CHAPTER 4

544 คำ
Charmane's POV "Its been a long day for all of us" rinig kong sambit ni Rachelle matagal ko ng kaibigan at katrabaho ko. Tama sya masyadong mahaba ang araw na 'to para saming lahat, nakakapagod, pero enjoy naman. I do love my work. Nageenjoy ako makapunta sa iba't ibang bansa. Nakakabyahe ako ng ako pa ang sumusweldo at walang gastos kundi ang pagkain ko at personal na pangangailangan. Naalala ko noong high school ako gusto ko talagang maging model. Rumarampa sa gitna ng entablado habang pinalakpakan at hinahangaan ng mga taong nanonood. Hanggang sa nakilala ko si Rachelle. Sa kanya talaga nanggaling ang ideya na mag flight attendant ako. Ang sabi pa nga nya madami daw kaseng gwapong piloto. Nakakatawang isipin na ganon ang mindset ni Rachelle dati samantalang ngayon ni ayaw nyang pansinin yung piloto na nanliligaw sa kanya, kesyo wala daw syang oras at sinusustentuhan nya pa ang pag-aaral ng kapatid nya. Hindi man ito yung trabahong pinangarap ko, ito naman yung trabahong minahal ko. Libre libot. "Tara may nakita akong malapit na bar dito. Labas naman tayo last night naman na naten e" suhestyon ni Aika, isa din sa katrabaho ko. Nakarating kami sa bar. Maingay, malakas ang musika, mga taong nagsasaya, nagiinom at nagsasayaw, disco lights na nakakahilo para sakin. Hindi naman ako bago sa mga bar pero hindi ko lang talaga magawang masanay sa mga gantong klaseng surrounding. Umorder ang mga katrabaho ko ng inumin. "Chikahan mo naman kame about don sa boylet na naghatid sayo nung nakaraan" pasigaw na saad ni Aika sabay hampas sa braso ko. "Nako wala silang relasyon non!" si Rachelle naman ang sumagot "Ay ganon? Pero bakit may pahalik" "Baka FUBU lang sila" saad naman ni Rachelle sabay tungga. Kelan ba kase ako masasanay? Pakiramdam ko ay ang baba kong babae tuwing masasampal saken yang katotohanang matagal ko na rin namang alam. Ano nga kayang ginagawa ngayon ni Ken? Baka nasa bar na naman yon at kasama ang kaibigan nya. Di lingid sa kaalaman ko ang nangyari sa kaibigan nyang si Kael, iniwan daw ng asawa. Alam ko namang may matinding dahilan ang lahat ng yon. Kaso wala akong alam. Text ko kaya sya? Kung tawagan ko na lang? Kaso baka may ginagawa. Baka busy. Wag na lang. Pero bakit hindi sya nagtetext, di nya ba ako namimiss? Ay jusko Charmane busy nga diba, may ginagawa pano ka tatawagan. Maghunus-dili ka. "Wala pala kayong relasyon nung naghatid sayo?" tanong naman ni Michael, isa sa mga co pilot na kasama namen. "Wala" tipid kong sagot bago uminom. "Tuwang tuwa Michael? Wala ka pa ring pagasa sa kaibigan ko noh. Patay na patay nga ata to don e. Di nya magawang iwan" - Rachelle Iniisip ko pa lang na nagloloko na naman si Ken sa loob ng tatlong araw na pagkawala ko, nagwawala na ang buong sistema ko. Nasasaktan na agad ako. Maybe i love him, pero hindi naman ibig sabihin non magpapatali ako habang buhay sa sitwasyon namin. I'll stop chasing him. Sa katunayan wala naman akong pinagkaiba sa ibang babae nya, parepareho lang kaming babae ni Ken. No string attached. Walang label. Just plain s*x. Parausan. Yun lang naman ang babae sa kanya, kabilang ako. Ang pinagkaiba lang, ako tumagal at yung iba hindi.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม