Wonderful Friendship
"Goodluck sa inyo ha. Mauuna na ako para buhatin ang mga noob kong kakampi." hambog na paalam ni Kian kina Ranz, "Oh kayong dalawa tara na." baling pa niya samin ni Kurt
Talagang pinipilit nitong E-sports ang panoorin namin at hindi ang basketball. Pero iyon naman talaga ang gagawin ko dahil gusto kong makita kung hanggang saan ang yabang niya.
"Sige na. Susunod kami doon pagkatapos ng laban. Goodluck!" tugon ni Ranz at tinapik pa si Prince
Matapos ang paalamanan ay naglakad na rin kami patungo sa Pavillion, doon kasi gaganapin ang e-sports tournament.
"Goodluck Prinsipe." pahabol ko pa
Humanap na kami ng magandang pwesto ni Kurt lalo at bracket B pa naman pala sina Kian. Nauna nang maglaban ang Gas 11 at Stem 11 na nasa bracket A. Mabuti na lang at naiintindihan ko naman ang takbo ng online game na Mobile Legends.
"Naiintindihan mo ba ang ml?" tanong ni Kurt
Tinaasan ko ito ng kilay. "Oo naman, master na kaya ako riyan." pagyayabang ko pa
Natawa naman ito. "Nice joke." sabi niya pa sabay gulo sa buhok ko
Ugh! Nakakainis. Di naman joke yun ah, achievement na kaya yung maging Master. Tsk!
Tumagal ng 15 minutes ang laban ng bracket A, panalo ang Stem 11. Kailangan na lang nilang hintayin kung sino ang mananalo sa Humms 11 at Abm 11 para kalabanin nila sa semis.
Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na ang team red kasama siyempre si Kian, at ang yellow team ng Humss 12. Matapos masiguradong maayos ang mga chord na nagkokonekta sa mobile phone at wide screen ay nag umpisa na rin ang draft picking at banning. Wow! Mythical glory with 5k points lang naman ang rank ni mokong. Pero balewala parin yun sa master rank ko.
Nauna sa picking ang red team at agad nilang ini-switch si Kian na gamit ang hero na si Wanwan.
"Nako po panalo na, wag na kayo umasa Humss." kompiyansang sabi ni Kurt
Mas lalo tuloy akong naexcite na makitang maglaro si Prinsipe.
Natapos na ang picking at mukhang na-pressure na ang kalaban noong makita ang title ni Kian. Philippines no. 2 Wanwan lang naman siya. Edi siya na may supreme title.
"Galing pala ni mokong ano?" bulong ko
"Sinabi mo pa." Mukhang proud na proud talaga itong si Kurt.
Nag umpisa na ang laro, 131 ang position ng red team dahil mayroon silang support. Mukhang palaban talaga dahil nakuha pa nilang mag invade ng red buff ng kabila. Makalipas ang limang minuto ay nakabasag na ng tower sa top lane ang yellow team, mukhang mas focus sila sa push, pero focus padin sina Kian sa mid hanggang sa mabasag nila ito.
"Killing spree," Tatlo agad Mercado? Edi ikaw na.
Malaki ang advantage ng team namin lalo't palaging nasa amin ang turtle at isa pa ay magaling din sa segway push ang fighter user namin na si Aiden.
Sampung minuto na ang nagdadaan at tanging mid at bot inhabitor turret na lang ang meron ang kalaban.
"Iyak na." pangangantyaw pa ni Kurt
Akala ko ay matatapos na ang kalaban pero mukhang nagkamali ng pasok ang tank namin.
"Wiped out."
Napasabunot pa sa ulo niya si Kurt. Lalo at diretso sa lord ang mga kalaban. Naunang nagresurrect si Kian at mag isa niyang tinungo ang lord.
"An enemy has slain lord."
Pero mukhang hindi talaga paawat si Mercado at sinagupa niya ang lima. Lalo at lowhealth na ang mm at fighter nila. Mabuti na lang at agad sumanib sa kaniya si Angela na gamit ni Andre.
"You have slain an enemy..double kill...triple kill...maniac...savage!"
Sigawan kami dahil dun. Lintik napaka-tapang mo naman pala Prince. Sinalubong niya rin ang lord at dahil naka-arrival ang fighter ay mabilis itong naka-sunod at nabasag nila ang mid inhabitor turret. Nag recall pa sila para ma-clear ang minion waves. Pero mukhang disidido na silang tapusin ang laban, segway lang sa top ang fighter habang nasa gitna naman silang apat. Hindi na rin nakaporma ang kalaban lalo at huli sila ng set ng tank namin, another triple kill for Kian.
"Unstopable...legendary," Talagang inubos niya pa yung lima bago nila basagin ang base ng kalaban. Wow! Nice core and nice team.
"See that coming." Pumapalakpak pa si Kurty boi.
Natanaw ko naman ang maangas na naglalakad patungo sa amin na si Kian. Well, may maipagyayabang naman talaga.
"Gusto mo bang autograph?" pabirong tanong niya sa 'kin
"Hmp yabang! Pero ang galing mo Prince, I mean ang galing ng team n'yo." puri ko dito
"Bobo 'no? Di ni-ban si Wanwan, di ka yata kilala." Natatawang bulong ni Kurt at naghagikhikan pa silang dalawa.
"Kian!"
Napalingon kami sa pagdating nina Ranz. "Nag savage ka pa raw ah." masayang salubong ni Rye
"Well," Nagkibit balikat pa siya. Hambog talaga. "Teka tapos na laro n'yo? Talo?" Binatukan tuloy siya ni Rye.
"Asa ka naman, natural panalo. Finals na tayo men." Pagbibida naman ni Miel.
Nag apir apir pa ang mga mokong.
Hindi na kami umalis doon sa pavillion lalo at kailangan ding pag aralan nina Kian ang galawan ng mga makakalaban nila. Natapos na rin ang bracket C at B. Ang GAS 12 ang makakalaban nila para sa semis na gaganapin mamayang hapon.
Ala onse na noong mag umpisa ang semis, excited na kami sa kung ano na ang kalalabasan, magagawa kaya ulit ng red team na maka-abante sa finals.
Unang ni-ban ng kalaban ang hero ni Kian kanina na si wanwan.
"Luh natakot?" Natatawang sabi pa ni Kurt.
Naunang nag-pick ang kalaban, granger ang unang pick nila.
"Hindi yan magco-core si Kian." ani Ranz
"Lancelot?" kunot noong tanong ko
"Kawawang marksman." tugon ni Miel sa 'kin
Mukhang kahit anong role ay kayang kaya ni mokong.
Gaya nga ng inaasahan namin ay parang nagpapraktis lang si Kian sa mga kalaban nila, pag nagsolo ka patay ka kumbaga. Magaling din ang tank at carry kaya talagang sawa sa kill si mokong.
Halos sampung minuto lang ang itinagal ng laban, mukhang nagsawa na sa kill si Prinsipe e.
"Bakit di ka nag savage?" salubong ni Hyun dito
"Nawili naman kayo. Mamaya na sa finals."
Matapos kaming kumain ng lunch ay bumalik na ulit kami sa pavillion para sa final game nila with Stem 11. At gaya nung mga nauna pang laro ng red team ay madali lang nilang naexecute ang kalaban. Si Kian ulit ang nagcore gamit ang hero na si Karrie, talagang punit ang ang makukunat na kalaban. Pero hindi gaya nung unang laro ay ang dalawang fighter ang nagdala ng laban, pareho kasi silang naka-arrival kaya salitan sila sa pagpush ng tower.
"Wow naman, competitive pala talaga itong 'bestfriend' ko. Congrats Prince, nice teamwork talaga." bati ko rito
"Pano ba yan mukhang ang pressure ay nasa inyo na ngayon lahat Ranz." dagdag ko pa
"Hays. Gusto mo mag dunk pa ako bukas e. Ang mabuti pa, ngayon pa lang i-congratulate n'yo na kami." hambog na tugon ni Rye
"Hmp porma!" panunuya pa ni Kurt
Kinabukasan din ay maagang inumpisahan ang finals ng basketball, Stem 11 ang makakalaban nina Ranz. Halos pantay lang naman pagdating sa height at laki ng katawan, pero siyempre depende parin sa teamwork at skills ng bawat player yan.
Natapos ang unang quarter na may labing dalawang kalamangan ang red team pero bumaba sa iyon sa lima sa pagtatapos ng half time.
"Huy bounceback!" sigaw ni Kurt sa kanila
Sa pag uumpisa ng 3rd quarter ay tila mas lalong nahirapan sina Ranz at nalamangan na sila ng pito ng Stem. Makapigil hininga talaga ang laban lalo na nung nag 4th quarter.
"Mendez for three...bang!"
Pero agad namang sinasagot ni Alejandro ang mga tres na yun.
"Ipinasa kay Alejandro... Itinira and threeee!"
Palaging ganun ang siste, nagpapasikatan nga yata yung dalawa sa pagtira ng tres. Sa mga huling segundo ay kompiyansa na kaming mananalo na ang red team via one point lead. Hindi na rin pwedeng mag foul ang kalaban dahil penalty na sila.
May natitira pang 5 seconds sa shot clock para sa kalaban, pero mukhang hindi na sapat iyon.
"Lavadioso itinira–"
Nanahimik kami dahil sa nangyari, dahil sa halip na sunugin ang 5 seconds ay itinakbo pa iyon ni Lavadioso at di pa man nangangalahati sa court ay buong lakas niyang inihagis ang bola. SHOOT!
"What the fvck!" bulalas ni Kurt
Maging sina Ranz ay di mapakali, sinisigurado pa kase ng commitee kung pasok ba sa oras ang tira na yun. Nagkaroon pa ng replay, at bago pa man mag zero ang shot clock ay tumama na ang bola sa ring. Counted!
Agad naghiyawan ang mga naka-maroon na nanonood doon, habang nagdidiwang din ang player ng Stem 11. Bagsak naman ang mga balikat nina Ranz, hindi makapaniwala na natalo pa sila sa last 5 seconds na yun. Buzzer beater eka nga.
"Fvck it! Bullshit!" mura pa ni Kurt
Mapait man ang naging pagkatalo ay nakipagkamay padin ang red team sa mga nanalong player ng maroon team. Di na masama, dahil tila pinaburan lang naman sila ng anghel ng ring.
"Guys!" Pagkuha ko ng atensyon nila, malungkot ang mukha nilang lumapit sa amin. "Tss, what's with the long face? Ang gagaling n'yo kaya. Sadyang pinaburan lang sila ng anghel." pabulong na sabi ko. Kahit papaano naman ay napangiti sila.
"I'm sorry guys, hindi namin inasahan yun. Masyado kaming nakompiyansa." Puno ng panghihinayang ang mukha ni Ranz
Inakbayan naman siya ni Kurt na kanina lang ay tila napipikon. "Shut it! Bubugbogin na lang natin si Leeroi." pabirong sabi nito
Sa pagkakaalam ko kasi ay team mates nina Ranz si Lavadioso sa varsity, nasa party kasi ito noon kina Kurt.
"Hoy Leeroi, lika nga dito!" Binatukan ni Kurt si Leeroi na mukhang masayang masaya.
"Galing mo bro." puri ni Miel dito
"Ginabayan lang ng anghel, nice game din sa inyo." tugon niya
Napatingin naman sa 'kin ang mga kaibigan ko. Sabi sa inyo ginabayan lang ng anghel e.
Matapos ang basketball ay nagkaroon naman ng boodle fight sa room namin. Kahit naman natalo kami sa basketball ay bawi naman sa iba't ibang laro.
Pagdating ng hapon ay para sa awardings na, nakaka-proud na nakaka-inggit dahil lahat ng kaibigan ko ay umakyat sa stage para kunin ang award nila. Wala bang award para sa supportive na kaibigan? Best cheerer ganun?
Nagkaroon pa ng pa-concert ang banda ng Stem 12. Pero dahil hindi talaga padadaig ang mga kaibigan ko, kailangan mayroon din silang moment. Umakyat sa stage sina Miel, Rye at Kian dala na rin ng kantyaw ng buong Abm. Nasa drums si Rye, habang sa guitar naman si Miel at siyempre ang bokalistang bwisit na si Kian.
Hindi ko mapigilang mamangha noong umpisahan ni Miel ang paghagod sa gitara sa tono ng kantang Sweet child of Mine. As in para akong nanunuod ng live concert. Napaka-talented naman ng mga kaibigan ko.
"Nag enjoy kaba?" bulong ni Ranz sa 'kin
Tumango tango naman ako at ngumiti."Sobra. Sobrang proud ako sa inyo." Nilakasan ko pa ang pagkakasabi nun para marinig din nina Hyun at Kurt.
Ngumiti sila sa akin at muling ibinaling ang tingin sa entablado.
Ang dami kong natuklasan at nasaksihan na talento nila dahil sa sportsfest na ito. They can do a lot of things, at talaga namang nag-e-stand out sila sa mga pinipili nilang larangan. Hindi na nakapagtataka kung bakit marami ang humahanga sa kanila. Pero bukod sa abilidad na meron sila ay may isa pa akong sobrang hinahangaan, yung pagkakaibigan nila. Kung paanong iwinaksi ni Kurt ang takot niya para lang maisalba ang team, at kung gaano sila kakompiyansa sa kakayahan ni Hyun at Kian. At kahit natalo pa ay wala kang maririnig na sisihan, talagang sabay sabay silang aangat at magniningning. Napaka-priceless ng pagkakaibigan na meron sila. And I am so grateful and proud to have them as my friends.
I am so lucky to be part of their wonderful friendship.
"Kila, kinikilig ka na naman sa boses ko."
Siraulong Kian talaga. Pero infairness nakakainlove nga talaga, yung boses lang ah.