#Duplikado KWARENTA’Y SINGKO Gabi na nang makarating ako sa mansyon. Wala pa si Dylan at mabuti na lamang at nauna akong umuwi sa kanya dahil sa totoo lang, hindi ko na alam pa ang sasabihing dahilan kung sakaling magtanong siya muli kung saan ako pumupunta sa tuwing wala siya. “Sir... Nakahanda na ho ang hapunan.” Sabi sa akin ng isa sa mga yaya nang makalapit ito. Napatango ako. “Sige... Magbibihis lang ako saka hintayin ko na rin ang Sir Dylan ninyo.” Sabi ko. Napatango naman ang yaya. “Sige ho Sir.” Sabi nito saka umalis na sa harapan ko. Napabuntong-hininga ako saka nagpasyang pumunta na muna sa kwarto para magbihis. Matapos kong magbihis ng damit ay tumayo muna ako sa harapan ng malaking bintana dito sa kwarto. Malalim na nag-iisip.

