“I will twist her neck for all what she does to me,” nanggigigil kong bulong sa hangin habang nakatanaw kay Linda na isa sa mga estudyante kong walang ibang ginawa kundi bwisitin ako. Sinundan ko siya rito sa labas upang itanong sana kung bakit siya narito at kung nasaan ang kaniyang pinsan na si Nena. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-rami ng mga babaeng nakilala ko, itong si Linda ang medyo kakaiba sa lahat. Ni hindi man lang humahanga sa taglay kong kagwapuhan pero ‘pag sa loob ng silid-aralan, natutulala naman sa tuwing kakausapin ko na. “Babe, sino ba’ng tinatanaw mo riyan?” Nilingon ko ang babaeng iniwan ko sa loob ng pizza parlor at taas baba kong tinitigan. Ewan ko nga ba sa aking sarili kung bakit ako sumama sa babaeng ito gayong hindi ko naman kilala. Wala sana akong pl

