Hindi na kami nakaalis na dalawa sa ferris wheel, iyong tipong kada matatapos ang time namin ay pumipila kaming muli at kapag nakasakay na ay patuloy na dudugtungan ni Ravin ang version niya ng kwento nilang dalawa ni MD. Tahimik lang akong nakikinig doon, walang kahit na anong reaction. Gusto kong malaman kung ano ba talaga ang nangyari sa kanilang dalawa. Ayokong magkomento ng makakasakit ng damdamin, iyon ay nang dahil sa pareho ko silang kaibigang dalawa. Ang mabuti ay manatili na lang akong tahimik at tagapakinig sa kanila. “Ang bossy niya, hindi ko alam kung talagang gusto niya ba ako dahil sa pagkatao ko o ginusto niya ako nang dahil sa kung anong hitsura mayroon ako. Napaka-manipulating niyang tao. Ang lahat ng sasabihin niya ay kailangan niyang sundin ko. Gusto niyang baguhin ko

