Jenyfer
Saktong ni-lock ko ang pinto ng bahay namin ng parang mayroon mga nagtatakbuhan sa labas. Nanlaki ang aking mata ng mayroon sumigaw.
“Hanapin niyo nandiyan lang iyan at hindi iyan basta makalalayo!” narinig kong malakas na sigaw sa labas.
Tumingin ako sa lalaki nasa harapan ko nagkakamot sa kilay niya. Para bang stress niya na ewan pero hindi ko naman siya nakitaan ng kaba.
Siya kaya ang hinanap o nagkataon lang na mayroon hinahanap ang mga lalaki sa labas.
May hinila ako na siya ang pakay dahil na rin sa tama ng bala sa tagiliran niya. Mabuti na lang hindi ko binuksan ang ilaw sa labas baka mamaya may naiwang bakas itong estranghero lalaki sa duguan niyang tagiliran.
Napalunok ako ng napunta ang aking mata sa tagiliran niya. Delikado dahil ayaw tumigil ang pagdurugo ng tagiliran niya.
Tinaasan niya lang ako ng kilay habang ginagawa ko iyon. “Pumunta ka na lang sa ospital mamaya dito ka pa mapahamak ako ang pagbintangan.”
“Pwede bang manahimik ka!” mahina niya lang sabi ngunit may babala sa boses nito na kapag hindi ko siya tigilan sa pagkausap ko sa kaniya. Mayroon ako kalalagyan. Pero totoo naman ang sinabi ko dahil walang tigil ang pagdurugo ng sugat niya.
Sinamaan ko siya ng tingin dahil malaki ang aking pagsisi na pinapasok ko pa siya sa bahay. Ano ba naman ang kamalasang ‘to. May mga naghahanap sa labas siya naman may tama ng bala.
Paano kung siya ang hinahanap at malaman nang mga taong nasa labas na naririto siya sa loob ng bahay namin. Pisti niya damay pa ako rito. My gosh uuwi bukas ang pamilya ko na dead na ako dahil pinapasok ko pa ang lalaking ‘to.
Nanggigil ako habang nagpamaywang ako sa harapan niya. Aba't nainis ako dahil naiirita pa siya habang nakatingin sa akin.
“Totoo naman ang sinasabi ko. Sana hinayaan kita sa labas gago ka,”
Nagtagis ang bagang nito pagkatapos inangat ang hawak na baril. Namutla ako baka napikon ito babarilin ako.
“Ahehe Manong. Nagbibiro lang ako please ibaba mo iyan natatakot ako baka aksidente iyan pumutok sa ‘kin,” saad ko tabingi ang aking ngiti. “Hoy!” umatras ako dahil dumukwang malapit sa tainga ko.
“Do you remember what I said earlier?” bulong niyang tanong. Napalunok ako dahil ang lapit namin sa isa't isa. Pero hindi ko maintindihan ang tinatanong niya dahil marami naman siyang sinabi.
“A-alin ba roon sa sinabi mo?” nauutal kong tanong sa kaniya. Promise wala akong idea kung alin doon isa pa hindi ko naman memorize lahat ng sinabi niya.
“Lumayo ka nga!” tinulak ko kasi ang lapit na niya sa akin.
“Tss nevermind,” bulong nito pagkatapos tumikhim umayos siya ng tayo.
“Siguro ikaw iyon hinanap nila at may atraso ka sa mga taong iyon kaya may hinahanap silang tao,” bigla kong nasabi.
“What if, ako nga ang taong hinahanap nila? Anong gagawin mo, miss?”
Napatda ako.
“Ikaw talaga ang hinanap nila?” napamulagat ang aking mata. Hindi naman umimik napansin ko napangiwi ito.
“Kapag hindi mo pigilan ‘yang maingay mong bunganga. Sigurado malalaman nila na narito ako,” wika nito nabasa ko may pilyong ngisi sa mata n'ya.
“Bwisit ka! Idinamay mo pa ako. Ayaw ko pang mamatay paano na?!” gigil kong saad sa kaniya sa mahinang boses.
Sa halip na pansinin niya ako maingat niyang kinasa ang baril na hawak niya. Nataranta ako hinawakan siya sa braso.
“T-teka l-lang naman, Manong na pikon. L-lalabas ka ba, utang na loob baka marami sila madamay pa ako,”
Mariin s'yang napapikit pagkatapos nakamamatay na tingin ang pinukol niya sa ‘kin.
“Talagang madadamay ka dahil sa daldal ng bibig mo. Please tumigil ka na muna mag ratatat bago pa nila matuklasan naririto ako sa loob ng bahay niyo,” aniya nahalata ko napipikon na siya sa 'kin.
Bigla akong natigilan. Iiling-iling ito hindi na ako pinansin. Napalunok na lang ako habang nakatingin sa kaniya. Nakatayo siya sa harapan ng nakasarado naming pinto at nakatutok ang baril n'ya sa pinto ng bahay namin animo nakaabang kung sakaling mayroon bubulaga na kalaban sa pinto.
Pero nang may mga yabag na papalapit sa pinto namin, natakot ako kaya kinuhit ko siya, ang gago niya talaga dahil binigyan lang ako ng babala. Animal binawi ko na lang ang kamay ko. Ngunit nag-umpisang manginig ako sa takot.
Kumunot ang noo ng lalaki paglingon niya sa akin. Nagawa ko pa siyang irapan dahil pinasadahan niya pa ako ng tingin.
Gago niya. Sino bang hindi matatakot. Kung sa ganitong sitwasyon. Kasalanan n'ya naman ‘to. Kaya nakapagsisi nadala ako sa pananakot niya kanina. Napilitan akong papasukin siya sa bahay. Hindi ko naisip na maaaring may kaalitan ito kaya may tama siya ng bala sa tagiliran niya.
Saglit nga! Bakit hindi ko lang nakitaan ng kaba ang gagong ito. Sanay pa yata ito sa basag ulo at hindi lang natatakot.
“Baka nasa bahay na iyan!” narinig ko nag-uusap sa labas. Hinawakan ko siya sa braso. Natatakot ako nahalata yata niya dahil narinig ko ang mahina n'yang pagmumura.
“Katukin niyo ang bahay na iyan!” may nag-utos.
Ilang sigundo lang may yabag ng lumapit sa pinto ng bahay namin at kumatok. Muntik na akong napatili ngunit mabilis niya akong kinabig ng yakap sabay siniil niya ako ng malalim na halik. Noong una ay nabigla ako, kaya nanigas ako sa kinatatayuan ko habang nanlalaki ang aking mata.
Mapusok ang halik niya. Nang sunod-sunod na katok ang narinig ko roon ako natauhan pilit ko siyang tinulak.
Hindi lang niya ako binitawan ang labi ko kahit na anong pagpumiglas ko. Lumalim pa ang halik niya.
“Boss! Parang walang tao,” sabi ng kumakatok sa pinto.
Wala roon ang atensyon ko kundi sa estranghero nanamantala sa labi ko. Patuloy ko siyang tinutulak para makawala sa matigas n'yang braso. Ang higpit ng yakap niya ako ang napapagod sa pagpumiglas.
Tumigil siya sa paghalik ng may malakas na serena ng pulis. Sumigaw ang tinawag na boss. Pero hindi niya pa rin ako binitiwan nanatili siyang nakayakap sa baywang ko.
“Atras na tayo baka mayroon makakita sa atin. Madulas ang gagong iyon pasaan ba may araw rin sa akin iyon," sabi nito sa matigas ang boses.
Nabunutan ako ng tinik sa dibdib ng wala ng kumakatok sa pinto. Nang lumipas ang limang minuto ubod lakas ko s'yang tinulak sabay malakas na sampal ang pinadapo ko pisngi niya.
“Fvcking shiit! Anong problema mo?!” madilim ang mukha na tanong niya sa akin. Napansin ko bumigat ang paghinga dumaing sa sakit sabay hawak sa tagiliran. Mariin itong pumikit pero hindi ko lang pinansin dahil nayayamot ako sa paghalik niya sa akin.
“Nagtatanong ka pa animal ka! Hinalikan mo ako bastos ka!”
“Manong pikon!” nataranta ako dahil nawalan ito ng malay. Mabilis akong lumuhod sa harapan niya ginising ko.
“W-woi….’wag ka naman sana rito sa bahay mamatay baka multuhin mo kami—”
“Damn!” dumilat ito nakikita ko nasasaktan halata naman dahil tagaktak na ng pawis. “M-miss…’wag mo muna ako ngayon pagpantasyahan tulungan mo muna ako maalis ang bala sa tagiliran ko,” hirap n'yang sabi.
“Huh? Ayaw ko nga hindi ako doktor ‘no! Isa pa natatakot ako,” wika ko sabay layo sa kaniya.
“Diba ayaw mo multuhin kita?” naiirita niyang sabi.
“Of course! Nakakatakot iyon—”
“Pwes! Alisin mo ang bala sa tagiliran ko dahil kapag namatay ako rito sa bahay niyo. Ikaw ang unang gagapangin ko.”
“Kahit multo ka na?” namilog ang aking mata.
Mariin siyang napapikit sabay bubulong-bulong.
Hina pala nitong babae makaintindi sabi nito kinunot ng noo ko.
“Ano sinasabi mo?” salubong ang kilay ko. Aba kapal niya harap-harapan akong i-chismis.
“Please tanggalin mo na ang bala sa tagiliran ko,” sa halip hirap na pakiusap nito pagkatapos ay mayroon siyang kinuha na maliit na kutsilyo sa likuran ng bulsa sa pants nito.
Mariin akong napalunok. “S-sure ka Manong pikon?” wika ko nanginig sa takot ang boses ko. “Kasi masakit kaya iyan,” saad ko.
Tumango ito. “Pakibilisan mo p'wede?”
“Ikaw na nga ang nag-uutos demanding ka pa. Tss ang pangit mo,” badtrip kong bulong.
Wala itong imik nakatingin lang sa akin. Nanginig ang kamay ko nang iabot niya ang kutsilyo sa akin. Pinaloob ko ang buong labi ko sa bibig ko, dahil ako ang kinakabahan kaysa rito. Sino nga ba ito bakit ganito siya ka-feeling matapang.