The Man Who Wanted Her Hotel
Napapikit si Jeida habang nakatanaw sa labas, pakiramdam niya na da-drain siya sa mga oras na ito na para bang nauubusan na siya ng lakas kung mag papatuloy pa din siya. Hindi siya makapag-isip ng tama nagtatalo ang isip niya at pride na meron siya.
It's been Four long years.
Iyon ang eksaktong tagal na ginugol ni Jeida La Huerta sa pagsubok na buhayin ang hotel na matagal nang patay. Four years of sleepless nights, four years of bleeding money from her pocket, four years of pretending everything was fine. Nakatayo siya ngayon sa harap ng floor-to-ceiling window ng kanyang opisina sa pinakataas na palapag ng hotel. Sa ibaba, tanaw niya ang halos walang sasakyan sa parking lot.
Isa, dalawa, at tatlo lang. Tatlong kotse lang ang nabibilang niya sa parking ng isang hotel na meron dalawang daang kuwarto.
Napapikit siya sandali at sinapo ang noo na hinilot. Kung alam lang ng mga magulang niya kung gaano kalala ang lagay ng hotel na ito, matagal na siguro siyang inutusan na bitawan na at mag focus sa mga hotel na hawak na niya na ang kailangan nalang ay maintenance and good leadership na nagagawa naman niya kaya nga naglakas loob siya na subukan na gumawa ng sarili niyang pangalan.
That why she refused to fail, hindi siya bibigo sa sariling pangako na kaya niya. Hindi dahil La Huerta siya, kundi dahil kaya niya talaga. Napalingon si Jeida sa pinto ng may marinig na may kumakatok sa pintuan.
"Come in." utos niya na lumingon.
“Ma’am Jeida,” mahina ngunit nagmamadaling sabi ng kanyang secretary habang bahagyang binubuksan ang pinto. Si Noreen ang secretary niya na kasama niya sa lahat ng lakad niya. Kapag nasa La Huerta hotels siya kasama niya ito kapag nandito dito sa Eve's Palace kasama rin niya ito. Eve's Palace ang ipinangalan niya sa hotel para mag tunog elegante sana pero wala din.
“May bisita po kayo.” kumunot naman ang noo ni Jeida na muling tumingin sa malayo, wala siya sa mood na tumanggap ng bisita. Marami siyang iniisip ngayon.
“Sabihin mo busy ako.”
“Ma’am… he said you would want to see him.” Napabuntong-hininga siya na napalingon.
“Who is it?” na iinis na tanong niya na saglit na nag-atubili pa ang secretary niya sa pagsagot. Pagkatapos ay sinabi ang pangalan na hindi niya inaasahang maririnig muli.
“Mr. Sancho Montenegro.” Nanigas si Jeida. For a moment, the name felt like a memory she had buried years ago.
Sancho Montenegro. The arrogant boy she once met at a wedding. The man who grew up to become one of the most powerful heirs in the country. Dahan-dahan siyang lumingon at tumingin sa secretary.
“Send him in.” Utos niya dahil kilala niya si Sancho, hindi ito papayag na itaboy. Gagawa ito ng paraan para magpapansin sa kanya at wala siyang planong pahabain pa ang pagkikita nilang muli. Lumipas ang ilang segundo bago bumukas muli ang pinto.
At nang pumasok na ang lalaki na iniintay niya parang biglang lumiit ang buong opisina at naging kakaiba ang ihip ng hangin.
A tall, broad-shouldered, perfectly tailored suit, a very dangerously handsome guy ang ngayon naglalakad papasok sa loob ng office niya. At ang parehong mapanganib na ngiti na parang alam na niya ang lahat ng iniisip ng mga tao sa paligid niya.
Sancho Montenegro hadn’t just grown up. He had become dangerous. Dahan-dahan itong lumapit sa mesa niya, parang ito ang may-ari ng lugar. Tahimik naman siyang nagtungon sa mesa niya at naupo nalang din doon at pinilit ang malakas na dating ni Sancho dahil hindi siya natutuwang makita itong muli.
“Long time, Jeida.” Malalim pa rin ang boses nito, mas mababa, mas nakakatakot ang dating. Pinilit niyang manatiling kalmado kahit deep inside may kabang dala si Sancho sa kanya.
“What do you want, Mr. Montenegro?” Bahagyang ngumiti ang binata, pero hindi iyon ngiti ng isang bisita. Ngiti iyon ng isang taong may dalang plano na hindi nanaman niya magugustuhan.
“Your hotel, usual.” Tumawa siya ng mahina.
“Not for sale.” Hindi nawala ang ngiti ni Sancho.
"Ilalaban mo pa rin talaga ang hotel na ito kahit alam na ng buong business circle na luging-lugi na ito at wala ng pag-asa."
"Wala kang paki-alam basta hindi for sale ang hotel. Kung wala ka ng ibang sasabihin makakaalis ka na."
“Come on, Jeida. Sell the hotel to me. You know I can turn this around. I’ll take the financial burden off your shoulders—and in return, you’ll finally get the stability you’ve been struggling to maintain with this place.” ngisi pa rin ni Sancho.
"NOT FOR SALE!" mariin na wika pa rin ni Jeida. Ngumiti naman si Sancho, mas lalo itong naging interesado.
“Everything has a price.” Napatingin siya nang diretso sa mga mata nito.
“Not this one, believe me.” Saglit na katahimikan ang bumalot sa opisina at nagkatitigan sila Jeida at Sancho. Pagkatapos ay dahan-dahang yumuko si Sancho, ipinatong ang mga kamay sa mesa niya, at lumapit nang kaunti. Sobrang lapit kaya napa-urong si Jeida na napasandal sa swivel chair niya para iwasan ang mukha ni Sancho. Mas lalong bumaba ang boses nito.
"Name your price." tumawa si Jeida.
"100 billion take it or leave it." mabilis na sagot ni Jeida na tumaas pa ang kilay. This time natahimik naman si Sancho saka bahagyang ngumiti habang nakatitig sa kanya.
“Perhaps you could reconsider the price—something a little more reasonable.” ani Sancho.
"This hotel isn’t on the market. Not for a higher price, and certainly not for a ‘reasonable’ one." mataray na turan ni Jeida.
"And I didn’t just dig this hotel out of the dirt. I spent four years building it with my own blood, sweat, and effort.” dugtong pa ni Jeida habang deretso ang tingin kay Sancho na nakatitig lang din sa kanya.
"Kaya kung di mo ito bibilihin ngayon sa presyon gusto ko, sa susunod mong balik 500 Billion na ang halaga nito. At kung ipipilit mo pa din 1TRILLION na ang kasunod." mataray na komento ni Jeida na bahagyang ikiniling ang leeg.
"Bakit parang ang ganda mo ngayon?" tanong ni Sancho na hahawakan sana siya sa pisngi ng mabilis na palisin ang kamay nito at agad na sumimangot.
“You know, a beautiful woman like you would look perfect with a handsome man like me.” mayabang na wika ni Sancho na talagang sobrang bilid nito sa sarili proket totoo naman talaga ang sinasabi nito pero kailangan ba talagang palagi nito ipangalandakan iyon, kung gaano ito ka perfect kaya naman hindi talaga niya kinaya ang powers na dala nito kahit noon pang bata sila kaya minabuti na niyang layuan ito noon kesa masiraan siya ng ulo sa kayabangan nito kahit sabihin pang may K naman itong magyabang still she hate his guts.
“How fascinating. You managed to compliment yourself twice in one sentence.” Huminga ng malalim pa si Jeida na muling deretsong tumingin kay Sancho.
“You’re handsome, Mr. Montenegro. I’ll give you that. It’s a shame arrogance ruins the view.” ngumiti naman si Sancho na tumayo na ng tuwid at namulsa habang nakatitig pa rin kay Jeida.
“Careful, Ms. La Huerta. The more you look, the more you might start liking the view… arrogance and all.” ngisi pa ni Sancho.
“I simply know my worth. But I have to admit—you're the first woman who’s tried to insult me and still managed to make it sound like a compliment.” Jeida let out a soft laugh.
“Don’t flatter yourself, Mr. Montenegro. I wasn’t complimenting you. I was simply being polite.”
“Then why don't you try to marry me, instead.” Tumigil ang mundo ni Jeida. Hindi siya agad nakapagsalita, bahagyang napangiti si Sancho, parang inaasahan na nito ang reaksyon niya.
“Marry me,” ulit nito, kaswal na kaswal.
“And the hotel becomes mine.” ngisi ni Sancho. Naningkit ang mga mata ni Jeida.
“You must be out of your mind.” humalukipkip si Sancho, parang hindi man lang nasaktan sa sinabi niya. Sa halip, lalo pa itong ngumiti.
“That,” sabi nito,
“Depends on how badly you want to save this place.” Napatingin si Jeida sa bintana. Sa halos walang laman na parking lot.
Sa hotel na apat na taon niyang ipinaglaban. Pagkatapos ay muli siyang tumingin kay Sancho Montenegro. Sa lalaking mukhang handang sirain ang lahat para makuha ang gusto niya.
“What makes you think I’d ever marry you?” Saglit na nag-isip si Sancho. Pagkatapos ay ngumiti ito—iyong ngiting siguradong ikakairita niya.
“Because,” mahinang sabi nito,
“You’re desperate.” At doon nagsimula ang kasunduang magpapabago sa kanilang buhay. Isang kasunduan na magsisimula sa isang kasal. At magtatapos sa isang dirty little vow.
-
-
-
-
-
*********************UNANG PASILIP********************
Sancho Montengero anak ni Jansen Lagdameo Montenegro 1 of the quatro's (Daniella Lagdameo & Gabriel Montenegro)