Chapter 03

1630 คำ
Jenyfer "Woi... anong gagawin mo," nataranta ako sabay takip ng palad sa mata ko. Naghuhubad kasi ng t-shirt. "Aalisin lang ang t-shirt anong problema mo?" bakit pakiramdam ko may pilyong ngisi sa labi niya ayaw lang ipakita. Hindi ako makatingin sa katawan niya. Woah! May ganito pala talaga katawan sa personal. Akala ko sa magazine lang mayroon iyong mga artista at model. Jusko may abs at ang muscle niya akma talaga sa katawan niya. Sure naman ako na hindi siya ramp model kasi ganito kaganda katawan niya. "Ehem!" tumikhim kaya uminit ang pisngi ko pero pinakita ko sa kaniya wala siyang appeal. Kahit na umaapaw naman. "Nagbago isip ko," wika ko binitawan ang hawak ko ng binigay n'yang kutsilyo. Naningkit ang mata niya tamad akong tiningnan. Nakikita ko tinitiis niya ang sakit halata naman kahit na pilit niyang tinatago halata sa kaniya mata. "H-hindi ko talaga kaya,” umiling ako hindi makatingin ng deretso sa tagiliran niyang sugatan. “Damn it! Bilisan mo na babae!” “Natatakot ako,” pag-amin ko sa kaniya. “Tss hindi naman Ikaw ang masasaktan natatakot ka?” hirap n'yang sabi. “Alangan! Paano kung mapahamak ka edi kulong ako nag-iisip ka ba? Tingin ko pa naman matalino ka bakit ang tanga mo pagdating dito," tugon ko humalukipkip pa ako. “Hindi ka titigil?” umigting ang panga niya galit sa akin. “Sabi mo alisin ko ang bala? Ngayon magtatanong ka kung hindi ako titigil?” pilosopo ko sagot sa kaniya. “Fvck!" madilim ang mukha. "Ginagago mo ba ako?" “Bwisit ka! Sinagot ko lang ang tanong mo. Kanina ko pa nga sinabi sa iyo na hindi ko kaya, tapos pinipilit mo ako na alisin iyang bala sa tagiliran mo. Ngayon naman tatanungin mo ako kung hindi ako titigil. Ako pa ang tinanong mo tumanggi nga ako na ayaw ko, e, ikaw lang naman kaya ang namimilit na gawin ko!" “Tang ina. Hindi ako mamatay sa tama ng bala. Mamatay ako sa babaeng 'to," bubulong-bulong ito ngunit umabot sa pandinig ko kaya malakas kong pinalo sa balikat niya. “Siraulo ka siguro. Panay mo mura hindi naman kita inaano. Ikaw nga ang naka perwisyo sa akin. For your information, Manong pikon. May trabaho dapat ako at kanina pa nga late na ako, kung hindi ka lang sumulpot sa tapat ng bahay namin. Kapag natanggal ako sa trabaho. Babayaran mo ako dahil matagal na ako namamasukan doon ngayon lang ako late na papasok dahil sa iyo," inis na saad ko sa kaniya. “Name your price. Gusto mo pa ipasara ko pa iyang pinagtrabaho-an mo,” sagot nito inirapan ko lang. Dumadaing na nga sa sakit nagyabang pa. Tsk halatang nagdeliryo na sa tama ng bala niya. “Ewan ko sa iyo. Saglit lang may kukunin lang ako manahimik ka lang diyan,” saad ko pagkatapos ay kinuha ko ang medicine kit na tinabi ni Nanay. Kumuha rin ako ng baso nilagyan ko ng inumin na tubig para makainom ito ng gamot. May antibiotics at painkillers bibigyan ko siya, kasi masakit talaga iyan kahit ako hindi ko kaya iyong utos n'yang magtanggal. Dahil makulit at ayaw magpadala sa ospital. Kakayanin na lang kahit na para akong hihimatayin. May bandage din at alcohol para ipanlinis ko sa sugat niya mukha naman matapang p'wede na ito. Sinamaan ko siya ng tingin ng pinanonood niya ako habang naglalakad palapit sa kanya. “Miss! Pakibilisan naman,” wika n'yang galit. Sa halip na sagutin ko. Binuksan ko ang dalawang gamot. Binigay sa kaniya. “Para saan ‘yan?” sulubong ang kilay na tanong niya sa akin. “Itatapon mo kaya binibigay ko sa iyo?” pabalang na sagot ko sa kanya. Nakataas din ang kilay ko dahil nagtatanong pa kung para saan iyan. Huwag n'yang sabihin na hindi siya umiinom ng gamot mapitik ko itlog niya. “Damn it nagtatanong ako ng maayos—” “Sinagot din kita dahil impossible na hindi mo gets bakit kita bibigyan ng gamot! Inumin mo na para mataanggal ko iyang bala,” saad ko pinaseryoso ko pa mukha ko. Tahimik na tinanggap. Pagkatapos niyang mainom. Mabilis kong binuhusan ng alcohol ang sugat niya halos gusto niya akong patayin sa masama titig niyasa akin. Tang ina. Malutong niyang mura. “Paano pa kung aalisin ko na iyan?” Seryoso kong nginuso ang tagiliran niya. Masama tingin ang sagot lang sa akin. “Takot?” “Ikaw ang takot dahil kanina pa kita inuutusan,” sagot niya parang hitsura nauubusan ng pasensya. Napalunok ako. Mariin kong pinikit ang aking mata pagkatapos sinunod ko ang utos n'ya. “Ahhh….” hiyaw nito ng mag-umpisa akong isagawa ang utos niya. “H-hindi ko na ba tatapusin?” nataranta kong tanong sa kaniya dahil nakita ko puno ng pawis ang buong mukha n'ya. Bakit gano'n parang ako rin ang nasasaktan sa nakikita ko sakit sa mata niya. Naawa ako kahit na hindi ko siya kilala at siya naman may gusto nito. Pero ang totoo naawa ako sa kaniya. “B-bilisan mo na lang babae, damn it ‘wag kang maawa sa akin alisin mo na.” Utos niya. Napalunok ako ramdam kong uminit ang mata ko. Kaya hindi ko na pinansin kung humiyaw siya ng sakit. Mabilis ang kilos ko nang magtagunpay ako naiiyak ako kasi naghalo ang takot at saya dahil nagtagumpay akong alisin ang bala sa tagiliran niya. “Thank you,” bulong nito pagkatapos pumikit. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Nahimatay ba o gusto lang magpahinga. Pero tumatak sa isip ko humihingi siya ng ‘thank you’ sa akin. Ibig sabihin ba mabuting tao ito. Pero nakabibilib lang ito dahil ang angas niya, oo nga nasasaktan siya ngunit kita ang tapang nito. Samantala ako tinawag ko lahat ng santo sa buong simbahan dahil sa takot ko kanina habang ginagawa iyon. Pawis pa nga ako at umiiyak hanggang sa tagumpay kong natapos. “Manong?” pilit kong ginigisng pagkatapos ko malagyan ng bandage ang tagiliran niya. May kamag-anak ba siya? Shunga ko naman may kamag-anak naman siguro problema paano ko nga kokontak-in kung ganito na walang malay. Sinalat ko ang leeg at noo nito. Mataas ang lagnat. Buti nga kanina napilitan ito inumin ang binigay ko sa kaniya na painkiller at antibiotics. Hinayaan ko muna siyang makapahinga. Wala ng lang sapin sa hinihigaan niya at malapit pa iyon sa pinto. Hindi naman niya iindahin ilang oras nakahiga sa semento. Kinaya nga sa pag-alis ng bala ito pa kaya nakahiga lang siya sa semento. Shitt! Late na ako. Nataranta ako ng makita ko ang oras sa wall clock namin alas-singko y medya na ng umaga. Patay ako nito masersermunam ako ng amo ko. Tumingin ako sa estranghero lalaki. Masarap ang tulog niya sinalat ko ulit ang leeg niya at noo. Medyo bumaba ang lagnat niya dahil nilagyan ko ng basa bimbo sa noo niya. Inalis ko iyon pagkatapos umalis ako sa tabi niya. Kumuha ako ng papel sa backpack ng kapatid ko, para sumalat sa kaniya kung sakaling magising siya na wala pa ako. Masarap ang tulog niya sana lang tulog siya hanggang ako'y makauwi. Wala kasi kasama na tindera ngayon kaya kailangan kong pumunta baka mawalan ako ng trabaho. Sure naman ako na ligtas na ang lalaking ito. Manong pikon: Pumasok ako sa trabaho kung sakaling magising ka. May kape at biscuit sa kusina magtimpla ka na lang doon dahil marami pa naman iyon at sure naman ako kasya pa siguro iyon sa iyo. May gamot din nasa luma naming upuan nilapag ko lang para makita mo agad. Inumin mo na lang po, Manong pikon. Pagkatapos ko maisulat nilagay ko sa tabi niya. Mababasa niya naman siguro ito kapag nagising siya. Isa pa ulit na sulyap sa kaniya mabilis akong nagbihis at umalis sa bahay. May tricycle sa labas sumakay na ako kahit sayang pamasahe malapit malayo same lang bayad sa tricycle. Fifty pesos kahit mag-isa lang ang sakay. Shitt! Pagdating ko sa tindahan maraming bumibili. Hindi magkandaugaga ang amo ko. Nakita na niya ako nalukot mukha niya iiling-iling at saglit lang niya ako tiningnan. Napangiti ako kakamot sa buhok ko. Paktay nito. Bahala na hindi ko na lang seryosohin ang sermon ni Ate Magda kasi kasalanan ko naman bakit ako late ngayon. Ginusto ko tulungan iyong estranghero lalaki kahit na maari naman akong tumanggi. Pero tinulungan ko pa rin nagpadala sa pananakot nito kaya ko naman iwanan na lang alangan tudasin ako noon kapag hindi ko tulungan. Eh, wala tinulungan ko pa rin kaya kasalanan ko talaga ito. “Pumasok ka pa Jenyfer!? Sana hindi ka na pumasok, maraming tao alam mo iyan,” saad niyang dismayado. “Ate Marga, pasensya na po kagigising ko lang po hindi ko narinig ang alarm ko,” pasinungaling ko sa kaniya. Mabuti na lang maraming customer kaya nakaligtas ako sa talak niya. Wala ng time manermon dahil abala rin siya sa kaharap na bumibili. Mabait naman itong amo kong si Ate Marga. Pinakaayaw lang niya ang late. Kasi nga sa madaling araw talaga ang dagsaan ng mga mamimili. Mas okay pa raw na udertime kami kaysa late, dahil madalang na lang bumibili kapag lampas na ng alas-otso ng umaga. Iyon ang lagi n'yang sinasabi sa 'min ng kasama ko tendera. Wala nga lang ngayon kasi day-off. "Bilisan mo na lang kumilos maraming bumibili. Naku kung hindi lang talaga mag-isa lang ako ngayon. Baka pauwiin na lang kita, matulog ka na lang total masyado ka ng late,” sabi niya. “Sorry po Ate Marga. Hindi na po ako uulit,” magalang kong sagot sa kaniya. “Talagang hindi na mauulit dahil kapag naulit pa, mawawalan ka ng trabaho,” sabi nito kinatigil ko. Hindi na niya ako pinansin. Ngumiti na lang ako dahil karapatan naman n'yang pagsabihan ako kasi siya ang amo.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม