Kila SA HALIP na pumasok sa AMU ay mas pinili ko na munang lumiban sa klase. Hindi ko pa alam kung paanong haharapin si Ranz, nahihiya ako sa kaniya. Tuloy lang ako sa pagmamaneho hanggang makarating sa park na pinuntahan namin ni Ranz kahapon. Bumaba ako at naglakad patungo sa eksaktong bench na inupuan namin. Hindi ko mapigilang malungkot noong maalala ang mga sinabi niya. Shit! I hate him. "Pasensiya na pero baka nalilito lang ako. Baka mali lang ako ng pag intindi sa nararamdaman ko. I am sorry Kila, but I don't really love you." Mapait akong napangiti noong marinig sa isip ko ang mga sinabing iyon ni Ranz. Sa dami ng dahilan na puwede niyang gamitin iyon pa talaga, iyon pa na hinding hindi ko mapapaniwalaan. I hate him, nagagalit ako sa ginawa niya. Hanggang sa huli ay mas pini

