WARNING:
If you're sensitive about the topic of harassment, skip this chapter. Although, they talk about it because of justice they want to get.
"Long time no see, sweetheart,"
Nakakapanindig-balahibo niyang bati nang masulyapan ako. Napatigagal nalamang ako at muling bumalik sa ala-ala ang lahat ng nangyari noong bata pa ako na ilang beses kong pinilit na kalimutan.
Because he's so powerful, I didn't have a chance to put him in jail. Simula noong naghiwalay sila ni Mama ay sumama siya sa ibang babae na mataas ang antas kaya siya umangat.
"Do you miss me?" Ngisi niya pa at ambang yayakapin ako ngunit agad akong umatras.
"Celestine? May problema ba dito?" Boses ni Clark ang dahilan upang makahinga ako ng maluwag
"C-Clark... U-Uwi na t-tayo..," Yaya ko.
Agad siyang tumango habang may pagtataka sa mga mata. Hindi na ako nag-abala na linawin ang mga katanungan niya at agad na hinila siya paalis sa lugar na iyon.
Hindi na ako lumingon pa dahil nararamdaman ko na ang luhang nagbabadyang umagos. All this time, I f*****g did everything I knew just to forget about him pero sa isang beses naming pagkikita ay muling bumalik ang pandidiri at pagkasuklam sa kanya.
He did harassed me. The man I thought would protect me ended up ruining me. Everything has been ryined. I thought I was a princess, but now I'm a villain. Villain that will make his life miserable.
"Celestine... Kanina ka pa nakatulala,"
Boses ni Clark ang dahilan upang bumalik ako sa wisyo. Hinawakan niya ang kamay ko habang ang kabilang kamay ay nasa manibela ay nagmamaneho.
"Do you know that man?" Tanong niya.
"N-no...," Tanggi ko kahit gustong-gusto kong magsumbong.
Hindi ko akalain na hanggang ngayon ay takot parin ako sa mga banta niya. Nag-iwan ng tatak sa puso ko ang bawat salita niya. Pakiramdam ko ay hanggang ngayon ay kaya niya parin akong saktan.
Ang sigawan ng magulang ko ang gumising sa akin. Naririnig ko ang pagmumura ng Papa ko at sinundan iyon ng isang malakas na lagapak. Ngayon ko lang sila narinig na mag-away ng ganito.
Masaya ang pamilya namin. Wala nang hahanapin pa dahil halos perpekto na ang aming pamilya.
"Putangina naman Sally! Akin na iyong pera! Puta ka na nga, Magnanakaw ka pa!" Umalulong ang galit na sigaw ni itay sa buong bahay.
"H-hindi ko kinuha! M-maniwala ka sa akin!" Napaluhod ang inay ko sa sahig habang lumuluhang nagmamakaawa.
Hindi ko nakayanan ang nakikita kaya agad akong lumapit at nilapitan ang Mama ko. Sa murang edad ay gusto kong magalit sa Papa ko dahil sa p*******t niya sa Mama ko pero hindi ko magawa dahil naniniwala akonh mahal pa nila ang isa't isa.
"Hindi mo ba talaga ibabalik?!" Sigaw ng tatay ko at bigla nalamang lumingon sa akin. "Pwede na itong anak natin. Pambayad mo sa perang kinuha mo!"
"D-Dante! Anak mo siya!" Pilit na iwinawaksi ni Mama ang kamay ni Papa na pilit akong kinukuha.
Sa totoo lang ay natatakot na ako.
"Tumabi ka!" Bigla nalamang niyang itinulak si Mama na dahilan upang tumumba ito. Sinunggaban niya ako at agad hinila patungong kwarto kahit pumapalahaw na ako sa iyak.
"P-Papa!" Sigaw ko nang magsimula siyang tanggalin ang sinturon niya at hinampas sa akin.
"Hubad!" Sigaw niya ngunit hindi ako gumalaw kaya muli niya akong hinampas.
"Celestine! Are you really okay?"
"C-Clark... C-Clark.. S-Sasaktan niya a-ako.." Sinunggaban ko siya ng yakap at umiyak sa balikat niya.
"Iuuwi na kita," Bulong niya na tinanguan ko nalang.
Wala na akong ibang magawa kung hindi ang umasa na sana, makuha ko ang hustisya na nararapat. Kahit ako ay walang magawa dahil sa pera.
Dahil sa panahon ngayon ay pera ang basehan para makaahon at makamit mo ang gusto mo. Dahil kung wala ka no'n, talo ka.
"Sir, Nag-aalala po ako sa kanya dahil kanina pa siya tulala," Rinig kong pagkausap ni Clark kay Kuenzier.
Ramdam ko ang pagbaling sa akin ni Kuenzier ngunit hindi ko siya nilingon. Hangga't hindi ako kumakalma ay hindi ako magsasalita. Ayaw kong may makaalam sa nangyari dahil noong pinaalam ko ito sa iba ay hinusgahan ako at sinabing ako ang may kasalanan.
"Ako na ang bahala sa kanya," Wika ni Kuenzier.
Umalis si Clark sa condo ko. Nilapitan ako ni Kuenzier at niyakap na animo'y anomang oras ay mawawala ako.
"Tell me. I'm here to listen," Alo niya habang hinihimas ang buhok ko.
Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya at masamang tingin ang ginawad sa kanya. "You will judge me! You'll think that it's my fault!"
"No, baby. Remember, I love you," Muling bulong niya at hinalikan ang noo ko.
Napatitig ako sa mukha niya bago muling niyakap siya at sa dibdib niya umiyak.
"Z-Zier... I w-want justice..," Bulong ko.
"Sino? Akong bahala at ipapakulong ko siya."
"Faradante Figueroa," Bulong ko sa isang pangalan na kinakasuklaman ko.
Naramdaman ko ang pagtigil ng hininga ni Kuenzier at ang pagdausdos ng kamay niya pababa. Ramdam ko din ang unti-unti niyang paglayo sa akin.
"C-Celestine...," Bulong niya sa ngalan ko.
Naguguluhan ako sa reaksyon niya dahil para siyang gulat. Kumirot ang puso ko nang umatras siyang muli hanggang sa makarating siya sa dulo ng sofa.
"Celestine, sino siya sa buhay mo?" Tanong niya. I saw how a tear fall from his eyes as he stare at me.
"He's my supposed to be father. Pero hindi ko masikmura ang katotohanang iyon," Umiling ako habang tinatangka na lumapit sa kanya.
Niyakap niya ako ng mahigpit at paulit-ulit na hinalikan ang noo ko.
"Celestine, he's my step-dad from now. Gusto ko din siyang ipakulong pero masaya si Mommy kapag kasama siya,"
Ang kamay ko ay unti-unting bumitaw mula sa pagkakayakap sa kanya at ako naman ngayon ang napaatras palayo sa kanya.
"T-Tine...," Bulong niya sa ngalan ko nang makita ang reaksyon ko.
"What did he do to you? Did he harassed you? Kuenzier! Tell me!" Pati ako ay napapaluha sa posibleng dahilan ng kagustuhan niyang ipakulong si Dante.
"C-Clestine, would you still accept me if I tell you my whole identity?"
"M-May hindi ka pa ba sinasabi sa akin?"
"C-Celestine..." He trailed off while looking at me. Parang tinitimbang niya ang reamsyon ko.
Kahit sa paraan nang pagtitig niya ay kinakabahan ako. Hindi ko pa talaga siya masyaodng kilala dahil heto ako ngayon, nag-aabang nang sasabihin niya.
"I killed my brother.."
Tuluyan akong napalayo sa kanya. I don't know what to do! I don't know how to react! It seems to be a joke but he's serious face tell that it wasn't!
"W-Why?"
Kahit anong rason ay matatanggap ko. Huwag lang niya sabihin na sinadya niya dahil maski ako ay lalayuan siya dahil sa takot.
"Your father provoke me! Itinutok niya ang baril sa kapatid ko at walang awang ipinutok iyon kahit hawak ko pa!"
His eyes were filled with misery and pain. He appears to be on the verge of a breakdown. As soon as I realized we were the same thing, I hugged him and stroked his back.
We hate one person. And that is Faradante Figueroa.
"Let's get what we deserve. Justice," Bulong ko habang inaalo siya at pinapatatag ang sarili ko.
There will be justice served. For us and all the people who are suffering as a result of what he did.