Chapter 1

1014 คำ
"OKAY ka lang ba? Namumutla ka," nag-aalalang tanong sa akin ni Mrs. Alvarez. Nakaramdam ako ng matinding guilt. Mabait sa aming mag-ina ang mag-asawang Alvarez. Lalo na si Mrs. Alvarez. "Magpahinga ka na lang kaya muna." "Naku, okay lang po ako, Mrs. Alvarez." "Sigurado ka?" Halatang hindi siya kumbinsido sa aking naging sagot. "Yes po." Sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi ni Mrs. Alvarez. Sobrang ganda niya at mabait pa. Lihim akong nagpasalamat at nakumbinsi ko rin siya saka nagpaalam sa akin. "Mag-iingat po kayo," sabi ko. "Salamat." Hinatid ko na lamang siya ng tanaw hanggang sa tuluyang mawala sa aking paningin. Naikuyom ko ang magkabilang-kamao dahil magpahanggang ngayon ay hindi parin lumalabas si Mr. Alvarez Sr. mula sa laundry area kasama si inay. Isang malaking eskandalo kapag nalaman ito ng isa sa mga anak ni Mr. Alvarez kung sakali. Paano kung malaman nina Arnaldo, Zeus at ng butihing si Mrs. Alvarez? Kakausapin ko si inay mamaya. Sana lang ay mali ako sa aking inaakala. O baka naman kaya ay sobrang nag-overthink na naman ako. Hindi ko naman magawang umalis dito dahil sa takot na baka may makakita kina inay at Mr. Alvarez Sr. “Why are you the one doing that?” Napaigtad ako sa gulat ng marinig ang baritonong tinig ni Sir Zeus. Nag-angat ako ng tingin at nag-tama ang aming mga paningin. Tarantang mabilis na hinarang ko ang sarili sa pintuan ng laundry area. "S—Sir, kayo po pala. W—Wala rin naman ho akong ginagawa kaya dapat lang na tumulong din ako sa gawain dito sa mansion," nauutal kong sagot. "I'm sorry kung nagulat na naman kita." "Okay lang po." Pagdakay tumango siya at diretsong naglakad palabas ng mansion. Aalis na siguro siya patungo sa opisina. Muli, nagpakawala ako ng isang marahas na hininga. Kailan ba matatapos sina inay at Mr. Alvarez? Ano kayang pinag-uusapan nila? Mayamaya ay nakarinig ako ng ilang yabag at walang-sabing dinampot ko ang mop at ang signage saka nagtago. Nakita ng dalawang mata ko ang malungkot na mukha ni Mr. Alvarez. May problema ba? Nang mapansin kong tuluyan na siyang umalis palabas ng mansion ay dali-dali akong lumabas sa aking pinagtataguan at tinungo ang kinaroroonan ni inay. Nadatnan kong malungkot din ang aking ina. "Nay, okay lang po ba kayo?" tanong ko. Bahagyang nagulat pa siya nang marinig ang aking boses. "K—Kanina ka pa riyan?" nauutal niyang tanong sa akin. "Ngayon lang po." Batid kong may tinatago sa akin si inay. Kung ano man iyon ay kailangan kong malaman. "Iyong inutos ko sa'yo tapos na ba?" "Opo, nay." Hinihintay ko kung may sasabihin sa akin si inay pero hanggang dumating ang gabi ay wala akong narinig mula sa kanya. Itinuon ko na lamang ang atensyon sa mga dapat na gawin sa mansion ng mga Alvarez. Hindi ko ugali na nakaupo lang. Kaya naging busy ako sa buong-araw na ginugol ang sarili sa pagtulong kay inay sa malawak na mansion. "Ang sipag naman ng mahal ko." Napalingon ako sa pamilyar na boses at nagkatinginan kami ni Arnaldo. "For you," aniya sabay abot ng ilang bulaklak at tsokolate. Sumilay ang tipid na ngiti sa aking mga labi. Nakakahiya dahil wala pa akong ligo at mukha pa akong dugyot. Awtomatikong namula ang magkabila kong pisngi. "Nakita mo pa akong ganito ang hitsura. Pasensiya ka na tinulungan ko kasi si inay sa ilang mga gawain dito sa mansion." "In my eyes you're still beautiful," nakangiting sagot ni Arnaldo sa akin. "Bolero ka talaga kahit kailan." Sumilay sa mga labi ko ang matamis na ngiti. Pagdakay nahihiyang tinanggap ang isang pumpon ng bulaklak ng white and red roses na may kasama pa talagang tsokolate. "Salamat, talagang nag-abala ka pa," sabi ko. Hindi lingid sa mag-asawang Alvarez na nililigawan ako ni Arnaldo. Pero sa tuwing naaalala ko sina inay at Mr. Alvarez sa laundry area ay feeling ko parang pinagtataksilan ko si Arnaldo. "Hey, what happened?" puna sa akin ni Arnaldo dahilan upang bumalik ako sa reyalidad. Palibhasay naglalakbay na naman ang aking isipan. "Pasensiya ka na, may naalala lang ako," sagot ko. Inamoy ko ang mga bulaklak at halatang bagong pitas from the garden. Sigurado akong sa kanilang hardin na naman siya namimitas ng ilang bulaklak para ibigay sa akin. "Fresh from the garden 'yan. Tulad ng pagmamahal ko sa'yo na hindi magbabago," biro ni Arnaldo sa akin. Kung si Arnaldo ay extrovert, introvert naman si Zeus. Hindi ko pwedeng hindi sila ikompara. Pansin kong bagong bihis siya. Ibig sabihin lang ay aalis na rin siya patungo sa opisina. "I hope you like it," aniya sa akin. "Hmmm... salamat," sagot ko na may ngiti sa mga labi. Pagdakay nagpaalam na rin siya sa akin. "Mag-iingat ka," sabi ko na may halong pag-aalala siyempre. Hindi pa man siya tuluyang umalis ay napalingon siya sa akin at kumindat. Ako na nakangiting naiiling lang sa mga the moves ni Arnaldo. "Sige na!" nakangiting sigaw ko. Hanggang sa naglakad na nga siya at tinungo ang malawak na garage kung nasaan ang kotseng gagamitin. Nakangiting binalingan ko ang mga bulaklak at nagpasya na akong bumalik sa aking silid para mag-review. Nang hindi sinasadyang mapasulyap ako sa may living area kung saan naroon sina inay at Mr. Alvarez. Nabitawan ko ang dalang bulaklak at nahulog sa sahig. Saksi ang aking mga mata, naghahalikan sina inay at Mr. Alvarez. Nanginginig ang buo kong katawan at halos nakakabingi ang mabilis na pagtibok ng aking puso. "Bakit inay?" halos bulong kong sabi. Awtomatikong nag-uunahan sa pagtulo ang mga luha mula sa aking mga mata. Gusto kong alisin ang mga mata sa nasaksihan pero tila walang lakas ang mga paa ko para umalis sa kinatatayuan. Kung hindi sila titigil sa kanilang ginagawa ay malaking gulo. Kinamumuhian ko ang aking ina sa pinanggagawa nila ni Mr. Alvarez. Inis na dinampot ko ang mga bulaklak na nahulog sa sahig at mabilis na nilisan ang living room saka naisipan kong tunguhin ang malawak na hardin upang lumanghap ng sariwang-hangin. Sobrang bigat ng aking puso. Hindi ko kayang makita na darating ang araw na masasaktan si Mrs. Alvarez.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม