Chapter 01
Jenyfer
Saglit akong huminto sa pagsusuklay ko sa mahaba kong buhok ng mayroon akong maulinigan na mahinang kaluskos sa labas ng pinto sa bahay namin.
Ano iyon? Bulong ko pagkatapos kumunot ang noo ko at pinakinggan muna kung sa labas nga ba talaga ng bahay namin ang narinig na ingay.
Nakabihis na ako dahil papasok na ako sa trabaho. Mayroon nga talaga kaluskos dahil narinig ko ulit. Ano nga kaya iyon? Ako lang mag-isa ngayon sa bahay. Dahil nasa Daong, sina Nanay at Tatay. Isinama ang dalawa kong kapatid dahil birthday ng lola ko ngayon dumalaw na rin sila. Kagabi pa sila umalis kasi may pasok pa sa school ang dalawa kong kapatid kaya alas-sais ng gabi nakaalis sina Nanay.
Kasama dapat ako, kaya lang hindi ako pinayagan ng amo ko dahil sabay sa day-off ng kasamahan ko sa trabaho. Nauna kasi iyon magpaalam kaysa akin kaya hindi ako pinayagan ng amo ko.
Sa palengke ako namamasukan bilang tindera ng mga gulay. Hindi kasi ako nakapag-college natapos ko naman ang senior high pagkatapos nagtrabaho na ako.
Isa pa ang hirap din kasi ng buhay namin dahil tricycle driver lang si Tatay, kinakapos sa budget. Tapos may dalawa pa akong kapatid na kasabay nag-aaral. Nagpaubaya ako sa kanila. Sa edad kong twenty one apat na taon na ako sa trabaho ko. Ang sumunod sa ‘kin grade eleven na at ang bunso ay grade seven. Lahat kami babae.
Malapit lang din kasi sa bahay ang palengke walking distance lang kaya hindi na ako naghanap ng ibang trabaho nang matanggap ako sa pinapasukan ko ngayon. Isa pa mabait din naman ang amo ko. Hindi nga lang minimum ang sahod ko kasi five hundred pesos lang araw ko. Pero hanggang alas-diyes lang naman ng umaga ang pasok ko. Iyon nga lang maaga ang pasok. Alas-kwatro ng madaling araw ang pasok ko, iyon kasi ang bukas ng tindahan. Dahil sa mga maaga namamalenke.
Nagitla ako ng parang mayroon natumba. Napalunok ako baka may nag-aamok sa labas kasi parang mayroon bumagsak.
“S-sino ‘yan!” kabado ako ngunit nilakasan ko ang boses ko.
Walang tugon inulit ko.
“Sino sabi iyan?!” wala pa rin.
Kapag hindi naman ako lumabas. Late sa trabaho ang aabutin ko. Thirty minutes na lang bago alas-kwatro maglalakad pa ako. Baka naman asong ligaw lang kasi nawala naman din pagkatapos kong tanungin kung sino siya.
Huminga ako ng malalim. Pisti kahit kinukumbinsi ko ang sarili ko na ‘wag akong matakot pero sa dibdib ko. Damn! Natatakot ako. Wala pa naman sina Tatay ngayon kung sakaling may naligaw na masamang tao.
Kilala ko lahat ang kapitbahay namin. Walang gagalaw sa ‘kin dahil mababait mga tagarito. Minsan lang talaga mayroon naliligaw na hindi tagarito sa looban kasi malapit sa palengke. Kapag minsan may mga hinayupak na mga snatcher. Dito ang takbuhan. Pero kung tagarito lang sa ‘min mababait lahat.
Naku po ‘wag naman sana mayroon ulit naligaw kung kailan ako lang sa bahay at papasok ako sa trabaho. Kapag naririto si Tatay. Hinahatid niya ako sa palengke kapag papasok ako ng umaga. Ngayon ay ako lang mag-isa lakasan lang ng loob.
Sana talaga ay pusa lang ng kapitbahay ang naligaw. Gosh ayaw ko pang ma-deads ng maaga. Ang bata ko pa at hindi pa ako nagkakaroon ng jowa. Ayaw ko pa hindi pa ako nakatikim ng first kiss baka hindi ako tanggapin sa langit.
“Ano iyon?!” nanlaki ang mata ko ng tila mayroong napaigik. Dumaing sa sakit?
Pumikit ako pagkatapos ay hinawakan ko ang doorknob namin. Halos hindi ako huminga habang dahan-dahan kong hinihila ang pinto para buksan.
May tao?
“Sino ka?!” galit kong tanong sa kaniya ngunit hindi ako pinansin. Nakahawak lang ito sa banda tiyan n'ya at nakaupo siya sa gilid ng pinto habang nakasandal. Ewan ko kung nakapikit ito dahil nakatalikod naman siya at medyo madilim din ang bahagi ng pinto namin hindi gaanong naiilawan ng ilaw sa poste. Pero mayroon kaming ilaw sa labas. Pinapatay lang kung tulog na kami kagaya ngayon. Bubuksan lang kung lalabas ako para pumasok sa trabaho.
“Sino sabi?!”
Doon ito nag-angat ng tingin. Napunta Ang atensyon ko sa kamay n'yang nakahawak sa tagiliran. Akala ko sa baywang sa tagiliran pala ito nakahawak.
Nanlaki ang aking mata ng mapansin kong parang duguan. Kahit hindi ganoon kaliwanag. Halata siyang duguan.
“Please help me,” bulong nito habang mabigat ang paghinga.
Natigilan ako dahil mag-isa lang ako sa bahay. Paano kung umaarte lang ang lalaki pagkatapos ay gagawa ng kalokohan ako lang tao sa bahay. Napasinghap ako sabay niyakap ang sarili ko.
“Tss. Miss, wala akong gagawin na masama sa ‘yo, hindi ako mamimilit ng babae kung iniisip mo na may balak akong pagsamanlahan ka!”
“Aba malay ko ba! Mahirap na magtiwala ngayon baka modus ka. Nag-iingat lang ako—”
“f*****g shiit! Pwede ba papasukin mo ako sa bahay mo kung ayaw mong pasabugin ko iyan!” mariin nitong sabi pagkatapos ay mayroon dinampot sa tabi nito.
“B-baril? Teka lang naman manong. Maawa ka ‘wag mo akong babarilin please. Maawa ka hindi pa ako nakahahanap ng jowa—”
“Damn!” may inis sa boses nito. Napalunok ako dahil kinasa n'ya ang hawak na baril.
"Ehehe ito naman si Manong, masyadong manitin ulo. Ano po ba ang gagawin ko? Ibaba mo na iyan baka pumutok iyan ayaw ko pa mamatay.”
“Hindi ito ang ipinuputok ko sa babae,” bulong nito ngunit malinaw ko iyon narinig.
“Huh? Ano pala kung gano'n?” curious kong tanong sa kaniya. Nagtaka pa ako dahil mahina s'yang tumawa. Kaya sinamaan ko siya ng tingin dahil nainis ako. Siraulo ba ito? Nakakatawa ba ang sinabi ko? OA naman nito para iyon lang tinanong ko natawa na?
“Ms? Papasukin mo ako o ipuputok ko ito sa iyo?” saad niya kaya tumingin ako sa hawak n'yang baril. Napa-overthink ako dahil nakalapag naman sa tabi niya pero hawak niya. “Miss?”
“O-oo nga pasok na po,” nataranta kong sabi sabay umalis din ako sa pinto para makadaan siya.