bc

The Billionaire's Cold Heart

book_age18+
1
ติดตาม
1K
อ่าน
love-triangle
วันไนท์สแตนด์
จบสุข
คลุมถุงชน
ผู้สืบทอด
substitute
like
intro-logo
คำนิยม

Laodicea Ruiz thought loving Arnaldo Alvarez would be her happily ever after until a devastating scandal destroyed everything. Branded as the daughter of a homewrecker, she lost her home, her first love, and eventually, her mother.

Years later, fate brings her back into the life of Zeus Alvarez the cold-hearted eldest son who blames her for ruining their family. Filled with hatred and painful memories, Zeus makes Cea’s life miserable at every turn.

chap-preview
อ่านตัวอย่างฟรี
Simula
Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga bago pumasok sa kwarto ni Zeus upang maglinis. Kumatok ako, kaya lang wala namang sumasagot. Nang mapansing tila wala namang tao ay nangahas na akong hawakan ang doorknob at binuksan ang pinto saka sumilip. Inilibot ang tingin sa malawak na kwarto. Iba talaga kapag mayaman. Balang-araw ay mabibigyan ko rin si inay ng magandang bahay. Isang taon na lamang at makakapagtapos na rin ako ng kolehiyo sa kursong Business Administration. Tinutulungan ko si inay sa trabaho sa mansion ng mga Alvarez. Lalo na kapag may bakante akong oras. Mabait ang mag-asawang Alvarez at maswerte kaming mag-ina dahil hindi nila kami itinuring na ibang tao. Si Mr. Alvarez Sr. ay matalik na kaibigan ni inay kaya nakapasok dito ang aking ina. Pakanta-kanta pa ako habang dahan-dahang tinatanggal ang kurtina sa bintana. Kailangan na raw kasing palitan sabi ni inay. “Don’t you know how to knock, Ms. Ruiz?” Nagulat ako sa baritonong boses ni Sir Zeus dahilan upang mawalan ako ng balanse. Napapikit na lamang ako at hinintay ang pagbagsak ko sa marmol na sahig. Kaya lang may mga matipunong braso na biglang sumalo sa aking maliit na bewang. "Be careful next time," sabi niya. Napalunok ako at dahan-dahang inilayo ang sarili mula sa kanyang pagkakahawak. "S—Salamat, sir. Pasensiya na po kayo. Ang totoo, kanina pa ako kumakatok pero walang sumasagot." Napansin kong bagong ligo si Sir Zeus. Patunay ang basa niyang buhok at ang white towel na nakatakip sa kanyang bewang. Siyempre, pinipigilan ko ang aking mga mata na huwag dumako sa parte ng katawan niya kung nasaan ang mga pandesal nakahilera? Si Sir Zeus na mismo ang nagtanggal ng ilang kurtina at ibinigay sa akin. "Just come back later." "Yes, sir." Dala ang mga kurtina ay nagmamadaling lumabas na ako ng silid at nang mailapat ko na ang pinto ay nakagat ko ang pang-ibabanglabi. "Kaloka," sabi ko habang nakasandal sa pinto. Hinanap ko si inay sa laundry area. "Inay, narito na po." "Ilapag mo nalang diyan sa may basket. Pakihatid mo na rin ang meryenda nina Sir Arnaldo mo. Nasa Gazebo sila kasama ang ilang mga ka-trabaho niya," utos ni inay sa akin. Si Arnaldo na matagal ng nanliligaw sa akin pero magpahanggang ngayon ay hindi ko parin sinasagot. Ang totoo, gusto kong makapag-focus sa aking pag-aaral kaya hindi ko pa siya sinasagot. Isa pa, hindi naman contest ang pagkakaroon ng love life. "Opo, nay." Nagpakawala ako ng isang marahas na hininga at tinungo ang mesa. Nadatnan ko ang ilang kasambahay na naghahanda ng ilang mga sandwiches and lemon juice. "Iyan po ba ay para kina Sir Arnaldo?" tanong ko kay manang. "Oo, hija. Ihatid mo raw ito sabi ng inay mo." Ilang araw ko na ring iniiwasan si Arnaldo at ngayon ay mukhang hindi ako makakaiwas sa kanya. Walang alam si inay sa panliligaw niya sa akin dahil ayokong isipin ni inay na pinabayaan ko ang aking pag-aaral. Marami pa akong pangarap para sa aming dalawa at alam kong mangyayari iyon sa tulong at awa ng Panginoon. Limang lalaki ang nakita ko sa Gazebo kasama si Arnaldo. Kinakabahan man ay kailangan kong ihatid ang meryenda. Gusto ko sanang tumanggi sa utos ni inay pero hindi pwede at baka magtaka siya. Tumikhim ako para kuhanin ang atensyon nila. "Narito na po ang meryenda niyo, sir." Iniiwasan kong magtagpo ang mga mata namin ni Arnaldo. Inilapag ko ang dalang tray sa gitnang mesa. Nailang ako dahil biglang tumahimik ng dumating ako. Na para bang may dumating na anghel sa kalagitnaan nila at biglang nag-mute. "Salamat." Narinig kong sabi ni Arnaldo. Dahil sa matinding hiya ay naiilang ako lalo na sa mga kasamahan niyang lalaki. "Baka may ipag-uutos pa kayo, sir," sabi ko. "Wala na, salamat." Mapapansin ang banayad na boses ni Arnaldo. "Kung gano'n ay aalis na po ako," sabi ko saka dahan-dahang nag-angat ng tingin at sinalubong ang mga mata ni Arnaldo. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang kakaibang ningning sa kanyang mga mata habang nakapaskil ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi. Ngumiti ako ng tipid saka tumango at nagpasyang umalis na. Nakagat ko ang pang-ibabanglabi halos takbuhin ng aking mga paa ang looban ng mansion. Batid kong nasa akin ang atensyon nilang lahat at inaamin kong nahihiya akong makaharap ang tulad nilang puro propesyunal. Pagdating ko sa loob ay saka ko naman nakasalubong si Sir Zeus na kasalukuyang kumakain sa dinning area. Nakayukong pumasok ako at maingat na inilapag ang tray na dala. "Pwede mo ng linisin ang kwarto ko," sabi niya nang mapansin ang presensiya ko. "Yes, sir." Simpleng tumango lang si Sir Zeus sa akin at nagpaalam na rin ako sa kanya. Diretso ang aking lakad hanggang sa makarating ako sa kwarto ni Sir Zeus. Nadatnan kong bukas ang pinto ng kanyang kwarto. Sumilay ang ngiti sa aking labi saka pumasok sa loob. Pagkatapos ay inumpisahan ko ng maglinis. Ilang oras din ang ginugol ko sa paglilinis. Ginawa ko ang ayon sa utos ng aking ina. Nang matapos ako sa paglilinis ay nagpasya kong maupo na muna sa couch saka isinandal ang likuran at pumikit saglit. Naramdaman ko ang matinding pagod. Makalipas ang ilang minuto ay nagpasya na rin akong tumayo saka tinungo ang kinaroroonan ni inay na kasalukuyang nasa laundry area. Nang marating ko ang laundry area ay kumunot ang aking noo nang madatnan kong magkayakap sina inay at ang ama nina Sir Arnaldo at Zeus. Si Mr. Alvarez Sr. Napaatras ako at tarantang nagkubli sa kurtina. Hindi ko sila marinig palibhasa'y dahil malayo ako sa kinaroroonan nila. Ramdam ko ang mabilis na pag-rigodon ng aking puso. Ano'ng ibig sabihin ng nakikita ko? Nanginginig ang aking mga kamay at labi. Lumuluha si inay at si Mr. Alvarez Sr. naman ay inaalo ang aking ina. Hindi ba ako namamalik-mata lang? Matagal silang nag-usap at ako ang kinakabahan sa ginagawa nila. Paano na lamang kung makita sila ni Mrs. Alvarez at paniguradong maghehesterikal siya kapag nakita ang scene na nasaksihan ko. Kailangan kong gumawa ng paraan. Hindi pwedeng may makakita kina inay at Mr. Alvarez dahil malaking gulo kong sakaling dumating pa kay Mrs. Alvarez. Umalis ako sa aking pinagtaguan at nagpasya na lamang na bantayan ang area kung saan walang pwedeng makapasok. Kumuha ako ng mop at kinuha ang sign kung saan nakasulat Caution: Wet Floor. Ito iyong karaniwang dilaw na karatula na may simbolong taong nadudulas para ipaalam na bagong mop o basa pa ang sahig at hindi muna dapat daanan. Nanginginig parin ang aking mga kamay at ako ang kinakabahan sa mga ginagawa nina inay at Mr. Alvarez. "Cea, napansin mo ba ang sir mo?" Halos napatalon ako sa gulat ng marinig ang pamilyar na boses ni Mrs. Alvarez.

editor-pick
Dreame - ขวัญใจบรรณาธิการ

bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.3K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
31.9K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
106.8K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.3K

สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook