NAGTATAKA is Jiron at ang mga kasama niya kung bakit hinihila ang lubid na hawak nila samantalang nalaglag sa lupa ang palasong pinakawalan niya. "Humawak kayo! May puwersang humahatak sa atin," bulalas ni Tonyo sa kanila. Naunang nakaakyat si Tonyo sa matigas na bahagi ng lupa. Sunud-sunod na rin silang nakaahon sa malambot na lupang iyon. Saka lang nila napansin ang humila sa kanila nang nakaalis na silang lahat sa putik. "Akalain n'yo iyon? May magmalasakit pa palang baboy-ramo sa atin dito!" manghang gagad niya. Mabilis na tumakbo palayo ang hayop. "Tingnan n'yo!" itinuro ni Tonyo ang direksiyon ng hayop. "Sundan natin ang dinaanan ng baboy-ramo, marahil iyon ang ligtas na daan upang hindi tayo lulubog sa malambot na lupa," wika pa ni Tonyo. "Tama! Sundan natin," dagdag naman

