Sportsfest
Matapos ang araw ng insidente kay Yvette ay unti unti na ring namatay ang issue. Ang tatlong traydor at yung nagbuhos ng yellow thing ay nabigyan na rin ng punishment, kailangan nilang maglinis ng school after class.
Si Yvette naman ay tuluyan na ngang lumipat ng University, sayang naman naudlot pa ang lovelife ni Kian. Ang bwisit namang lalaki na nagngangalang Jix ay hindi ko na nakita matapos ko siyang mabukulan. Mainam naman, ayoko na talagang nalalapit boy sigaw na yun.
Isa pa sa nakatulong sa paglaho ng issue ay ang pag uumpisa ng sportsfest. Kaniya kaniyang preparation ang mga kaklase kong sumali sa iba't ibang sports at games.
Yung mga kaibigan ko ay sa basketball nakalinya pero bukod doon ay may iba pa silang sinalihan. Si Kian sa E-sports na Mobile Legends, si Hyun naman ay Chess. Kami lang pala ni Kurt ang walang sinalihan, ewan ko ba bakit hindi siya sumali sa basketball.
"Kila di mo ba kami panonooring magpraktis?" tanong ni Hyun
Every after class kasi ay nag eensayo sila sa indoor court ng AMU.
"Manunuod ako, syempre."
Iginiya naman nila ako papunta sa multi purpose gym.
Dumiretso na kami ni Kurt sa may upuan, doon lang kami sa umupo sa may likod ng bench ng team nina Ranz.
"Di ka naman pala nagba-basketball may full court ka pa sa mansion niyo." may panunuyang sabi ko
Napasimangot ito. "Anong hindi? Eh ako nga ang pinaka-magaling sa aming anim e. Sadyang ayoko lang sumali sa competition, kadiri kaya palitan ng pawis."
Napakasilan naman talaga ng bilyonaryong 'to.
"Bakit pag sina Ranz ba hindi nagpapawis?"
"Atlis alam ko namang may proper hygiene sila. Pero pag sa competition, malay ko ba kung may putok o bad breath yung kalaban. Yuck!" Hinaplos haplos niya pa ang braso niya na akala mo ay kinikilabutan.
Bahagya akong natawa at napakibit balikat na lang.
Nagsimula na rin ang friendly match ng team nina Ranz at nung mga grade 12 din, Humss yata. Wala naman akong alam sa basketball kaya yung shoot lang talaga ang inaabangan ko, akala ko nga mabo-bored ako pero enjoy naman pala.
"Prinsipe ishoot mo na! Bilis!" sigaw ko kay Prince
Ngunit mukhang ayaw siyang tantanan ng dalawang kalaban. Kaya imbes na itira ay ipinasa niya yun kay Ranz na halos nasa gitna pa ng court ang posisyon.
SHOOT!
Napatayo pa ako habang nagchi-cheer, grabe ang layo nun ah puwedeng 5 points.
"Tsk, kaya ko rin yun e," bulong ni Kurt na nakabusangot
"Ang galing mo Ranzy boi!" sigaw ko pa
Ngumiti naman ito sa 'kin saka kumindat. Nakaka-aliw din pala itong basketball.
"Bilib ka ba?" tanong ni Ranz nung umupo sa bench. Nagpa-sub muna siya sa ibang player.
"Oo ah. Puwede na ngang 5 points yun e."
Bahagya naman siyang natawa.
"Three points lang, para it's for you." sabi niya at kumindat pa
Napa-make face na lang ako. Tumawid pa siya sa upuan namin para umupo sa tabi ko. Habang nandoon siya ay ipinapaliwanag niya sa 'kin yung mga nangyayari sa laro, kaya kahit papaano ay naiintindihan ko na ang flow ng basketball.
Halos trenta minutos din ang itinagal ng kanilang ensayo, at sa huli ay nanalo ang team nina Ranz. Magaling talaga ang captain eh, maging sina Rye at Miel. Mukhang iyon ang dahilan kung bakit wala silang iba pang sinalihan na laro.
"Matagal na bang hindi sumasali sa competition si Kurt?" tanong ko kay Hyun na kasabay ko sa paglalakad palabas ng gym
"Hindi. Last year nga naglaro pa yan e."
Napakunot naman ang noo ko. "Eh kasi yung isa sa kalaban namin noon may body odor, tapos pagkababa niya mula sa pagtalon para sa rebound sumakto yung kili kili niya sa mukha ni Kurt." Natatawang paliwanag ni Hyun. "Sinuntok niya pa nga yun kaya na-eject siya sa laro. Simula nun sa amin na lang siya nakikipag laro ng basketball." L
Bahagya naman akong natawa dahil sa kwento ni Hyun. Pero kung iisiping mabuti, traumatizing experience yun. Lalo na at nakaapekto talaga sa buhay niya. Kawawa naman si Kurty boi.
"Hyun, bilisan mo nga maglakad napaka-ikli kasi ng biyas e." masungit na sabi ni Kurt
Nauuna kasi ito sa paglalakad sa amin.
"Anong problema nun?" tanong ni Hyun
Nagkibit balikat lang ako, malay ko. Ano nga bang problema ng kumag na yun.
"Kila, alam mo yung 'jelly bee'?" baling ni Rye na may malapad na ngiti
Napakunot ang noo ko. "Jelly o jolli, yung sa fastfood ba?"
"Ahh jolli ba? Akala ko kasi binago na at ginawang 'jelly'." Natatawa pa siya.
Hindi ko talaga maintindihan ang pinagsasabi ng mokong na yun tapos napakalapad pa ng ngiti na parang may nais ipakahulugan. Jelly? jolli? Ano ba yun?
Nilapitan ko nga ito at hinawakan sa braso. "May kasalanan ka ba sa 'kin? Anong jelly, jolli? Di ko ma-gets."
Bahagya itong natawa tapos ay napakagat labi. "Praning mo. Curious lang ako kung jelly ba o jolli yun. Alam mo na, di naman ako kumakain sa fastfood." paliwanag niya pero nakangiti parin talaga siya ng malapad
Ewan. Wala namang lumalabas na matino sa bibig nito e. Hinayaan ko na lang siya at nagpatuloy sa paglalakad.
"Wala ba talaga kayong sasalihan na dalawa?" tanong ni Miel
Agad naman akong umiling habang si Kurt ay mukhang nag iisip.
"Sasali ako sa swimming." simpleng tugon niya
"Wow! Sure na ba yan Kurty?" tanong pa ni Ranz at inakbayan ito
Napairap naman siya at saka inalis ang akbay ni Ranz. "Oo, gusto mo lunurin pa kita." masungit na tugon niya
May dalaw yata ang bilyonaryo at bigla na lang nagsusungit.
"Kila kailangan pala ng muse ng red team, ikaw na lang?" baling ni Kian sa 'kin
Agad tumabang ang mukha ko. Ang ganda ko siguro sa mata ni Kian at ako na naman ang nakita niya.
"Nag Ms. AMU na nga ako tapos ngayon muse naman. Aba! Abusado na kayo, mao-overuse na ang ganda ko niyan." pabirong tugon ko
Lahat naman sila ay napa-poker face.
"Umuwi kana nga!" taboy sa 'kin ni Kian at iginiya sa sasakyan na sundo ko
Tinawanan ko na lang sila. "Bye!"
****
Makalipas ang isang linggo nang preparation ay magsisimula na ang aming 3 days sportsfest. Nandito kami sa Annex ng AMU dahil mula dito ay paparada kami hanggang sa main. Bale mayroong walong team na maglalaban laban, ang ABM, Stem, Humss, at Gas ng grade 12 and 11. Nakasuot din kami ng kulay pulang departamental shirt na may naka-imprintang ABM 12- Vicious Red.
"Let's go AMB 12, Vicious Red!" sigaw pa ni Kian nung nagsimula na ang parada
"Rawwwwr!" sigaw naman naming lahat
Siyempre sino pa ba ang makakaisip ng ganitong katangahan kundi si Prinsipe. Tsk
Halos dalawang daang metro din ang nilakad namin bago kami nakarating sa open court ng AMU kung saan gaganapin ang opening ceremony.
"Students and players sana ay mahubog n'yo ang pakikipag isa at sportmanship sa mga laro na napili n'yong salihan. Goodluck at higit sa lahat ay sana mag enjoy kayo."
Nagpalakpakan naman kami sa speech ng principal kahit ang totoo ay nagdadaldalan lang naman kaming pito.
"At para sa pormal na pagsisimula ng ating sporsfest. Narito si Luke Mijandres ang champion ng 1500 meter run para sa torch lighting."
Inumpisan na nung Luke ang pagtakbo hanggang sa makarating sa stage at sinidihan ang kawa na may kahoy. Okay umpisa na...
Matapos ang opening ceremony ay kaniya kaniya ng paghahanda ang mga players.
"Tara panoorin muna natin si Kurty boi." aya ni Ranz
Sumang ayon naman kami. Pangatlo pa kasi sila sa maglalaro sa basketball.
Nagpunta na kami sa pool area, at humanap ng magandang pwesto.
"Anong oras naman ang E-sport at chess? Saka paano ang basketball n'yo?" tanong ko habang naghihintay kami sa pag uumpisa
"Bukas pa yung E-sports." tugon ni Kian
"Yung chess ko naman is mamaya pang 10, so mukhang di ako makakalaro sa basketball." sabi naman ni Hyun
Tumango tango naman ako, napapahanga ako ng mga mokong na 'to ah.
"Saka wag mo intindihin yung basketball, ikatutuwa nga ng iba na wala kami dun para makapaglaro sila. At saka itong sina Rye, Miel, at Ranz lang naman ang di pwedeng mawala dun. At si Kurt sana kaso ayaw na niyang maglaro." paliwanag pa ni Kian
"Ayan na nagsisimula na." sabi ni Rye na mukhang excited na makita ang bestfriend
Agad na naghiyawan ang mga babae noong lumabas si Kurt na naka-topless siyempre.
"Go Kurty baby ko! I love you!" sigaw ni Rye na nagpalingon kay Kurt sabay mura ng silent 'gago' sa kaniya
"Galingan mo Kurty boi!" sigaw ko naman
Ngumiti ito sakin. Yung napakaganda niyang ngiti.
Nag unat unat pa siya para maihanda ang katawan sa 200 meters individual medley competition. Ibig sabihin nun ay kailangan nilang gawin ang apat na strokes sa isang karera. Maya maya ay pinaghanda na sila at pumwesto na sa starting block. Sa pagtunog ng hudyat ng pag uumpisa ay agad nagsitalon sa pool ang walong pambato ng grade 12, dalawang representative kada strand.
Para sa butterfly strokes ay naunang nakarating sa wall si no.8, mabilis itong nag turn para sa backstroke.
"Goooo Kurt!" sigaw ko pa nung makitang nakahahabol na ito.
Natapos na ang backstroke ngunit si no. 8 padin ang nangunguna, wow di ba siya napapagod. Yung ibang players ay huminto na, mukhang hindi naman kasi talaga sila sanay sa swimming competition. Nagsigawan kami nung mahabol ni Kurt si no. 8 at sabay silang umikot para sa breastroke.
"Kurty baby ko! Pakakasalan kita pag nanalo ka!" sigaw pa ni Rye
Mukhang bad luck iyon dahil bumagal ang pag usad ni Kurt.
"Hoy! Kurty boi punyawa! Bilis punya–" Napalingon pa sa 'kin ang ibang nanonood kaya tinakpan ni Ranz ang bibig ko. Ano ba kasi yung punyawa?
Akala namin ay maiiwan na si Kurt, ngunit mukhang nag ipon lang siya ng lakas para makabawi at sawakas ay mukhang napagod na rin si no. 8. Bago pa man makarating sa wall ay nauna na si Kurty boi, nagtuloy tuloy na ang pangunguna niya para sa huling ikot na freestyle.
"Yeaaah!" sabay sabay na sigaw namin nung marating ni Kurty ang pool wall. Nagtayuan pa kami dahil sa tuwa.
"I love you Kurty baby ko!" May pagtalon pa si Rye
Maging ang mga babaeng humahanga kay Kurt ay malakas din ang pagcheer para sa kaniya.
Pag ahon ay ngumiti at kumaway ito sa amin maging sa ibang sumuporta para sa kaniya. Umalis na rin kami roon para puntahan si Kurt.
"Pinakaba mo 'ko dun baby ko ah." salubong ni Rye at ginulo ang buhok ni Kurt
"Galing mo bro, di namin iniexpect na pwede na palang pang kompetisyon ang swimming skills mo." dagdag pa ni Ranz
"Paano ba yan? Nauna na akong nanalo, dapat lang galingan n'yo." hambog na sabi nito na nagpatabang sa mukha ng lima. "Ano Kila, magaling ba?" baling niya sa 'kin
"Oo. Punyawa ka akala ko hihinto kana e. Punyawa kinabahan kami don ah." overjoyed na sabi ko
Napa-poker face silang lahat sa 'kin.
"Ano na naman bang word yang punyawa?" kunot noong tanong ni Kurt
"Malay ko. Nakuha ko lang yan sa kakanood ng kung ano online. Diba mga punya–"
Tinakpan ni Kian ang bibig ko. "Lubayan mo nga, nakakairita sa tenga. Tara na sa gym."
Napa-pout na lang ako. Cute kaya sa tenga, punyawa punyawa.
Dumiretso na kami sa indoor court, at naabutang Humss 12 at 11 na ang maglalaban. Mabilis lang ang magiging laban sa elimination, isang game lang para sa magkaparehong strand ng grade 11 at 12, tapos ay pasok na sa semis ang mananalo.
"Guys, kailangan ko nang maghanda para sa chess." Paalam ni Hyun sa kalagitnaan ng panonood namin ng basketball.
"Hindi mo ba kailangan ng tiga-cheer dun, Do Hyun?" tanong ko
Ngumiti naman ito. "As if naman puwede kayo magsisigaw dun. Saka baka ma-distract lang ako. Goodluck sa inyo guys."
"Good luck Hyun, wag kang babalik pag di ka nanalo." pabirong bilin ni Kurt
"Good luck bunso, kiss ko nga noo mo para lucky charm." sabi pa ni Rye at akmang hahalikan si Hyun
"Bad luck! Alis na nga ako." nakasalubong ang kilay na sabi niya.
Napaka-bwisit talaga ng Rye na 'to.
"Good luck bunso! Hwaiting!" sigaw pa namin
Umirap naman ito ngunit sa huli ay ngumiti rin.
Noong matapos ang laro ng Humss ay agad na namang nagsihanda sina Ranz kaya kaming dalawa na lang ni Kurt ang naiwan sa upuan.
"Wala ka na ba talagang balak sumali sa basketball competition?" tanong ko
Tumingin ito sa akin at mukhang nag iisip kung dapat niya bang ikwento ang dahilan.
"Nabanggit na sa 'kin ni Hyun ang dahilan." dagdag ko
"Nakakatawa diba? Tss," Ngumiti pa ito ngunit halatang pilit iyon.
"Nope! Hindi dapat pagtawanan ang isang traumatizing experience ng isang tao, kahit gaano pa man kababaw yun para sa iba."
Tila umaliwalas naman ang mukha niya sa sinabi ko at tipid na nagpakita ng totoong ngiti. "Tsss. Wag ka ngang ganiyan. Nakakainis."
Napakunot naman ang noo ko. Bakit ako nakakainis?
"Nakakainis pa ako ngayon?" Nanunulis pa ang mga nguso ko.
Bahagya pa siyang natawa at saka ginulo ang buhok ko. "Hindi. Basta, okay lang ako. Saka di ko naman pangarap maging basketball professional, kaya it is not a big deal."
Napakibit balikat na lang ako.
"But, thank you. Napaka-powerful talaga ng mga words pag galing sa 'yo." seryosong sabi niya at muling ginulo ang buhok ko
Bakit ba ang hilig niyang mang gulo ng buhok? Tsk
"Oo na. Wag mo ng guluhin ang buhok ko." sabi ko pero tinawanan niya lang ako
Natigil lang kami sa pagkukulitan noong magsimula na ang laban. Ang lalaki ng katawan nitong mga ABM 11, mukhang maganda ang magiging laban. Ang starter 5 ng team namin ay sina Ranz, Rye, Miel, Kaydee at Loui.
"Sit properly Prinsipe!" sigaw na panunukso ko rito na agad niyang sinuklian ng masamang tingin
Nag umpisa na nga ang laban, takbo rito, shoot doon. Naka-focus lang ako sa laro para maintindihan ko, hindi rin naman kasi maririnig ang boses ko dahil sa dami ng babaeng sumisigaw para sa mga kaibigan ko.
"Galing talaga ni Ranz 'no?" Namamangha na sabi ko.
Panay kasi ang bato nito ng tres, lalo at di sila makaporma sa loob dahil ang lalaki ng mga grade 11.
"Syempre ako nagturo dyan e." hambog na tugon ni Kurt
Di ko na lang siya pinatulan at nagpatuloy sa panonood.
Halftime ng laban ay lamang ng sampung puntos ang mga kalaban. Pero sabi ni Kurt ay kayang kaya pa daw habulin yun lalo at mahaba pa ang oras.
"Go Prinsipe!" sigaw ko nung makitang maglalaro na ito
Sa pagpapatuloy ng laban ay di parin nababawi ng team namin ang sampung kalamangan. Maging si Kurt ay tila kinakabahan na rin dahil para na itong coach na sumisigaw sa kung anong dapat nilang gawin.
Masiyadong matibay ang depensa sa loob, talagang di umuobra sa balyahan ang red team, lalo na si Miel na payatot. Ang mga tres naman ni Ranz ay halos di na pumapasok, marahil ay dala na rin ng pagod at frustration. Last five minutes na para sa fourth quarter pero nasa walo parin ang kalamangan. Nag full time out din ang team namin para makapag plano ng mabuti.
"San ka pupunta?" tanong ko kay Kurt
Bigla kasi itong tumayo na akala mo ay may susugurin.
"Di tayo pwede matalo sa elimination. Tsk" sagot niya at nagpatuloy sa paglakad
Naiwan akong nakakunot ang noo doon? Ano kayang gagawin ng mokong na yun? Maglalaro kaya siya? Sa pagtunog ng buzzer ay nakita ko ang pagpasok ni Kurt, suot niya ang jersey ni Kian. Agad nagsigawan ang mga manunuod nung makita ito.
"Omg! Maglalaro si baby Kurt ko!" Kinikilig na sabi nung nasa likod ko.
"Go VerMenRod! We love you three!" sigaw naman nung nasa unahan ko
Vermenrod? Ahh Vermillion, Mendez at Rodriguez. Mukhang buo na nga ang power trio ah. Pero siyempre lima silang susuportahan ko.
"Go! VerMenRod! Vloggerist and Prinsipe! I heart you five!" Tumatalon talon pa ako sa pagsigaw.
Tumingin naman sila sa direksiyon ko saka kumaway at ngumiti. Oh diba? Mainggit kayo mga bijj.
Nagpatuloy na ang laban sa pangunguna ng power trio, kasama sina Miel at Loui. Mukhang nadistract din ang kalaban dahil sa biglang pagpasok ni Kurt. Naka-focus lang sila sa pagbabantay dito kaya naman naiisasahan na sila sa loob nina Miel at Loui. Grabe! Ang intense talaga ng laban dahil kahit nakaka score na kami ay hindi rin naman nagmimintis ang green team.
"Last two minutes!" sigaw nung announcer
Napabaling ang tingin ko sa score board, 57 - 51, in favor of opponents. Kaya pa kaya?
Muling binago ng green team ang kanilang strategy, focus ulit sa loob tulad nung mga unang quarter. Pero wrong move iyon dahil panay naman ang bato ni Kurt ng tres.
"Alendre titira ng tres, ops di pwede yan sabi ni Perez."
"Takbo Miel!" nagtatatalon na ako nung maagaw nito ang bola
"Perez di maka-porma naghahanap ng tiyempo, ipinasa kay Mendez... Itinira.. Pero joke lang pala...Ipinasa kay Vermillion and bang!"
Hindi lang kaming manunuod ang nagtalunan kundi pati na rin ang mga players, ang tres lang naman kasing iyon ang nagpalamang sa amin ng 1 point. Napakahalaga pala ng 1 point lalo at 36 seconds na lang ang meron sa shot clock. Napa-time out tuloy ang green team. Ibang klase! Ang galing pala talaga nitong si Kurty boi.
"Vicious red! Vicious red! Vicious red!" Pagchi-cheer pa naming ABM 12.
Pero mukhang di rin papadaig ang mga grade 11. "Furious green! Furious green!" ganti nila
"Back in the ball game!" sigaw pa nung announcer noong muling tumunog ang buzzer.
Green team ang mag iimbound ng bola at bago pa man makarating sa kalagitnaan ay nagbigay na ng foul na si Kurt. Nag- free throw na si player 12 at pumasok naman yung dalawang tira, kaya naman team na ulit namin ang magdadala ng bola, 25 seconds left at ngayon lamang na naman sila ng isa. Cross fingers
Si Kurt ang nagtawid ng bola at dala dalawa ang nagbabantay sa kaniya. Grabe ang bilis ng oras.
"Vermillion.. Vermillion... Ipinasa kay De Leon... De leon for three, no go! Pero Rodriguez nakuha ulit ang bola, ipinasa kay Mendez, ititira ba? Itini—Nandoon pala si Perez!"
Dumagundong ang malakas na hiyawan sa buong gym matapos isalaksak ni Miel ang bola na ipinasa ni Ranz. Dunk? Dunk nga! At kahit may natitira pang segundo ay hindi na rin itinakbo ng kalaban ang bola.
"Kaibigan ko yan!" sigaw ko
Binuhat at initsa itsa pa nina Rye si Miel. Ang galing, para siyang lumilipad na butiki. Tumayo na ako saka tumakbo patungo sa kinaroroonan nila.
"Huy! I heart you five!" pagkuha ko ng atensyon nila
Nagsilapitan naman sila sa akin.
"Ops! Dirty kayo, don't touch me." sabi ko pa
"Sobrang gagaling niyo! Nakaka-proud lalo kana Miel, kaya mo palang mag dunk? Pati ikaw Kurty, idol na talaga kita. At kayo Ranz at Rye sobrang galing n'yo din." overwhelmed na sabi ko sabay suntok sa biceps nila. Pero may isang masama ang tingin sa akin.
"Siyempre pati rin ikaw Prinsipe."
Nangiti naman siya.
"Ang galing mong maupo." dagdag ko sa saka namin siya pinagtawanan
Nagsidagsaan din ang mga babae doon at kaniya kaniyang pa-picture sa kanilang lima, wow lakas maka-celeb.
Pagkatapos makapag palit ng damit ng anim ay nag aya naman sila na magtungo sa room ng GAS A kung saan ginaganap ang chess. Pero bago pa man makarating doon ay sinalubong na kami ng naka-ngiting si Hyun.
"I made it!" masayang sabi nito
"Congrats bunso, expected na namin yun. Hays ikaw pa ba?. Pero sayang wala ka rito, naglaro si Kurty baby ko at... nagdunk lang naman si Miel!" Inaaksyon pa ni Rye ang dunk.
Nanlaki ang nga mata ni Hyun. "Talaga? Bakit di mo sinabing maglalaro ka?" sinuntok pa niya si Kurt, "At ikaw, bakit mo ginawa yun nung wala ako. Naman oh, napakadaya n'yo." Nagtatampo pa itong kunwari.
"Wala naman sa plano ko ang maglaro bunso, sadyang ayoko lang malaglag tayo sa elim. Tsk" Sinamaan niya pa ng tingin sina Ranz.
"At ako malay ko din na makakaya kong mag dunk." sabi naman ni Miel
"Wag kana magtampo Hyun, malay mo makita mo ulit bukas yung dunk at Kurt maglalaro kaba ulit?" tanong ni Ranz
Tumabang naman ang mukha ni Kurty. "Asa! Gaya nga ng sabi ko ayaw ko lang malaglag tayo sa elim."
Napabusangot na lang sina Ranz. Nakakatuwa talaga silang pagmasdan, walang hilaan o inggitan. Sobrang nakaka-proud ang mga kaibigan ko.
"Dami n'yong drama. Hintayin n'yo lang bukas at ako naman ang hahangaan n'yo." Panira talaga ng moment itong si Prince. Pero sabagay totoo naman yun, itong si Prinsipe talaga ang talented pagdating sa online games. Iyon naman kasi talaga ang forte niya.
"Oo na. Tara na nga kain muna tayo." aya pa ni Rye
Nagtungo na kami sa cafeteria at nag order ng makakakain habang pinagku-kwentuhan parin ang mga ganap.
Pagdating ng hapon ay sa basketball lang kami naka-tutok. Natapos ang elimination round at ang mga makakalaban ng team namin ay ang yellow Humms 12, pink Gas 12 at maroon Stem 11. May isang game pa sila para sa semis at pagkatapos nun ay kailangan pa ng isang panalo para maka-advance sa finals.
Ang yellow HUMSS ang unang kalaban namin para sa semis. Mukhang may advantage kami lalo na sa heights.
Nag umpisa na ang laban at tama nga ako, naging madali para kina Ranz na maexecute ang laro. Nagtapos ang laban sa score na 63-45, maning mani talaga sa kanila yun ah.
"Well done." sabi ko habang pumapalakpak
"Basic!" Pagyayabang pa ni Kian, akala mo talagang malaki ang ambag
Dahil iyon na naman ang huling laro nila sa araw na iyon ay nagdecide na rin kaming magsiuwi upang makapag pahinga.
"Hatid na kita." alok ni Ranz
Sumang ayon na lang din ako dahil gustong gusto ko ng ilapat ang likod ko sa malambot na kama. Nakakapagod din pala maging tiga-cheer. Pero worth it naman hehe.