Rhys pov
Nagising ako sa malakas na ring ng phone ko. Fvcking shiit! Kumirot ang sugat ko sa tagiliran ko dahil sa bigla galaw ko. Kahit hirap ako pinilit kong kunin sa bulsa ng pants ko ang phone ko para silipin sino tumatawag.
Sana lang si Alfonso ang tumatawag. Nang makita ko na si Alfonso nga. Nakahinga ako ng maluwag. Hindi ako maaaring magtagal sa bahay na ito dahil ayaw kong mayroon madamay sa pamilya ng babae, sa nakalaban ko kanina. Gusto akong burahin sa mundo tang ina nila hindi nila ako kaya.
Malas lang nila dahil hindi ako napuruhan dahil sisiguruhin kong tatadrarin ko ng bala kung sinong nasa nang-ambush sa ‘kin. Kailangan ko munang pagalingin ang sugat ko para makapag plano ng maayos. Reresbakan kung sinong gusto akong patayin.
Si Alfonso ay kanang kamay ko siya. Dalawa iyan sila na pinagkatiwalaan ko at para ko ng mga kapatid. Si Alfonso at Sameguil. Mabuti rin hindi ko sila kanina kasama dahil ayaw ko mapahamak ang dalawang ‘yon. Marami akong tauhan dahil nga isa akong Mafia boss. Pero pagdating sa loyalty. Si Alfonso at Sameguil lang ako nagtitiwala.
May pinuntahan kasi akong party. Pauwi na kami at nauuna ako sa kanila. Solo ko ang kotse ko ngunit napansin ko mayroon sumusunod sa ‘kin kaya niligaw ko at dito ako napunta malapit sa lugar na ito.
Hinarang ang kotse nakipagsabayan ako ng putukan. Halos maubos ko na sila kaya lang natamaan ako sa tagiliran. Tang Ina kaya umatras ako mabuti mabilis akong nakatakbo at nailigaw ko ang mga hunghang kaya tuluyan akong nakalayo
“Boss, nasaan ka? Kanina pa kami pabalik-balik sa paghahanap sa sa iyo. nag-aalala na kami boss, umiiyak na rin si Sameguil. Nasaan ka boss, pupuntahan ka namin ngayon?” puno ng pag-aalala na saad nila sa akin.
Nailing ako at narinig ko pa kunwari pumalahaw ng iyak si Sameguil. Mga gago talaga best actor ang dalawa na ito.
“Fvck you kayo. Bakit ang tagal niyong tumawag!” bulyaw ko ngunit nang maalala ko ang babae tumulong sa akin hininaan ko ang boses ko, baka naroon sa natatanaw kong k'warto at natutulog.
Tumingin ako sa relo ko nasa bisig ko. Damn it! Ala-sais na ng umaga baka gising na mga kapitbahay nila.
“Boss, maayos ka lang ba ngayon?”
“Alfonso. Dalhan mo ako ng sombrero, sunglasses, black Jacket at black t-shirt. H'wag din kalimutan magdala ng pants.”
“Boss nakalimutan mo brief,” sabi ni Alfonso. Narinig ko malakas na tumawa si Sameguil.
“Ginagago niyo ba ako?!”
“Hindi boss ah,” sagot niya.
“Asshole hindi pa ako tapos magbilin, sasabihin ko naman dapat ‘wag kalimutan ang brief ko masyado lang kayong hype!”
“Parang hindi boss—”
“Alfonso gusto mong tadtarin kita ng bala?” mariin kong sabi.
“Wahaha naman Boss Rhys, masyado kang seryoso. Kaya hindi ka mapag-asawa dahil ang sungit mo,” saad nito kinatigil ko. Pero bakit biglang lumitaw ang maamong mukha ng babaeng may-ari ng bahay.
No! Hindi ako magkakagusto sa babaeng ‘yon. Masyadong plain. I can't fall in love with that woman.
“Ehem! Bossing, sorry na ‘wag mo na lang seryosohin ang sinabi ni, Alfonso. Alam namin na pihikan ka lang sa babae kaya hanggang ngayon thirty three ka na lahat, wala ka pang asawa.”
Mga gago talaga. “Hindi ko rin nakalimutan na kayo ay mas matanda pa sa akin. Hindi pa nga kayo nagka-girlfriend kung magyabang, tsk. Bilisan niyo na lang kumilos baka magdilim ang paningin ko sa inyong dalawa. Tatamaan kayo ng tig-isang bala sa akin.”
“Magdala rin kayo ng pera. Isang milyon ilagay lang sa bag—”
“Luh! Boss, saan ang bakasyon mo? Boss, hindi ka pala uuwi sa bahay mo? H’wag naman boss wala na kaming masungit na amo,” sabay nilang sabi may pag-iyak iyak pa.
“Gago ba kayo? Uuwi ako kaya nga nagpapadala ako ng damit. May naka engkwentro ako. Malapit sa Figueroa Palengke ako. Magtanong tanong na lang kayo o go*ogle map, para matutunton niyo ako. Mabuti mayroon akong natakbukan na eskinita. Kaya hindi ako nadali. Bilisan niyo magpunta dahil may tama ako ng bala sa tagiliran.”
“Boss Rhys…kapit lang mahaba pa ang buhay mo antayin mo kami,” narinig ko sabi ni Sameguil.
“Boss pakiusap ‘wag ka munang mamatay. Paano kami ni Sameguil, wala kaming mapupuntahan. Alam mo naman ikaw lang ang nagmahal sa amin,” sabi naman ni Alfonso.
“What the heck! Tigil-tigilan niyo ako dalawa ha, dahil masakit ang tama sa tagiliran ko baka ilipat ko bala sa inyo,”
“Tangina kayo mamatay ako sa pagiging AO niyo. Bilisan niyo basta kagabi nakita ko number ng karaharap ng bahay na napusukan ko. Number 169 tapat lang bahay na kinaroroonan ko. May mga tanim na oregano sa labas, at iyan na ang bahay. Nasa loob lang ako. Siguraduhin niyo walang makahahalata na may hinahanap kayo mamaya na ako magpaliwanag. Naiintindihan niyo ba Alfonso?”
“Copy bossing,” tugon ni Alfonso pinatayan ko na ng tawag.
Mariin akong pumikit. Sinanay ang sarili ko sa sakit ng tagiliran ko. Nang matantiya na kaya ko ng tumayo. Doon ako dumilat. Hindi pa ako tumayo, ng may papel akong nahawakan. Kumunot ang noo ko pagkatapos dinampot ko iyon dahil nasa tabi ko pa talaga wala akong natatandaan na mayroon nito kanina.
Ewan ko bakit napangiti ako habang binabasa ang sulat ng babaeng iyon. Nagpaalam na papasok sa trabaho niya. Pinagkakape pa ako at uminom daw ako ng gamot. Kulang na lang ay mapunit ang labi ko sa saya. Paano ngayon lang ulit mayroon nag-aalala sa akin after fifteen years. Binawi na kasi ang Lola ko tunay na nagmahal at nagmalasakit sa akin. Kahit sarili kong mama. Iniwan ako para lang sa ibang lalaki nandoon na sa abroad masaya na kapiling ng pinili niyang pamilya.
Shitt! Walang puwang sa puso ko maging mabait sa babae. Pare-pareho sila. Tanging lola ko lang mabait sa akin. Lahat ay marahas na.
Pagkatapos kong basahin. Nilumukos ko ang papel at basta ko lang tinapon kung saang sulok ng bahay.
Tumayo ako at maingat na lumakad para magtungo sa kusina. Wala akong balak sundin ang utos ng babaeng iyon sa alok niyang kape. Pero gamot na binilin, nag-isip pa ako kung inumin ko ngayon. Pero naisip ko rin kailangan ko iyon para sa kumikirot kung sugat kaya kumuha ako isang basong tubig dinala sa sala. Umupo muna ako para iyon inumin. Nang mainom ko. Nilibot ko ang aking mata sa buong sulok ng bahay. Napansin ko ang cabinet mayroon mga display sa itaas mga nakapatong na picture frame.
Tumayo ako at nilapitan iyon. Nagtagal sa picture ng babae. Ewan ko nga, bakit nagawa ko kunin ang isa sa picture ng babae parang bago lang nakuha sabay isinuksok ko sa likuran ng bulsa ko.
Wala pa isang oras. May kumatok. Wala akong balak na buksan ngunit inulit kaya dinampot ko ang baril ko at kinasa iyon.
Biglang nag-vibrate ang cellphone ko.
Alfonso: Boss Rhys, kami ito ni Sameguil nasa labas.
Mabilis kong binuksan pinapasok sila at pinasarado ko ang pinto.
“Ito ang damit mo boss, nand'yan na rin ang nakalimutan mong brief, aray ko naman boss,” sabi nito dahil bunatukan ko pero natawa si Sameguil kaya bunatukan ko na rin para pantay sila.
“Magbibihis ako,” kinuha ko ang damit ko.
“Itong pera bossing saan ko ilalagay?”
“Ipasok niyo sa k'warto sa kama lang para madali makita ng may-ari.” Utos ko sa kanila pagkatapos ay nagtungo na ako sa banyo. Hindi ko na nilinisan sugat ko para makaalis agad. Isa pa mayroon akong sariling doktor. Patatawagan ko agad kina Alfonso. Habang pauwi kami.
“Let's go!” niyaya ko na sila lumabas at timing na hindi pa matao kaya hindi kami gaanong napansin dahil dalawa lang naman kami ni Alfonso nauna para hindi halata pagkatapos inantay namin sa sasakyan si Sameguil dahil pinahuli ko siya binilin ko lang i-lock ng maayos ang bahay ng babaeng tumulong sa ‘kin.