Chapter 21

1805 คำ
Invitation Card Kila NASA hapag kainan kami nina mama at papa para sa dinner. And as usual palitan ng mga kwento sa kung anong mga ginawa namin sa maghapon. Typical family dinner kumbaga. "Kila, birthday na nga pala ni Max sa sabado. Wala pang invitition letter pero sabi ng tita Jana mo, bakantehin na raw natin ang araw na yun. Eh kaso hindi puwede ang papa mo kaya tayong dalawa na lang. " "Sabado po?!" ulit ko pa Rumihestro naman ang pagtataka sa mukha nila dahil sa reaksyon ko. "Bakit may lakad ka?" tanong ni papa "Yun nga po e. Nag aya na magpunta sa Halimuyak falls sina Ranz sa sabado at naka-oo na ako." "Yun lang pala. Puwede n'yo namang puntahan yun sa linggo o sa susunod na sabado. Di naman mawawala ang falls. Saka 7th birthday ni Maxene yun, panigurado magtatampo sa 'yo ang bata pag di ka nagpunta." saad ni mama Natahimik naman ako. Ayokong magpunta dun, ibig kong sabihin ayoko makita ang buwisit na kapatid ni Max. "At saka saan pala yang Halimuyak falls na yan?" tanong pa ni mama "Sa Mount Carmen daw. Eh Ma, anong oras po ba? Naka-oo na kasi ako sa mga kaibigan ko . Baka sila naman ang magtampo sa 'kin." "Eh wala pa nga ang invitation. Pero mamaya itatanong ko kay Jana. Basta kailangan mong pumunta." pangungumbinse pa nito Tumango na lang ako para sa pekeng pagsang ayon. Nakokonsensya rin ako kung di ako pupunta, si Max yun e. Sabagay puwede ko namang dedmahin at ituring na invisible yung bwisit niyang kuya, and in the first di naman talaga namamansin yun. Okay fine, pupunta akong falls at birthday sa sabado. Pagkatapos kumain ay nag goodnight na ako kina mama, umakyat na ako sa kwarto ko at nanuod ng p**n. De joke lang, action movie pala. Maya maya ay narinig ko ang pagtawag ni mama sa labas ng kwarto, kaya tumayo ako para pagbuksan ito. "Nakausap ko na si Jana, 2pm daw ang start. Ano? Pupunta ka naman diba?" patanong pero tila pautos na sabi niya "Opo pupunta ako. Aagahan na lang namin pagpunta sa falls." sagot ko na agad nagpangiti kay mama, "Sige na baby, goodnight." Kaya naman siguro yun? Kaysa naman hindi ko puntahan ang isa sa kanila. Kakausapin ko na lang sina Rye, para maaga kaming makauwi. Kinabukasan ay maaga ulit akong pumasok. Payapa lang akong naghihintay sa upuan ko sa pagdating ng mga mokong. Hindi rin nagtagal ay isa isa na silang nagdatingan, liban pala kay Hyun at Kurt na laging magkasabay. "Guys, anong oras pala tayo aalis sa sabado?" pag uumpisa ko "After lunch. Para darating tayo dun ng quarter to 3. Alam mo Kila maganda kasi pag hapon dun, dahil bukod sa kaunti na lang ang turista ay matutuwa ka din sa paghalimuyak ng mga ilang ilang sa paligid ng falls." paliwanag pa ni Rye "Ah kaya pala tinawag na Halimuyak falls." sabi ko Tmango naman sila. "Ano kasi, baka puwedeng umaga tayo magpunta. May kailangan kasi akong puntahan sa hapon." Agad namang tumabang ang mga mukha nila. "San ka naman pupunta?" tanong ni Miel "Sa birthday. Sinama ako ni mama, kasi alam n'yo na family friend ganun. Pero alas dos pa naman yung umpisa ng party." paliwanag ko Tumango naman sila sa sinabi ko. "Uhm. Abot naman siguro, alis na lang tayo ng before 7." sabi pa ni Ranz "Sayang naman di mo maeexperience ang totoong pag halimuyak ng mga ilang ilang." napa-pout pa si Rye "Puwede naman tayong bumalik ulit dun." Ngumiti na lang sila saka napakibit balikat. Naging maayos naman ang plano naming outing at makakapunta pa ako sa birthday ni Max. Pero kahit ano namang mangyari ay di rin ako makapapayag na di makapunta sa espesyal na araw ni Max. Kahit pa nga harangan ako ng sibat ng bwisit niyang kuya. Sa totoo lang ay ang daming naglalaro sa isipan ko. What if kaladkarin na naman ako ni bwisit? What if kung anu-ano na namang sabihin niya? Ang daming tanong sa utak ko, pero isang bagay lang ang sigurado ako. Yun ay ang hindi niya ikatutuwa ang makita ako sa party ni Max. Hays! Papalapit na ako sa puno ng mahogany na madalas kong pinupwestuhan sa field ng matanaw ko na may nakaupo roon. Teka tama ba itong nakikita ko? Kailan pa nakahiligan nitong tumambay sa field? Inilihis ko ang lakad ko at saka umikot sa likuran niya sabay takip sa mata ni mokong. Pero ni hindi man lang ito nagreact. "Kanina pa kita nakita. Psh!" buryong na sabi ni Kian Inialis ko na kamay ko sa mata niya at saka naupo sa tabi nito "Kala ko sa library ang punta mo? Bakit ka nandito?" "Bakit ikaw lang ba puwede pumunta sa field?" pagsusungit nito Nakatitig lang siya sa field na tila kay lalim ng iniisip. "Si Yvette?" tanong ko Agad siyang bumaling sa 'kin. Ayan na naman yung masama niyang mga tingin. "Bakit ko naman iisipin yun? Parang sira..." Inakbayan ko ito at saka ako ngumisi ng malapad. "Alam mo kung pinipigilan mo yung feelings mo dahil sa ugaling bruha ni Yvette. Para kang walang balls." Agad tumabang ang mukha nito dahil sa sinabi ko. "At isa pa Prinsipe, kung minsan may malalim na dahilan kung bakit nagiging pangit ang ugali ng isang tao. Wala namang batang pinanganak na masama diba?" Sa halip na sumagot ay bumuntong hininga ito. "Alam mo yung mga tulad ni Yvette, sila yung mas nangangailangan ng pag intindi at pagmamahal. Kaya wag kang matakot na pasukin ang mundo niya." dagdag ko pa at niyugyog si Kian "Ibang klase. Hindi ko inaasahan na sa 'yo ko pa maririnig 'yan. Parang hindi kayo nag aaway ah" sabi nito at ngumiti "Oo nga 'no? Pag nagkataon pala na nagkatuluyan kayo, edi dalawa na kayong mambu-bwisit sa 'kin. Hays wag na lang pala, kalimutan mo na mga sinabi ko kanina." pabirong sabi ko na muling ikinasama ng tingin nito "Hmmm ewan ko sayo!" sabi nito at tumayo, "Tara na?" tanong niya sabay alok ng kamay "Mauna kana. Kakarating ko lang e." Imbes na umalis ay muli itong naupo sa tabi ko. Nakaupo lang kami roon at pinagmamasdan ang kalawakan ng field ng hindi nag uusap. Mukhang pinag iisipan niya ang mga sinabi ko. **** Kasalukuyan akong nagpapahinga sa kwarto ko noong marinig ko ang pagkatok ni Nay Andi. "Hija may bisita ka." sabi pa nito. Bumangon naman ako at pinagbuksan siya ng pinto. "Bisita?" "Oo. Yung batang maganda." L Napakunot naman ako at saka naglakad na pababa. Posible kayang... "Ate barbie doll!" pasigaw na tumakbo palapit sakin si Max "Baby barbie doll, bakit ka nandito?" tanong ko at ginulo pa ang kaniyang buhok Inaya ko rin siya sa sofa. At base sa kaniyang itsura ay mukhang kagagaling lang niya sa school, naka-uniporme pa. "Bibigyan po kita invitation. Ate, punta ka sa birthday ko ha. Magagalit ako pag di ka nagpunta." sabi nito at nagpout pa Pinisil ko naman ng marahan ang kaniyang pisngi. "Siyempre naman pupunta si ate. Bakit ko naman hahayaan na magtampo ka sa 'kin?" Ngumisi ito ng napaka-cute saka muling yumakap sa 'kin. "Sino pa lang kasama mo baby?" tanong ko pa "Si kuya po. Pero naiwan siya sa kotse." Ahh kasama niya pala ang bwisit. Pano naman kaya nalaman nun ang bahay namin? Baka kay tita. Hmp don't care. "Baby, gusto mo ba mag meryenda? Juice or anything?" Mabilis siyang umiling. "Sabi ni kuya 5 minutes lang daw dapat ako. Ito po ate ang invitation card." sabi pa nito at kinuha sa bag ang card. Tumayo na ito at mukhang aalis na rin. "Sige Max, hatid na kita sa labas baka naiinip na ang kuya mo." Tumango naman siya. Nakakapit pa ito sa braso ko habang palabas kami. Naabutan naman namin na nakasandal sa kotse si Jix. "Kuya say hello to ate barbie doll." Tinapunan lang ako ng walang emosyon na tingin ni Jix at pinagbuksan na ng pinto si Max. "Bye ate. Sa saturday po ah, wag niyo pong kakalimutan." Kumaway pa ito at natawa naman ako sa sinabi nito. Pagkasara ni Jix ng pinto ng kotse ay agad kong pinawi ang mga ngiti sa labi ko. Muli itong tumingin sa 'kin pero sa puntong iyon ay hindi na blangkong mga mata ang gamit niya. Para siyang may gustong sabihin pero napapangunahan siya ng pag aalinlangan. Tinaasan ko ito ng isang kilay na nagpaiwas sa kaniya ng tingin. Matapos nun ay tinalikuran niya na ako at sumakay sa kaniyang kulay abong kotse. "Tsk!" bulong ko Alam ko naman na kung ano ang sasabihin nya. Wag akong pumunta sa party ni Max. Alam na alam ko na yun. Pumasok na ako sa loob at tiningnan ang invitation letter. Aba at kasama pa ako sa 7th candle ah. Ngingiti ngiti pa ako habang tinitingnan ang pictures ni Max noong maalala kong wala pa nga pala akong regalo para dito. Ngayon na ako bibili. Pumanhik na ako sa kwarto at nagpalit ng damit. Ako na lang ang nagmaneho para makapaglibang naman ako. Ano kayang bibilhin ko kay Max? Damit? Laruan? Madami na siya nun e at siguradong iyon din ang matatanggap niya sa mga magreregalo. Bahagya akong napangiti noong maisip ko kung ano ang puwede ang iregalo. Penny board. Lumabas na ako sa mall at sumakay sa kotse, mabuti na lang at may alam na akong board shop dito. Makalipas ang limang minuto ay narating ko na ang Butowski board shop. Dito ko rin kase binili si siete, ang ikapitong board ko. "Akila Cayne, nice to see you again." bati ni Kit sakin at nakipagkamay. "So anong maipagsisilbi ko sa 'yo?" "Balak ko sanang bumili ng board, panregalo lang sa isang 7 years old na batang babae. May penny board ba kayo?" Tumabang ang mukha niya. "Penny board? Alam mo namang hindi advisable yun sa mga beginner." "I know. Pero hindi naman kasi pwede sa ganoong sports ang bata, kumbaga laruan o libangan niya lang." paliwanag ko, "Sige na, labas mo na yung best quality ng penny niyo dito." Tumalima naman si Kit at sa pagbabalik niya ay may bibit na siyang 27" peppermint penny board. Ang cute. "I love the color, was it really good?" tanong ko habang sinisipat ang board "Ofcourse! Nagbebenta ba ako ng hindi good." pabirong sagot niya "Kay, kunin ko na yan." Nangingiti pa ako habang pinagmamasdan ang penny board. Sana naman ay magustuhan ni Max ang regalo ko sa kaniya lalo at sobrang sarap sa mata ng kulay nun.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม