bc

Kidnapped by the Assassin Trillionaire

book_age18+
197
āļ•āļīāļ”āļ•āļēāļĄ
1K
āļ­āđˆāļēāļ™
āđāļ™āļ§āļ”āļēāļĢāđŒāļ
āļˆāļšāļŠāļļāļ‚
āļ„āļđāđˆāļ•āđˆāļēāļ‡āļ‚āļąāđ‰āļ§
āļĄāļēāđ€āļŸāļĩāļĒ
āļœāļđāđ‰āļŠāļ·āļšāļ—āļ­āļ”
āļ”āļĢāļēāļĄāđˆāļē
āļ•āļķāļ‡āđ€āļ„āļĢāļĩāļĒāļ”
love at the first sight
addiction
like
intro-logo
āļ„āļģāļ™āļīāļĒāļĄ

"Akin ka lang, Jonah. Hangga't hindi mo tinatanggap na para ka lang sa akin... mananatili ka sa islang ito."

Isang saglit na pagtatagpo. Isang maikling pag-uusap. Isang alaala na dapat sana ay lumipas na lang, tinangay na lang dapat ng hangin at nabaon sa limot... pero hindi para kay Noah Shawn Hendrickson.

Labindalawang taong gulang pa lamang siya nang minsan niyang makita at makausap ang isang batang babae na si Jonah Chylona Estadilla sa isang private cemetery. Isang simpleng sandali na para sa iba ay walang ibig sabihin lalo pa at bata lamang sila nuon... pero para kay Noah, iyon na ang simula ng isang pangakong siya lang ang nakakaalam. Isang pangakong itinanim niya sa sarili niyang isipan na balang araw, kapag nasa tamang edad na siya at kaya na niyang angkinin ang lahat... hahanapin niya ang babaeng 'yon, at gagawin niya itong kanya.

Lumipas ang mga taon. Yumaman siya. Naging makapangyarihan. Naging lalaking kayang kunin ang kahit anong gustuhin niya dahil sa pangalang taglay niya.

Pero may isang bagay na hindi niya kayang makuha at hindi niya kayang maangkin... iyon ay ang puso ni Jonah.

Kaya halina at alamin natin ang kapalaran ng dalawang puso na bata pa lamang ay pinagtagpo na ng tadhana.

chap-preview
āļ­āđˆāļēāļ™āļ•āļąāļ§āļ­āļĒāđˆāļēāļ‡āļŸāļĢāļĩ
Chapter 1 -Ang pangako daw- ðŸĪĢ
Noah's POV "Nonoy, tara na... pupunta pa tayo sa libingan ng mama mo." Narinig ko ang boses ni Nanay Ligaya mula sa sala... malambot, pero may halong pagmamadali. Napahinto ako saglit, hawak ko pa 'yung plato na hinuhugasan ko. Ewan ko ba... kahit ilang taon na ang lumipas, may kakaibang bigat pa rin tuwing nababanggit ang salitang mama. Ako nga pala si Noah Shawn Hendrickson. Ang ama kong si Lucas Hendrickson ang dahilan kung bakit ako iniluwal sa mundong ito. Labindalawang taon pa lang ako... pero minsan pakiramdam ko ay ang dami ko nang naintindihan na hindi dapat iniintindi ng batang katulad ko. Simula pa lang, 'yung tipong hindi pa ako marunong magsalita ay si Nanay Ligaya na ang kasama ko. Siya ang nagturo sa akin kung paano magsipilyo, paano magluto ng simpleng ulam, paano ngumiti kahit may nararamdamang masakit. Hindi man siya 'yung totoong nanay ko... pero kung tutuusin, siya lang naman ang nanay na nakilala ko at kikilalanin ko. 'Yung tunay kong ina ay wala na, nagpakamatay siya sanggol pa lang ako dahil sa isang Hendrickson. Galit ako sa aking ama, galit na galit ako sa kanya dahil siya ang dahilan kung bakit nagpatiwakal ang aking tunay na ina. Sabi nila, sabi ng mga taong nakapaligid sa akin... hindi na raw niya kinaya. Hindi raw niya natanggap na hindi siya mahal ng lalaking nakabuntis sa kanya. Na matapos ang lahat ng mga nangyari sa kanila ng paulit-ulit... ipinagtabuyan siya, at sa tuwing nais niyang makausap ang lalaking 'yon... itinutulak siya palabas ng gate. Halos kaladkarin daw ito ng mga taong mayayaman na 'yon. Kaya ayun... kahit na baby pa lang ako, iniwan na niya ako. Hindi ko siya masisisi... siguro masyadong mabigat 'yung kasalanan nila sa kanya. Naalala ko pa na nuong sampong taong gulang pa lamang ako... pumunta ako sa hotel kung saan ginaganap ang kaarawan ng kapatid ko sa ama. Napakayaman nila. Sobrang yaman. Ang pangalan ng kapatid ko ay David Hendrickson, limang taon ang tanda ko sa kanya, at sinabi ko sa aking ama na ako ang anak niya. Pero sa halip na tanggapin ako... pinagkamalan pa niya ako na batang nawawala, at inilayo pa niya sa akin si David ng nilapitan ko ito at saka nila ako tinalikuran. Kaya mula nuon, mas tumindi ang galit ko sa kanila. Itinaboy nila ako, kaya wala na silang puwang pa sa buhay ko. "Nonoy... tara na at baka pa tayo abutan ng ulan." Sabi pa ni Nanay Ligaya. "Teka lang po, Nanay at tinatapos ko lang po ang paghuhugas ng pinggan." Mas binilisan ko ang galaw ng kamay ko, pero maingat pa rin. Ayokong mabasag kahit isang plato dahil mahirap lang kami at wala kaming extrang pera na pambili ng gamit. Ayokong dumagdag sa problema ng ina-inahan ko. Sanay na ako sa gawaing bahay. Kaylanman ay hindi ako pinilit ni Nanay Ligaya na kumilos sa loob ng bahay, at kung tutuusin ay ayaw nga niya akong kumilos, pero ito lang kasi 'yung paraan ko para masuklian kahit papaano 'yung lahat ng ginawa ni Nanay Ligaya para sa akin. Hindi kami magkadugo. Kaibigan lang siya ng pumanaw kong ina, pero inako na niya ang pagpapalaki sa akin. Hindi siya isang tunay na babae, isa siyang binabae, pero kahit ganuon... walang makakatalo sa pagiging nanay niya sa akin. Sobrang bait niya, at mapagmahal na ina-inahan sa akin. Hindi nagtagal... sakay na kami ng jeepney patungo ng sementeryo. At pagbaba namin... mayroon na namang ililibing duon sa pang mayamang sementeryo, kaya heto at para kaming nakikilibing sa kanila dahil naglalakad lang kami ni Nanay kasabay ng mga nakikipaglibing sa namatayan. Napapatingin sila sa amin dahil lahat sila ay nakasuot ng puti, habang si Nanay ay naka kulay pink na blouse, at pulang pantalon, habang ako naman ay kupas na t-shirt na kulay dilaw at puro butas pa. Nakasuot lang kami ng lumang tsinelas. Samantalang ang mga kasabay namin na naglalakad... puro mamahalin ang suot kahit simpleng puti lang ang suot nila, at karamihan ay nakasakay pa sa mga mamahaling sasakyan. Pero... isang bata ang nakita ko na nakasakay sa isang SUV. Ang ganda-ganda niya, pero may luha sa kaniyang mga mata. Napangiti ako. Hindi ko alam kung bakit ganuon kalaki ang ngiti ko at hindi ko inaalis ang tingin sa maganda niyang mukha. Bata lang din siya katulad ko, siguro eight or nine years old lang, pero ang ganda-ganda niya. Kaso... bigla akong nadapa, kaya napatili ang ibang naglalakad, at ang batang 'yon ay napatingin sa akin. Bigla tuloy akong tumayo at saka ako kumaway sa kanya sabay pagpag ko ng alikabok sa aking damit, pero ibinaling lang niya ang tingin sa ibang direksyon at hindi ako pinansin, kaya ibinaba ko rin agad ang kamay ko. "Aba ang anak ko... mukhang may nagpapatibok na agad ng puso mo." Sabi ni Nanay. Natawa tuloy ako at napakamot ako ng batok. Napatingin akong bigla sa suot ko, dapat pala ay nagpalit ako ng mas maayos na damit, 'yung kaunti lang ang mga butas. Tapos dinilaan ko ang dalawang palad ko, at saka ko inihagod ang basang palad ko ng laway sa aking buhok, para mas pogi akong tignan. Tawa tuloy ng tawa si Nanay. Pumasok sila sa private cemetery, at kami naman ni Nanay ay diretso lang sa public, pero ang leeg ko ay halos mabali makita ko lang sana ulit ang mukha ng magandang bata na 'yon. Kaso... hindi ko na siya nakita pa dahil isinara na ang bintana ng sasakyan. Pagkarating namin sa puntod ng aking ina, nagtulos lang ako saglit ng kandila, at saka ako nagpaalam sa nanay ko. Sabi ko ay babalik din agad ako, at ng tumango naman siya... tumakbo na agad ako at tinungo ko ang bakod na naghihiwalay sa private at sa public na sementeryo. Inakyat ko ang puno ng ipil-ipil, at saka ako sumilip kung naglilibot ang guard, at ng hindi ko sila nakita, bigla akong tumalon at saka ko hinanap ang libing. At hindi nagtagal... nakita ko rin sila. Naupo ako sa gilid ng malaking puno at pinagmasdan ko ang batang 'yon ng bumaba ito ng sasakyan. Ang ganda-ganda niya, ang puti niya at ang ganda ng suot niyang damit. Iniwas ko ang tingin ko at sumandal ako sa katawan ng malaking puno habang nakaupo pa rin ako sa mapipinong damo. Ipinikit ko ang mga mata ko. Kung tinanggap lang siguro ako ng aking ama nuong sampong taong gulang ako... baka katulad niya ay maganda na rin ang buhay ko. Idinilat ko ang mga mata ko... at nagulat ako ng makita ko na nakatayo na ang magandang batang babae sa gilid ng puno, nakatingin sa akin. "Sino ka? Ano ang ginagawa mo dito?" "Ikaw 'yung nadapa kanina, hindi ba?" Hindi ko alam ang sasabihin ko. Bigla akong nakaramdam ng panliliit dahil sa suot kong damit na maraming butas. Pilit kong tinatakpan ng kamay ko ang mga butas ng damit na suot ko, pero sa dami nito, kailangan kong maging gagamba para matakpan ko lahat ng kamay ang mga butas. "Pipi ka ba at bingi?" Nagulat ako sa tanong niyang 'yon kaya umiling ako. Tumingin pa ako sa mga kasama niya na busy sa loob ng mausoleo at nag-iiyakan. "Baka hanapin ka na nila duon." Sabi ko. Ngumiti siya, mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko. Mas lalo siyang gumanda sa ngiti niyang 'yon. Napakamot tuloy ako sa ulo ko, pero agad ko ding inayos ang buhok ko. "Namatay ang lola ko, kaya malungkot kaming lahat." Sabi niya. Ngumiti ako sa kanya. May crush ako sa kanya. Ang ganda niya at gusto ko siyang pakasalan pag-laki ko. "Ako nga pala si Nonoy, ano ang pangalan mo?" Tanong ko. "Jonah Chylona Estadilla." Buong pangalan ang isinagot niya sa akin kaya itinatak ko 'yon sa isipan ko. Hindi siya pwedeng mabura, at kung mayroon lang akong makitang papel at lapis, isusulat ko agad, kaso wala. Kaya hinding-hindi ko na lang kalilimutan ang pangalan niya. "Dyonah Tyaylonah Estadilyah." Ulit ko, kaya ngumiti siya sa akin at tumango. Tapos nagulat pa ako ng bigla siyang naupo sa tabi ko. Suminghot agad ako, ang bango niya. Ang bango-bango niya samantalang ako ay amoy putok pa yata. Hindi pa ako naliligo kaya inipit ko ang kilikili ko, at kunwaring niyakap ko ang dalawang binti ko habang nakaupo ako. "Kapag lumaki ako at naging mayaman... pakakasalan kita. Bagay tayo, gwapo ako at maganda ka. Kaya kapag malaki na ako, kapag mayaman na ako... pakakasalan na agad kita." Sabi ko. Ngumiti siya sa akin at saka sumagot, kaya parang ang daming paro parong nagliliparan sa paligid ko. "Sige." Bata man ako sa paningin ng lahat... [ero ang puso ko ay dumadagundong sa sobrang bilis ng pagtibok sa isinagot niyang 'yon sa akin. "Jonah anak... nasaan ka ba anak?" Boses ng isang ginang kaya bigla siyang tumayo. Napatingin ako sa kanya, pero tumalikod na agad siya at tumakbo pabalik sa loob ng mausoleo at hindi na ako nilingon pa. Nakatingin lang ako sa kanya. May kasunduan na kami. Kapag binata na ako at mayaman na ako... magpapakasal siya sa akin. Usapan namin 'yon. Kahit na saglit lang kaming nagkausap... para sa akin ay limang oras na 'yon. Ang saya ko, may babae ng maghihintay sa aking paglaki. "Yahooooo!" Malakas kong sigaw, kaya halos lahat ng mga tao sa mausoleo ay napatingin sa akin... maging si Dyonah, pati na ang mga guards na nagulat ng makita nila ako. Ang bilis ko tuloy tumakbo paalis para makabalik na ako kay nanay bago pa ako ipagtabuyan ng mga guards sa sementeryong 'yon. "Nonoy, bakit ka ba humihingal? Saan ka ba galing at twenty minutes kang nawala?" "Nanay, nakausap ko po 'yong bata kanina, at nangako siya sa akin na kapag lumaki na kami at naging mayaman na ako ay magpapakasal kami. Pumayag siya nanay, kaya pagbubutihin ko po ang pag-aaral ko upang maging mayaman ako, tapos hahanapin ko siya at pakakasalan." Tuwang-tuwa kong sabi. Tawa naman siya ng tawa. Pero kahit na anong tawa pa niya... basta ang mahalaga ay nagkausap na kami, at magpapakasal kami pag laki ko. Kaya dapat ay mag-aral talaga akong mabuti, at makahanap ng magandang trabaho kapag naka-graduate na ako ng kolehiyo para yumaman agad ako. Ang pangako, ay isang pangako na dapat niyang tuparin.

editor-pick
Dreame - āļ‚āļ§āļąāļāđƒāļˆāļšāļĢāļĢāļ“āļēāļ˜āļīāļāļēāļĢ

bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
2.9K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
30.8K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
105.9K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.8M

āļŠāđāļāļ™āđ€āļžāļ·āđˆāļ­āļ”āļēāļ§āļ™āđŒāđ‚āļŦāļĨāļ”āđāļ­āļ›

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook