ng kamatis ang mukha ko sa hiya. Kung puwede lang ay gusto kong lamunin na lang ng lupa sa mga oras na ito. "A-ang bastos mo." Halos utal kong sagot. My goodness! Bakit ako nauutal? Baka isipin niyang apektado ako sa usapan namin. No! That can't be! Lalo pang lumapad ang pagngisi niya. "Why? May nasabi ba akong mali? Actually, personal secretary lang ang offer ko pero mas gusto mo pala 'yong may extra service. Don't worry, hindi naman ako mahirap paligayahin," sabi niya sabay kindat sa akin. "Huwag kang feelingero! Sino bang may sabi na tinatanggap ko ang offer mo? I-offer mo na lang 'yan sa pagong!" Pambawi ko naman sa kahihiyan na unti-unting nagpapahina ng mga tuhod ko. Ano ba, self? Kumapit ka sa mga magic spells para mapansin ka niya pero ngayong nagkakatotoo na ang wish mo ay saka ka pa nag-iinarte. Akma na akong tatalikod sa kaniya upang lumabas sa opisina niya nang muli itong nagsalita. "Jeanna," mahina at malambing na tawag niya sa pangalan ko. Bakit ba kahit boses pa lang niya ay napakagwapo na? Parang musika sa pandinig ko ang baritonong boses na ginamit niya sa pagtawag ng pangalan ko. Natigilan ako ngunit nanatili lang akong nakatalikod sa kaniya. Ewan ko ba, pero gusto ko na tawagin niya ako ulit sa pangalan. Hinintay kong magsalita ulit siya. "Please?" Mas malambing pa ang boses nito kaysa kanina. Ang hirap naman labanan ang aking karupukan. Humarap ako sa kaniya at pasimple siyang inirapan. "Kailan ako mag-i-start?" Medyo masungit na tanong ko. Finally! Nagpadala rin ako sa agos ng rumaragasa kong karupukan. "Right now, right here." Nakangiting sabi niya sabay abot sa akin ng isang papel. Ito siguro ang kontrata. Limang kondisyon lang ang nakasaad sa kasulatan. Pinirmahan ko agad ito nang hindi na nagtatanong pa. "S-sure ka? Ngayon na ako mag-i-start? Alam na ba ng may-ari nitong kompanya na ililipat mo ako?" "My offer to you was already approved five days ago by the owner of this company." "Weh? Malakas ka pala sa may-ari nitong kompanya." May bahid ng pagdududang tanong ko sa kaniya. "My father is one of the shareholders of this company. Since, mahina na rin ang katawan niya ay ako na inaasahan niyang papalit sa puwesto niya." Nalaglag ang panga ko sa narinig ko. Shareholder dito ang fatherhood niya? Kaya naman pala may sarili siyang opisina at bongga ang pagbibigay-galang sa kaniya ng mga empleyado dito. Soon to be one of the shareholders ang future niya. Tumikhim muna ako bago nagtanong ulit. "Since gusto mong mag-start ako ngayon na. Puwede ko bang malaman kung ano ang unang gagawin ko?" "Hindi ka man lang ba magtatanong tungkol sa magiging sahod mo?" Oo nga, ano? Hindi naman kasi ako sanay na magtanong tungkol sa sahod. Hinihintay ko na lang na employer ko ang magpaliwanag no'n sa akin. At isa pa, wala rin akong inaasahang salary increase dahil malilipat na ako. "Hindi. Para saan pa? Minimum wage naman talaga ang sahod ko dito sa kompanya. Wala ring nakalagay na tungkol sa pasuweldo sa kontratang pinapirmahan mo sa 'kin." "Oh, I forgot to include the details to your contract. Hayaan mo gagawa na lang ako ng bagong kontrata na pipirmahan mo. Hindi ka naman malulugi sa akin. Triple ng sinasahod mo rito ang magiging pasuweldo ko sa'yo." Mayroon akong tanong sa kaniya na kanina ko pa gustong itanong sa kaniya. "May gusto sana akong itanong sa'yo." Naging seryoso naman ang itsura nito dahil na rin siguro sa pagbabago ng tono ng pananalita ko. "May kinalaman ba iyan sa trabaho mo?" "Bakit mo ako gustong maging personal secretary mo? Hindi naman sa ayaw ko sa offer mo. Nagtataka lang kasi ako. Mayro'n ka ng secretary at mukhang matagal na siyang nagtatrabaho sa'yo." "Ah, si Tricia ba? I didn't chose her. My father did. Napakaarte niya at napaka-chismosa pa. Mahirap ipagkatiwala sa kaniya ang mga importanteng bagay na hindi dapat i-disclose sa iba. Masyado rin siyang clingy sa tuwing may mga out of town business trips kami. Iniisip tuloy ng iba na girlfriend ko siya." Napaawang ang bibig ko sa description niya sa dating sekretarya niya. Bigla tuloy akong nag-alangan. Chismosa pa naman ako at maarte rin nang kaunti. Baka pag nasesante ako ay sabihan niya rin ako ng hindi maganda sa papalit sa akin. "Chismosa talaga? Sa tingin ko hindi mo naman dapat sinisiraan ng gano'n ang dati mong empleyado dahil lang hindi na siya magta-trabaho sa'yo. Napaka-unprofessional na 'yon." Alam kong wala akong rights na sabihan siya nang gano'n dahil boss ko na rin siya ngayon. Ayaw ko lang talaga ng backstabber. He smirked. "So, you are now thinking that I am backstabbing her? Ikaw naman ang nagtanong, hindi ba? Sinagot ko lang. I didn't know you preferred a liar that sugarcoats the reality. And you consider being honest with backstabbing. Ang pagiging chismosa sa trabaho ay unprofessional rin." Sabi ko na nga ba, eh. Chismosa talaga ako. Bakit ba kasi nagtanong pa ako. Ako pa tuloy ang napahiya ngayon. "And one more thing, Miss. Please be professional in approaching me. I am your boss and you are my employee. Hindi na tayo mga estudyante na puwedeng bara-bara kung makipag-usap. Let's be civil. We can have a friendly chit-chats outside work. Hindi naman ako mahirap kausapin." Another strike, Jeanna. Feelingera ka kasi. Boss mo siya at hindi kaibigan. Dapat formal ang pakikipag-usap. Sabagay, masuwerte na rin naman ako dahil hindi na ako mahihirapang makalapit sa kaniya dahil araw-araw ko na siyang makakasama at maamoy ang mabangong amoy niya na lalaking-lalaki. "S-sorry, sir." Pagpapakumbaba ko. "It's okay. Ang mahalaga ay malinaw na ang dapat linawin." "Balik lang po muna ako sa table ko. May aayusin lang po ako." Pagpapaalam ko. BUMALIK ako sa dati kong table at pasimple akong kinublit ni Twinkle na naiintriga sa naging usapan namin ni Jerico sa opisina nito. "Confirmed," tipid na sagot ko. "Ikaw na ang bagong secretary niya?" Pabulong niyang tanong sa akin. "Bakit parang gulat ka? Sa'yo nga galing ang balitang 'yon kani-kanina lang." "Oo nga, pero hindi pa naman sure. Kaya nga nag-aabang ako ng balita galing sa'yo. Pumayag ka naman agad? Sinabi ko na sa'yo huwag kang masyadong pa-obvious." Sermon niya sa akin. "Hindi naman ako pa-obvious, Bes. Tanga lang. Sa sobrang kaba ko kung anu-anong lumabas sa bibig ko hanggang sa nauwi ako sa pagpayag na maging personal secretary niya." "Personal julalay? Naku! No'ng nag-apply tayo rito nanliliit ka sa sarili mo dahil sa mga kaklase nating board passers na at may magaganda ng trabaho tapos dahil sa kahibangan mo sa lalaking 'yon pumayag kang maging personal julalay niya?" Ito na naman si Twinkle. Wagas ang sermon at nakalimot yatang siya pa ang nag-introduce sa akin ng magic spells ng yumao niyang lola. Sadyang inis lang siya ngayon kay Jerico dahil naging sagutan nila. Kasalanan ko pa bang pareho silang ayaw magpatalo. "Akala ko ba suportado mo ang paglapit ko sa kaniya? Eh, bakit ngayon ay galit na galit ka?" "Ah, basta! Ano pa ba ang magagawa ko, eh, pumayag ka na." "Triple daw ng sahod ko ang ibibigay niya sa akin sa pagtrabaho ko para sa kaniya." Napamulaga siya sa sinabi ko. "Triple? Ano 'yon lahat ng sahod niya bilang engineer ay ipasusuweldo niya sa'yo? Kalokohan 'yan!" Puno nang pagdududa na bulalas nito. "Shareholder daw dito ang daddy niya. At siya na raw ang papalit sa puwesto nito." Pasimpleng pagmamalaki ko. Lalong nanlaki ang mga mata niya at pabiro akong siniko. "Dapat talaga maging praktikal tayo. Tama lang 'yang desisyon mo. Baka kailangan niya pa ng isa pang julalay. Sabihin mo ay willing ako." Natatawa ako sa biglaang pagbabago ng mood niya pero sinikap kong magpigil. "Sige, sasabihin ko." "Kailan ka magsisimula?" "Ngayon na raw." "Agad-agad?! Hoy! Magsabi ka nga ng totoo may something na ba sa inyo?" "Hindi ba dapat ay masaya ka? Kasi, ang ibig sabihin lang no'n ay effective ang magic spells na itinuro mo. Biruin mo, step 1 pa lang tayo. May apat pa." Nagliwanag ang mukha nito nang banggitin ko ang tungkol sa magic spells. Napakadali talaga niyang kumbinsihin. "Oo nga, ano? Don't worry, gagawin pa rin natin 'yong natitirang apat para tuluy-tuloy na ang love story niyo." "O, sige na. Ayusin ko muna itong mga gamit ko. Maglilipat-bahay muna ako. Tuwing break natin ay pupuntahan na lang kita dito."
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม