Jenyfer
Nakatayo ako sa pinto ng aming bahay dahil pinapanood ko ang bestfriend kong si Katleen na maglakad palayo sa maliit naming bahay. Inabot siya hanggang alas-siyete ng gabi kahit wala naman kaming ginawa pagkatapos kong maglaba kundi kwentuhan lang kami habang nanonood ng TV.
Tahimik na ulit ang paligid, tanging huni ng kuliglig at mahinang tikatik ng electric fan ang kasama ko. Dahil alas-siyete na rin at kailangan kong bumawi ng maagang pasok bukas, nagpasya na akong matulog ng maaga. Sabi rin nila Tatay madaling araw sila darating kaya gigising ako ng alas-tres iyon daw ang oras na dating nila.
Pumasok ako sa nag-iisa naming k'warto. Dahan-dahan ko pa isinarado ang pinto. Bago ako humiga ugali ko na ipagpag ang sapin sa kama at mga unan. Ngunit dadamputin ko pa lang ang unan. Nahagip ko na agad ang nakapatong na backpack sa ibabaw ng kama.
Napatda ako.
“Nagbago na ba ng bag isa sa kapatid ko?” bulong ko sa aking sarili.
Wala rin akong napansin na binilhan sila ng gamit. Kasi kilala ko ang mga gamit ng dalawa kong kapatid. Mga backpack nila may nakasabit na iba't ibang keychain at luma na. Itong nakikita ko ay simple lang parang mabigat sa hitsura niya pero halatang mamahalin ang backpack.
Hindi pa namin naranasan bumili ng original na backpack. Kahit ako noong nag-aaral pa ako. Sa Baclaran lamang binili mga naging bag ko same sa dalawa kong kapatid.
Dahil curious ako nilapitan ko iyon. Inangat ko pa mabigat iyon kaya nagtaka ako. Nanginginig pa ang kamay ko habang hinahawakan ang zipper upang silipin ko sa loob. Kabado ako dahil parang mali makialam sa gamit ng iba pero nanaig ang curiosity ko kaya binuksan ko na.
Mahina pa akong napamura pagbukas ko ng makita ko kung anong laman ng backpack.
Puno ng papel na pera. Puro libo na pera. Hindi lang basta bunton dahil siksik na siksik. Tila na pinagkasya iyon sa loob ng bag. Napaupo ako sa kama dahil domoble ang aking kaba. Kasi nakatatakot may pera ba ganito. Tantiya ko pa aabot ito ng isang milyon. Kahit magkandakuba ako bilang tindera ng gulay sa loob ng thirty years. Hindi ko kayang kitain ito.
Saglit lang. Maliban sa ‘kin iisang tao lang ang possible na may-ari nito. Iyong estranghero lalaki.
Mayroon pala sulat nakalagay sa loob nilagay sa maliit na puting sobre. Kinuha ko para basahin.
Miss,
Bilang pasasalamatan sa tulong mo.
Gano'n lang kaiksi ang sulat pero sigurado na ako na galing sa kaniya. Natakot ako kasi malaking pera ito. Paano kung galing iyon sa masama? Lalo pa’t may tama siya ng bala. Malamang hindi siya ordinaryong tao. Baka kriminal holdaper….waah baka galing pa ito sa banko nang holdup siya.
Mabilis kong sinarado. Hindi ko kayang galawin. Nakakaduda siya tapos bigla lang siyang nawala kaya ang ginawa ko. Itinago ko muna ang backpack sa lalagyan ng damit ko. Siniguro ko hindi niyon mapansin ni Tatay at Nanay, isa pa may susi ang cabinet ko kaya hindi nila iyon basta malalaman.
Hindi ako nakatulog buong gabi dahil nag-iisip ako paano ko siya makikita para isauli sa kaniya. Kaya nga sobrang antok ko paggising ko. Saktong dumating sina Tatay ng alas-tres ng madaling araw.
“Anak anong oras ka natulog bakit panay mo hikab?” tanong ng Tatay Alen, puno ng pagtataka sa kaniyang mata.
“Excited lang po sa pag-uwi niyo kaya mababaw po ang tulog ko,” saad ko. Alas-kwatro y medya na. Niyaya ko na si Tatay upang ihatid ako sa Palengke.
“Nay! Aalis na po ako,” paalam ko sa Nanay Mia, nasa kusina niluluto ang dala nilang laing na gulay. Marami pa sila bitbit na gulay para bang nagpakyaw sila. Kasi masipag si Lolo at Lola magtanim ng iba't ibang gulay kaya tuwing dadalaw sina Nanay roon. Marami silang uwi.
Habang nasa trabaho ako. Pakiramdam ko mayroon nanonood sa ‘kin. Pero kapag naman ilibot ko ang aking mata sa paligid wala naman. Shitt ito ba epekto ng pagtatago ng pera. Kasi kahit sino naman matatakot hindi lang naman kasi libo iyon kaya nakatatakot naman talaga kung iisipin.
Hanggang sa matapos ang trabaho ko. Pauwi na ako naglakad akong mag-isa dahil tanghali naman. May tumigil na tricycle sa gilid ko pagtingin ko. Kababata ko pala si Jawo ang tumigil. Tricycle driver siya same sila ng pilahan ni Tatay. Sa labasan sa lugar namin.
“Jen, pauwi ka na ba niyan?” tanong niya parang nahihiya pa dahil nakamot sa buhok niya.
“Oo labas na ako sa trabaho. Bakit pala ikaw ang nahihiya magtanong? Ano ka ba Jawo. Ako dapat ang nahihiya hindi ikaw baliktad ka naman,” wika ko pa laglag panga niya.
“Baka kasi dedma mo ako kaya nahihiya ako. Kung gusto mo sumabay pauwi na rin ako,” alok niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.
“Naka tricycle ka paano ako sasabay sa iyo naglalakad ako. Baka maiiwan lang ako kasi mas mabilis ang tricycle kahit na bagalan mo pa ang patakbo hindi pa rin ako maka sasabay.”
Natawa si Jawo nagtaka ako pero mabuti hindi siya matagal tumawa.
“Bakit natatawa ka? Anong mali sa sabi ko?”
“Oo naman walang mali,” saad niya natatawa pa rin.
“Hmp! Bahala ka na nga r’yan Jawo. Ang labo mo kausap. Hindi na ako sasabay mauna na ako sa ‘yo,” wika ko malakas s'yang humalakhak.
Nanlaki ang mata ko dahil may parating n itim Mercedes-Benz at mabilis ang takbo. “Jawo!” napatili pa ako kasi parang babanggain si Jawo ng kasama ang tricycle niya
“Hoy! Gago!” malakas kong sigaw dumampot din ako ng bato at binato ko ang kotae, subalit ni hindi naman tinamaan dahil mabilis makalayo. Pero hindi humuhupa ang galit ko sa walang modo may-ari ng sasakyan. Makarma ka sana yabang mo muntik ng mahagip si Jawo.
“Gagong iyon ah! May kotse lang ang yabang na akala mo siya ang may-ari ng kalsada. Naku duwag naman tumakbo agad!” nauurat na litanya ko.
“Okay lang nasa kalsada naman talaga ako,” wika ni Jawo pero bakas sa pisngi niya medyo natakot siya.
“Naku hindi! Gago iyon nagbusina siya pero tuloy-tuloy naman paharurot niya ng kotse. Hindi ka lang inantay na maitabi sa kalsada ang tricycle mo," laban ko sa kaniya.
Napangiti na lang si Jawo.
“Salamat, Jen. Natutuwa ako concern ka pala sa akin.”
“Aba oo naman. Paano kung na deds ka sa harapan ko. Konsensya ko pa hindi niyan ako makatutulog kasi ako ang huli mong kausap.”
Mahinang tumawa si Jawo. “Oo nga naman astig mo talaga Jen. So ano na, sasabay kaba? Sasakay sa tricycle ko hindi ka maglalakad,” sabi nito sabay tawa.
“Ganiyan dapat Jawo! kailangan lilinawin mo dahil puyat ako ngayon kaya loading ako."
Malapit na sa ‘min. Pero sige na nga sasakay na nga ako para hanggang sa tapat mismo ng bahay namin niya ako ihatid. Mga apat na pagitan bahay nila sa ‘min kaya siya talaga kababata ko kaysa kay Katleen na sa ibang kalsada pa. Pero naging bestfriend ko si Katleen dahil simula daycare hanggang kami mag-aral ng senior high. Classmate kami ni Katleen. Kaya daig pa namin ang magkapatid.
“Libre ito diba?” biro ko tinutukoy ko pamasahe.
“Basta ikaw laging libre,”
“Kasi kababata kita kaya dapat lang naman. Isa pa wala ka pa gastos ngayon kaya sasamantalain ko na. Kapag kasi nag-asawa ka na, hindi na ako papalibre promise, kasi nahihiya rin ako sa ‘yo.”
“Mahiyain ka na pala ngayon?” saad n'ya sabay tawa kaya napairap ako sa kaniya.
“Tsk grabe ka sa akin Jawo, e, dati pa naman talaga mahiyain na ako. Teka lang hindi ka pa rin ba gusto ng babaeng crush mo?” tanong ko humarap pa ako sa kaniya.
Tumango siya pero bakit seryoso naman si Jawo. Naawa tuloy ako baka sobrang crush niya ang babaeng ‘yon kawawa naman ang kababata ko. G'wapo rin si Jawo at mabait pa kaya swerte na ng crush niya sa kababata ko.
“Hayaan mo Jawo, kapag ipinakilala mo sa ‘kin ang crush mo. Ilalakad kita,” wika ko pa napangiti si Jawo. “Taga saan pala iyon?”
“Malayo eh,” tugon niya saglit akong nilingon.
“Gano'n ba? Sayang naman para ma help sana kita,” sabi ko na lang sa kaniya