Chapter 05

1195 คำ
Jenyfer Mabilis ang bawat hakbang ko pauwi sa bahay namin dahil iniisip ko ang naiwan na estranghero lalaki sa bahay namin. Gising na kaya iyon? Hays sana lang bumaba na ang lagnat niya. Hindi rin kasi biro iyong may lagnat na siya may sugat pa sa tagiliran niya. Bumili rin ako ng pagkain niya dahil tanghali na rin. Kahit naman hindi ko siya kilala. May damdamin pa rin ako bibigyan ko ng tanghalian pagkatapos itatanong kung saan siya umuuwi para ihatid ko o p'wede rin naman ipasundo ko kung may kamag-anak pa siya. Malapit na ako sa pinto ng bahay namin may tumatawag sa likuran ko. Paglingon ko ang bestfriend kong si Katleen. Tumigil muna ako para antayin ko siya. Kumunot ang noo ko kasi. Hinihingal ang gaga pero tumakbo pa rin palapit sa ‘kin. “Besh naman! Bakit ba nagmamadali ka maglakad? Ako ang hiningal sa iyo maghabol,” sabi niya sa akin sabay tumingin sa bitbit kong plastic na supot. “Bakit kasi naghabol ka? Para naman may atraso ako sa iyo kaya hinabol mo ako. Ayan tuloy napagod ka,” sagot ko sa kaniya. Hindi ba siya pumasok? Bakit nandito lang siya sa lugar namin. Si Katleen, sa mall siya nagta-trabaho. Saleslady siya roon at regular na sa trabaho niya. Niyaya n'ya ako mag-apply noon. Umayaw ako, kasi nga nauna na ang trabaho ko sa palengke bago siya mag-apply sa mall kaya tumanggi ako sa alok niya. “Bakit nandito ka?” tanong ko sa kaniya s'yang kinataas ng kilay niya. Napaka wrong timing naman ng babaeng ito pumunta. Kung kailan mayroon akong tinatagong lalaki, ngayon naman siya pumunta. Aba't inantay ko na nga siya nilampasan ako dahil naglakad na at dereksyon ng lakad n'ya sa pinto ng bahay namin. Nanlaki ang aking mata maagap ko siyang hinawakan sa kamay para mauna ako. Nagtagumpay naman ako sabay na kami nakarating sa tapat ng pinto sa bahay namin. “Hoy Katleen! Bakit nga nandito ka?” “Bawal na ba pumunta?” “Hindi naman diba maytrabaho ka? Bakit ka nandito?” “Lutang ka besh? Hello, alam mo ba ibig sabihin ng day-off?” saad niya kaya pinitik ko siya sa noo niya. “Alam ko! Tss, anong akala mo sa akin hindi matalino? Nagtatanong lang ako bakit ka nandito pati katalinuhan ko dinamay mo,” “Seryoso ka na niyan?” sabay tanong niya. “Mukha ba akong nagbibiro?” tugon ko sa kaniya. “Hmmm bakit pakiramdam ko mayroon nag-iba sa iyo. Besh mayroon nga ba—” Ngumiti ako hindi ako naghalata. “Huh? Anong nag-iba? Parang nag-joke lang ako sa iyo noh. Hirap mong pasayahin. Pero bakit pala nandito ka anong sadya mo?” Nilapitan niya ako. “Gusto ko lang makipag chismisan sa ‘yo. Dali besh buksan mo na pinto,” saad niya kaya nataranta ako. “W-woi m-mamaya na inaantok ako balik ka na lang mamayang ala-sais ng gabi. Isa pa maglalaba ako besh, grabe kasi naipon ang labahan namin—” “Edi tutulungan na lang kita. Dali marami akong chika sa iyo bilis na Jenyfer apaka bagal,” saad niya sabay punta sa pinto nagtaka ng hinarang ko ang katawan ko na para bang kaya ko siyang pigilan sa pagharang ko sa pinto. Humalukipkip si Katleen. Napangiwi ako sabay kamot ko sa buhok ko. Pambihira laki nito problema paano ko kaya siya paalisin ng hindi niya mahahalata na mayroon akong tinatago sa kaniya. “Ayaw mo ba tulungan kita? Bago ito ha? Dati kasi tuwang-tuwa ka pa kapag tinulungan kitang maglaba. Unless may sekreto ka besh. Aminin mo Jenyfer! Anong tinatago mo ha? Bakit pinipigilan mo akong makapasok sa bahay niyo—” “Ang OA mo! Iniisip ko lang naman na mapapagod ka dahil day-off mo nga tapos ubusin ko ang oras mo.” “Aysus parang hindi ko ginagawa ito dati. Parang ngayon ka lang tumanggi besh, kaya nagtataka ako,” Shitt talaga. Paano ko ba ito lulusutan. Lihim akong napalunok. Bestfriend ko naman si Katleen at mapagkakatiwalaan ko siguro naman kapag sinabi ko bawal sabihin sa ibang tao. Hindi niya ipagsasabi. Subok na ang pagkakaibigan namin kaya bahala na nga. Mamaya ko na ipaliliwanag kapag nasa loob na kami ng bahay. “Sabi mo iyan ha, tutulong ka maglaba,” wika ko pa baka magbago pa isip kapag pinatagal ko. “Oo nga! Dati ko pa naman ‘yan ginagawa ah. Tara na habang mahaba pa oras,” saad nito napilitan akong tumango. Nanginig pa ang kamay ko habang sinusuin ang doorknob. Parang slow-motion ko pa iyon tinulak pero natigilan ako nang wala na ang estranghero lalaki. Hindi ko naisip na kasama ko pumasok ang bestfriend ko dahil mabilis ko siyang hinanap. Una akong pumunta sa kusina ngunit wala. Pagkatapos sumunod binuksan ko ang nag-iisa naming k'warto ngunit wala rin. Damn it! Natampal ko ang noo ko ng pagpihit ko nasa harapan ko si Katleen naningkit ang mata niya. “Bakit gan'yan ka kung makatingin?” kandahaba ang nguso ko. Ngumisi ako kasi ginaya ni Katleen ang salita ko pati nguso kuhang-kuha niya kaya natawa ako. Pero hindi siya tumawa. Dahil seryoso ang bestfriend ko. “Kaya mo ako pinipigilan na hindi pumasok sa bahay niyo dahil may itinatago ka ano?” “Ha? Anong pinagsasabi mo r’yan ha, Katleen. Nakita mo naman siguro na walang tao so ano ang tinatago ko?” “Echos mo Jenyfer. Kahit ayaw mo umamin nakita ko ang reaksyon mo,” “Wala nga. Mayroon lang akong check na gamit. Nakalimutan ko kanina para sa pagmamadali kung pumasok. Hindi ko sure kung natanggal ko ba ang saksakan ng rice cooker namin. Tapos sa k'warto ay electric fan namin,” “Nakalimutan mo? Bago iyan, besh,” saad niya nakataas kilay pa. “Napasarap ang tulog ko kagabi. Sa pagmamadali ko hindi ko sure kung natanggal ko ang saksakan. Kung alam mo lang, besh. Salubong sa ‘kin sermon ni Ate Magda.” “Ay oo nga besh. Speaking kagabi. I mean, madaling araw. Alam mo ba ang chismis kanina. Naku umagang-umaga ‘yan ang topic ng mga chismosa. Mayroon daw nakapasok dito sa lugar natin na mga armadong lalaki at mayroon daw hinahanap. Mabuti raw may narinig na serena ng pulis kaya umalis iyong mga at armadong lalaki. Besh, nag-aalala ako sa iyo. Kailan ba uuwi sina Tatay at Nanay mo?” tanong nito. Salamat naman at naiba na ang topic. Akala ko patuloy n'ya akong usasain. “Napasarap ang tulog ko kaya wala akong kaalam-alam at buti na lang din baka manginig ako ng nervous at madaling araw ang pasok ko.” “Sabagay oo nga, mabuti na rin tanghali ka ng nagising. Kasi maaga rin ang pasok mo,” tugon niya tuluyang nakalimutan. Ang binili ko pagkain para sana sa estranghero lalaki, kinain na lamang namin ni Katleen. Hiniling ko na lang sa isip ko na sana mabuti kalagayan ito. Kahit wala akong balak maglaba naglaba ako. Dahil iyon ang sabi ko kanina sa kaniya. Pero kakaunti naman, kahapon kasi naglaba na ako. Kaya maaga akong natapos nagkwentuhan na lamang kami ni Katleen hanggang sa umuwi siya ng alas-siyete ng gabi.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม