Maliit akong napangiti nang makita kong ginulo niya ang buhok sa paraang problemado at parang isang matured ng tao. Oo, pumayag na siya pero mukhang marami pa siyang side comment sana na pinipigilan niya lang isatinig. Nakikita ko talaga sa kanya ang ugali ng kapatid ko. Ganun na ganun si Kuya Timothy kapag kinukulit ko sa isang bagay na ayaw niya at pinipilit ko ang gusto. Hindi nga talaga nalalayo ang edad nilang dalawa kapag puno ng kunsumisyon sa akin. Magkakasundo talaga sila ni Kuya. “Thank you so much, Ravin. Upo ka na ulit dito.” tapik ko pa sa damuhang nasa tabi ko upang utusan siyang muling maupo, ang cute niyang maging problemado. “Matatapos na ang fireworks. Lakad na tayo doon banda mamaya kapag natapos na.” turo ko pa sa pwesto kung nasaan ang mga rides na maraming nakapila n

