Chapter 2

1070 คำ
"KANINA ko pa napapansin na tila ba malalim ang iniisip mo. May problema ba?" Napasulyap ako kay Greta. Pagdakay humugot ako ng isang malalim na hininga at binalingan muli ng tingin ang kaharap kong laptop. Ewan ko ba pero ayokong sabihin sa kanya ang nilalaman ng aking isipan. "Siguro pagod lang ako. May iniisip lang ako at huwag mo na lamang akong pansinin," sabi ko saka napasulyap sa aking relong-pambisig. Napansin kong alas singko na pala ng hapon at kailangan ko ng umuwi. Marami pa akong gagawin sa mansion ng mga Alvarez. Magpahanggang ngayon ay mabigat parin ang aking pakiramdam. Ni hindi man lamang nagawa ni inay na sabihin sa akin ang katotohanan. "Ingat," ani Greta sa akin. "Salamat, ikaw din," sagot ko. Akmang papara na sana ako ng taxi nang may biglang huminto na kotse sa aking harapan. Kumunot ang aking noo. Hinintay kong ibaba ng driver ang bintana ng kotse para alamin kung sinong nasa loob. Hindi naman ako nabigo at dahan-dahang bumaba ang bintana ng kotse, ang nakangiting mukha ni Arnaldo ang nabanaagan ko dahilan upang mamula ang aking magkabilang-pisngi. "Get in," aniya. "Omg, is that Arnaldo Alvarez?" "No other than, girl. Siya nga!" "Wait, don't tell me close sila ni Laodecia?" sarkastikong dinig ko sa huling nagsalita. Ang ilan sa mga boses na narinig ko. Nailing na lamang ako saka binuksan ang passenger seat saka pumasok sa loob ng kotse ni Arnaldo. "Front seat, please?" tila lambing niyang sabi dahilan upang mapangiti ako. I have no choice kundi ang sundin ang kanyang nais. Ang cute ng bruho. "Sana masanay ka na dahil ako na ang maghahatid at sundo sa'yo." "Kinakabahan naman ako, alam ba ito ng mga parents mo na nililigawan mo ako?" "Wala naman silang pakialam kung sino ang gusto ko at wala silang magagawa kung sa isang tulad mo ako nagkagusto." Feeling ko tuloy para akong si Cinderella. Hindi lingid sa akin na maraming babaeng nagkandarapa kay Arnaldo. Nagulat ako nang biglang pumarada si Arnaldo sa may gilid ng kalsada saka huminto ang kotse. Nakangiting may kinuha siya mula sa backseat at nakangiting ibinigay sa akin, at heto na naman sa ang isang pumpon ng bulaklak at tsokolate. "Masanay ka na dahil araw-araw kang makakatanggap ng mga ito," nakangiting sabi niya dahilan upang mas lalong matuwa ang aking damdamin. Inaamin kong hindi mahirap mahalin ang isang tulad ni Arnaldo, pero bakit hindi ko magawang ibigin siya pabalik? Siguro dahil naka-focus ang atensyon ko sa aking pag-aaral. "Salamat, nag-abala ka na naman," sabi ko. "Dahil ganyan kapag mahal mo ang isang tao," aniya sa akin sabay kindat. "Ay sus... maniwala ako sa'yo. Sa dami ng babae na nagkandarapa sa'yo at bakit sa isang tulad ko pa," nasabi ko na lamang. "Don't degrade yourself dahil hindi ganyan ang pagkakilala ko sa'yo. Kasalanan bang tumibok ang puso ko sa'yo?" Pagdakay, muling pinaandar ni Arnaldo ang kotse. Akala ko uuwi na kami pero nagulat ako ng dalhin niya ako sa isang mamahaling restaurant. Nakagat ko ang pang-ibabanglabi dahil nakasuot pa ako ng uniform. "Okay lang ba itong suot ko?" tanong ko sa kanya. "C'mon, hindi ka ba papapasukin kung nakasuot ka ng uniform?" Hindi talaga nawawala sa mga labi niya ang matamis na ngiti na akala mo'y inspired palagi. "Malay ko ba," sagot ko na nangangamba. Nauna siyang bumaba saka umikot sa pwesto kung nasaan ako. Binuksan niya ang pinto ng kotse. Inilahad ni Arnaldo ang mga palad sa aking harapan na siyang tinanggap ko naman. Napaka-gentle dog talaga ng lalaking ito kahit kailan. Kapag kasama ko si Arnaldo ay confident ako at para bang feeling ko ako ang pinaka-magandang babae sa balat ng lupa. Naglakad na kami hanggang sa makapasok kami sa loob at naupo sa silya kung saan napili namin ang malapit sa bintana kung saan abot-tanaw ang malinaw na dagat. Dapit-hapon na pala at nagningning ang karagatan sa ilalim ng papalubog na araw. Ang kulay kahel at rosas na kalangitan ay sumasalamin sa banayad na alon, na tila libo-libong diyamante ang kumikislap sa ibabaw ng dagat. Kasabay ng malamig na simoy ng hangin, naging mas mahiwaga at romantiko ang tanawin, na para bang ang buong mundo ay tumigil upang saksihan ang sandaling iyon. "How do you like the place?" nakangiting tanong sa akin ni Arnaldo. "It's breathtaking. Watching the sun slowly disappear into the horizon makes everything feel so peaceful," simpleng sagot ko. Pagdakay nag-order na rin kami. Makalipas ang ilang minuto ay agad namang dumating ang aming order saka nilantakan namin ang pagkaing nasa harapan. May ilang kwentuhan, tawanan at siyempre hindi rin kami nagpapahuli sa pagsayaw sa malamyos na musika. Ramdam ko ang masuyong braso ni Arnaldo na ngayo'y nakapulupot sa aking bewang na tila ba nagsasabing. Ako ay para sa kanya lamang at no one dared to take me away from him. Honestly, hindi ko ramdam iyong kilig na sinasabi nila. Pero inaamin kong masaya ako kapag kasama si Arnaldo. Iyong tipong komportable ako sa kanya. Kasalukuyang nagsasayaw kami nang ibaling ko ang tingin sa entrance ng naturang restaurant at halos tumalon pa ang aking puso nang mag-tama ang mga mata namin ni Zeus. Si Zeus na kapatid ni Arnaldo. The eldest son of Mr. and Mrs. Alvarez. Ipinilig ko ang sariling ulo. Bakit gano'n ang dating ni Zeus sa akin? "Narito ang kuya mo." "Really?" "Yes." "May kasama ba?" Pinagpalit ko ang pwesto namin ni Arnaldo para makita niya si Zeus. "Nakita mo na?" "Yeah, he's with someone." Nang marinig kong may kasama pala siya ay sigurado akong magandang babae. Bakit nakaramdam ako ng kakaibang panlulumo? Biglang nag-iba ang aking mood, iyong tipong bigla na lamang akong nakaramdam ng pagkairita. Makalipas ang ilang minuto na pagsasayaw ay inaya na ako ni Arnaldo na maupo. Eksaktong malapit lang sa mesa namin ang mesa na kinaroroonan nina Zeus. Ang kaninang nalumbay kong damdamin ay napalitan ng kakaibang saya. Isang may edad na lalaki pala ang kasama niya. Siguro ay businessman din na tulad nilang magkapatid. Napatingin sa akin si Zeus at tumango ako sa kanya na may ngiti sa mga labi. Siya na kaswal lang din. "Siya ba ang girlfriend mo, Mr. Alvarez?" tanong ng lalaking may edad. Namula ang magkabila kong pisngi sa narinig. "Kung sasagutin niya ako, bakit hindi?" Napayuko ako dahil nahihiya ako sa narinig, ngunit nang mag-angat ako ng tingin ay nag-tama ang paningin namin ni Zeus dahilan upang maramdaman kong muli ang kakaibang pagsikdo ng aking natutulirong puso.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม