Flashback
Bago pa man naging isang makapangyarihang negosyante si Sancho Montenegro sa buhay ni Jeida, isa muna itong aroganteng binatilyo na may sobrang kumpiyansa sa sarili na akala mo kung sinong anak ng Diyos. At doon nagsimula ang lahat kung paano nagkakilala silang dalawa.
Sa isang kasal. Isang engrandeng kasal na halos parang royal event ang dating. Sila ang may-ari ng event center at ininvite sila ng newlywed na umattend ng kasal. Ayaw sana sumama nilang mga girls pero pinilit sila ng Daddy nila dahil hindi daw puwede na hindi sila aattend sa mga social event na mamalaki lalo yung ganito. Sila daw ang mga future La Huerta kailangan alam ng lahat iyon para pag dating daw ng panahon masarap daw sa pakiramdam na sila yung bata lang na umaattend ng gathering.
Kaya napilitan silang sumama siya and kakambal na si Jeidence at si Jyra na laging naka buntot sa Daddy nila. Maganda ang wedding reception sabi nga nila ni Jeidence kanina ng unang makita nila ganun din ang gusto nila kapag kinasal sila. May crystal chandeliers ang nakasabit sa mataas na kisame ng grand ballroom ng LH Grand Event Center. Ang marble floors ay kumikislap sa liwanag ng libo-libong ilaw habang ang orchestra sa gitna ng hall ay tumutugtog ng malambing na classical music. Ang mga taong naka-designer gowns at tuxedos ang naglalakad sa paligid. Mga negosyante, mga politiko, mga sosyal na pamilya. Lahat naroon para sa kasal nina Maya at Alex— isang union ng dalawang nagmamahalan nilalang na pinag-uusapan ng buong high society.
Pero para kay Jeida La Huerta, fourteen years old palang, wala itong ka-interest-interest. Although aminado talaga siyang maganda ang desenyo pero hindi enough para ma-enjoy siya. Nakatayo sila sa lobby ng event center, nakasandal sa isang marble column habang nakakunot ang noo.
“Tagal naman ni Mommy at Daddy,” reklamo niya. Katabi niya ang kakambal niyang si Jeidance, na abala sa cellphone nito.
“Relax,” sagot ng kakambal niya.
“Nagso-socialize lang sila.”
“One hours na silang nagso-socialize.” Napabuntong-hininga siya. Hindi niya talaga trip ang mga ganitong social events.
Mas gusto pa niyang nasa bahay lang at nagbabasa o kaya nasa hotel ng pamilya nila. Mas exciting pa iyon kaysa makinig sa mga matatandang nag-uusap tungkol sa negosyo habang ngumiti sa isa’t isa na parang may hidden agenda.
Napasulyap siya sa loob ng ballroom sa gitna ng dance floor, umiikot ang bagong kasal habang pumapalakpak ang mga bisita.
Romantic daw iyon para kay Jeida, boring lang.
“Uy,” biglang sabi ni Jeidance habang nakatingin sa kabilang dulo ng lobby.
“Hmm?”
“Someone’s coming. Don’t look, just pretend we’re very busy.” Hindi niya pinansin agada ang sinabi ng kakambal dahil busy talaga siya sa palingon-lingon sa paligid. Hanggang sa mapansin niya ang kakaibang katahimikan sa paligid. Napatingin siya sa direksyon na tinitingnan ng kakambal niya. Tatlong binatilyo ang naglalakad papunta sa kanila. Mukhang mga senior high school students. Tall, handsome, confident.
Mga halatang galing sa mayayamang pamilya base sa suot nilang suits pero ang lalaking nasa gitna ang agad nakakuha ng atensyon niya. Tall for his age. Broad shoulders masyado pero baby face, dark hair na bahagyang magulo pero mukhang intentional.
At ang expression nito? Parang pagmamay-ari niya ang buong lugar.
“Who are they?” bulong niya kay Jeidance pero hindi na nila kailangang magtanong. Dahil ilang segundo lang, huminto ang tatlong lalaki sa harap nila. Ang lalaking nasa gitna ay tumingin diretso kay Jeida hindi man lang nahihiya na titigan siya ng ganun.
Parang sinusuri siya kung tao ba siya o diwata.
“Hi.” Simple lang ang bati nito pero may kakaibang kumpiyansa sa boses nito.Hindi sumagot si Jeida agad, naningkit lang ang mga mata niya. Ang dalawang kasama nito ay nagkatinginan at napangisi.
“See?” bulong ng isa.
“She's the one.” Napakunot ang noo ni Jeida sa bulungan ng mga ito na parang kanina pa sila pinag-aaralan habang nakatayo dun.
“Excuse me?” Lumapit pa ng isang hakbang ang lalaki.
“Sancho Montenegro.” Hindi ito nag-abot ng kamay, nasa bulsa lang nito ang dalawang kamay nito habang deretso ang tingin sa kanya na parang inaasahan na nito na dapat alam na ni Jeida kung sino ito. Ang angas ng dating nakakairita iyon agad ang impression ni Jeida dito.
“Jeida La Huerta,” sagot niya, bahagyang tumaas ang kilay ni Sancho.
“Ah.” Parang may naalala ito.
“The hotel heiress, soon to be.”
“I prefer just Jeida.” Napangiti ito.
“Fair enough.” Tinuro nito ang dalawang kasama sabay nginitian si Jeidence na pangiti-ngiti lang na nag pakilala din.
“Glenn Mondragon.” Tumango ang isang matangkad na lalaki na mukhang laging nakangiti.
“And Kaifer Fuentabella.” Nag-wave naman ang isa pero hindi nagtagal ang introductions. Dahil agad bumalik ang atensyon ni Sancho kay Jeida. Pinagmasdan siya nito mula ulo hanggang paa. Hindi naman bastos pero hindi rin discreet para bang na iintriga ito sa kanya na parang ayaw nitong maniwala sa hindi niya ma explain na dahilan. Napairap si Jeida na hindi na gustuhan ang pagkakatingin ni Sancho.
“Are you done, staring at me?” Napangisi si Glenn sa tabi.
“Told you she’s feisty.” Hindi pinansin ni Sancho ang kaibigan. Sa halip, nagkrus ito ng braso.
“You're fourteen, right?” Naningkit ang mga mata ni Jeida.
“How do you know that?”
“Lucky guess.” Pero mukhang hindi iyon guess. Mukhang alam talaga nito.
“Why are you talking to me?” diretsong tanong niya. Saglit na nagkatinginan ang tatlong lalaki. Pagkatapos ay ngumiti si Sancho.
Iyong ngiti na may kasamang kumpiyansa.
“This is only because of a bet. Don’t get the wrong idea—I’m not interested in you.” Napakurap si Jeida, hindi makapaniwalang napamaang sa sinabi nito kahit si Jeidence at napaawang din ang bibig na kinurot pa si Jeida sa likod.
“A what?”
“A bet. This is just because of a bet. Don’t mistake it for interest." tumawa naman ng bahagya si Jeida na pigil na pigil na masampal ito.
“Relax, You’re not exactly my type either, so don’t worry. My standards are much higher than that.” ngumiti naman si Sancho na talaga overload talaga sa confident.
“Perfect. High standards recognize high standards. Looks like we’ll get along just fine, Ms. La Huerta.” Napabuntong-hininga si Glenn sabay iling habang si Kaifer naman ay bahagyang sinipa sa sapatos si Sancho na hindi naman na tinag.
“Here we go.” Umayos ng tayo si Sancho. Pagkatapos ay tumingin diretso sa mga mata ni Jeida na parang handa ng sabihin kung ano talagang pakay nito kaya ito lumapit at ano ang tungkol sa bet na sinasabi nito.
“I have one week.”
“What?”
“One week.” Ngumiti ito.
“Before this week ends…” Bahagya itong yumuko, parang sinasadya na marinig lang niya ang lahat ng sasabihin nito. Tumapat ang mukha nito sa mukha niya kaya naman nag locked ang mga paningin nila.
“You’re going to be my girlfriend.” Pakiramdam ni Jeida tumahimik ang lobby ng ilang segundo. And then —
“Excuse me?!” Napaatras si Jeida ng isang hakbang. Napahalakhak si Kaifer na natuptop ang bibig para pigilan ang tawa dahil lumingon si Sancho habang si Glenn ay pigil din ang tawa.
“I told you she’d react like that!” Naningkit ang mga mata ni Jeida kay Sancho.
“Who do you think you are?” Nagkibit-balikat ang binatilyo.
“Someone who never loses a bet.” Napairap siya.
“You’re insane.”
“Maybe.” Tumayo ito nang tuwid muli at namulsa.
“But I’m serious.” Na muling lumapit pa ito ng kaunti. Hindi enough para maging awkward at mailang si Jeida pero enough para maramdaman niya ang presensya nito at biglang bumilis ang kalabog ng tbok ng puso niya habang nakatitig sa kanya si Sancho.
“You have seven days. To think,” naningkit ang mga mata ni Jeida.
“Or what?”
“Or I lose.” Simple lang ang sagot nito parang wala lang.
“Then lose.” mataray na sagot ni Jeida na nandidilat ang mata. Napangiti si Sancho, hindi iyon ngiti ng taong natakot. Ngiti iyon ng taong mas lalo pang na-challenge.
“We’ll see.” Pagkatapos ay umatras ito pero bago ito tuluyang umalis, muli itong tumingin sa kanya.
“This is going to be fun.” At naglakad na ito palayo kasama ang mga kaibigan nito. Kumaway sa kanila ang dalawang lalaki na alanganin naman na kumaway din si Jeidence na nakangiwi na hinila naman ni Jeida ang kamay ng kakambal habang nakasunod ng tingin sa tatlong lalaki.
Naiwan sila Jeida na nakatayo sa lobby habang inis na inis si Jeida kay Sancho na napakayabang naman masyado, sino ba ang lalaking yun? Parang bang sigurado na itong magiging sila after 7 days. 14 palang siya seryoso ba to? Gusto ba nitong mabitay ng tatay niya? Isumbong kaya niya.
“What was that?” Hindi agad sumagot si Jeida. Nakatingin pa rin siya sa direksyon kung saan nawala si Sancho Montenegro.
“An arrogant idiot,” sabi niya na naiiling.
"Isusumbong ba natin kay Daddy."
"Wag na! Baka kung ano lang magawa ni Daddy." sagot nalang ni Jeida na umiling.
Hindi alam ni Jeida na ang isang linggong bet na iyon na sinabi ni Sancho. Ang magiging simula ng isang kuwento na magbabalik sa kanila sa isa’t isa pagkalipas ng maraming taon. At hahantong sa isang kasunduan na mas mapanganib kaysa sa isang teenage bet.
Isang kasunduan na magsisimula sa isang kasal at matatapos sa isang dirty little vow.