I'll come with you
Nagising ako sa tunog ng alarm clock, it's 6am na. Nag inat muna ako bago tuluyang pumasok sa cr, para mag toothbrush at maligo. Panay pa ang hikab at halos malaglag pa ang ulo ko dahil sa antok. Hindi talaga ako sanay na gumising ng maaga pag sabado, lalo't nagmovie marathon pa ako kagabi. Tsk! Bakit pa kasi ako nagpuyat?
Parang nabuhay naman ang dugo ko sa warm water na tumutulo mula sa shower. "Hays!" bulalas ko pa sabay stretch sa mga kamay ko. Paniguradong mapapagod ako ngayong araw.
Pagkatapos maligo ay naghanap na ako ng isusuot ko. Nagsuot ako ng kulay itim na padded brallete na sinusunan ko ng white loose shirts na may skateboard print. Sa pangbaba naman ay nagsuot lang ako ng high waist short at kulay gray na sandals naman para sa pang paa.
Blinower ko lang ng sandali ang buhok ko saka nag apply ng liptint.
Natapos akong maghanda at 6: 40 am. Dinampot ko na ang sling bag ko na naglalaman ng cellphone at cash pati na rin ang paper bag na pinaglalagyan ng damit pamalit at iba pang mga kakailanganin kong gamit. Bumaba na ako at naabutan kong nagbe-breakfast na sina mama at papa.
"Good morning ma, pa."
"Oh ready ka na pala. Magbreakfast ka muna, wala pa naman ang mga kaibigan mo." anyaya ni mama
Lumapit naman ako at agad naupo sa tabi ni Papa. Pinaghain ako ng pancakes at bacon ni mama. Pero mas pinili ko ang fried rice at hotdog. I need a full stomach. Nakakatatlong subo pa lang ko ay may narinig na akong pagbusina mula sa labas kay agad na akong tumayo para labasin ang mga mokong. Ayoko na silang papasukin pa dahil paniguradong magkakaroon pa ng mahabang usapan sila nila mama. At isa pa baka pagtulungan na naman nila akong asarin sa sarili naming bahay. Tsk
"Ma, Pa, alis na po ako." sabi ko at mabilis na lumabas
Narinig ko pa ang pagtawag ni mama sa 'kin pero di ko na ito nilingon. Natanaw ko na ang mga mokong, lahat sila ay naka shorts at ang pantaas ay tshirt o di kaya'y polo shirt.
"Hey!" bungad ni Rye na may akbay na babae, "This is Kamira." pagpapakilala niya sa kasama
Tipid ko itong nginitian na ngumiti rin pabalik.
"Teka, mag hi muna kami kina tita." ani Kian
"Wag na. Aabutin pa ng siyam siyam ang batian n'yo e." pagpigil ko
Nakita ko namang nagawi ang mata nila sa bintana namin at nakita kong kumakaway dun si mama na kinawayan naman nila pabalik.
"Tara na." aya ko pa
Nagsipag sang ayon naman sila. Pinagbuksan pa ako ni Ranz ng pinto ng kotse niya. Si Hyun naman ay nasa sasakyan ni Kurt, habang si Miel ay na kay Kian.
"Let's go?" tanong ni Ranz
Tumango naman ako at saka ngumiti ng malapad. "G!"
Binuksan pa nito ang roof ng kotse niya bago tuluyang paandarin ang sasakyan.
"Mukhang excited kang mag out of town ah." sabi ni Ranz habang nasa kalsada ang tingin
"Siyempre naman. Nakaka-stress na rin ang happenings lately, kaya masaya ako na makakapag unwind ako." tugon ko at ngumiti, "Ay may kasama nga pala tayong nagbibigay sa 'kin ng stress." dagdag ko noong maalala si Kian
Natawa naman si Ranz dahil sa sinabi ko. "Masaya ako na makita kang masaya Kila."
Napa-make face na lang ako at kalaunan ay nangiti rin.
Binuksan ni Ranz ang music na mas lalong nagpasaya sa amin, sinasabayan pa namin ang kantang Old Town Road habang itinataas ko pa ang kamay ko sa hangin.
Ahh bye for now La Cuervo.
Maya maya ay nakita ko ang pag signal ni Kurt na nasa unahan namin, ah mukhang tutulungan nito ang tila nasiraan ng kotse na nasa gilid. Napansin din siguro ni Ranz yun dahil nag slow down din ito at sinundan si Kurt. Kaming dalawang sasakyan lang kase ang convoy dahil sa Rye ay masiyado yatang mabilis ang pagpapatakbo habang si Kian naman ay kabaliktaran.
"Good samaritan Kurty boi?" may pang aasar na tanong ko
"Well." sagot niya at nagkibit balikat
Nilapitan namin ang driver ng kotse na may inaayos sa makina nito, mukhang hindi niya kami napansin dahil nakataas ang hood ng kotse.
This gray car seems familiar ah..
"Uhm excuse me? Do you need help?" tanong ni Kurt
Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko noong makita kung sino ang lalaking nasiraan ng kotse. Mukhang nagulat din ito pero gaya ng dati ay mabilis na naging blangko ang kaniyang expresyon.
Shit! Ganoon na ba kaliit ang mundo?
"Ji— Mr. Montereal?!" nanlalaki rin ang mata ni Hyun
Napa ismid naman ako nung dumako ang mata nito sa 'kin.
"Uhm kung kailangan mo ng tulong, puwede ka naming hilain. May car repair na malapit bago dumating sa Fuentabela." alok ni Ranz
Napaka-bait talaga kahit pa bwisit itong inaalok niya ng tulong. Ni hindi man lang nagbago ang blangkong mukha ni Jix. Nakatingin lang ito sa amin na parang timang.
"Mukhang hindi niya naman kailangan ng tulong guys. At isa pa malayo pa ang iba-byahe natin. So, lets go." sabi ko at tumalikod na upang bumalik sa kotse ni Ranz
Pero bago pa man makahakbang ay naramdaman ko ang paghawak sa wrist ko. Agad akong lumingon... and s**t ano na naman bang trip nito?
"You know today is Max–"
"Mr. Jix Montereal, tulong ang inaalok namin sa 'yo hindi ang kaibigan namin." bakas ang inis sa boses ni Kurt
Hinawakan pa nito ang wrist ni Jix na nakahawak sa 'kin, pero mas lalo lang tumindi ang hawak niya sa akin.
"Mr. Montereal ayaw namin ng gulo. Kaya pwede bitawan mo ang kamay ng kaibigan namin." sabi pa ni Ranz na tila may pagbabanta
Mukhang hindi patinag itong bwisit na 'to ah.
"Ano bang– Uh! Potek! Yah!"
Napatingin naman kaming lahat sa kararating lang na si Kian na gulat na gulat sa sitwasyon na naabutan niya. Nasa likod din nito si Miel.
Muli kong hinarap si Jix, "Kung gusto mo akong makausap ng maayos, bitawan mo ako. Dahil kung hindi, anim kaming sasapak sayo rito." mariin at seryosong sabi ko
Naramdaman ko naman ang unti unti niyang pagbitaw. Matapos nun ay naglakad na siya pabalik sa harapan ng kaniyang kotse. Hahakbang na dapat ako para sundan ang bwisit pero hinawakan naman ni Ranz ang kamay ko.
"It's okay. Sandali lang ako." sabi ko at tipid na ngumiti
Iniwan ko na sila doon na may mga mukhang naghahanap ng paliwanag.
"Oh ano na namang issue mo sa buhay ngayon ha?!" Naka-cross arms pa ako nung harapin ko ang bwisit.
Tinapunan na naman ako nito ng blangkong mga titig. "Where are you going?" mahinahong tanong niya
Bahagya naman akong natawa. "Huh? Bakit dapat na ba akong magpaalam sa 'yo ngayon kung saan ako pupunta?" may panunuya na tanong ko
"No. Pero alam mo namang inaasahan ka ni Max."
"Ahhh so iniisip mo na di ako pupunta sa party ni Max?"
Hindi ito sumagot pero sapat na ang pagkakaroon ng kaunting emosyon sa kaniyang mata na sagot sa 'kin.
"Bakit naman ako hin–" Napahinto ako nung may naisip akong magandang ideya. "Oh, ano naman ngayon kung hindi ako magpunta? Hindi ba matutuloy ang party pag wala ako? At saka paano naman ako pupunta kung may isang tao na ayaw na ayaw sa presensya ko. Hays. Siguradong magtatampo si Max sa 'kin, pero anong magagawa ko? May isang taong ayaw na pumunta ako." nagpapa awa effect pa ako saka nagbuntong hininga
Nakita ko ang pagtiim bagang at mabilis na pagpapakawala ng buntong hininga ni bwisit. "I-I'm sorry.. I'm sorry sa mga sinabi ko sa 'yo and thank you sa mga ginawa mo para sa 'kin." Naaalangan na sabi niya.
Di ko na napigilang mapahalakhak.
"Tsk. Stop the drama. Di ko kailangan ng pekeng sorry at thank you mo." panunuya ko
Teka, sa kaniya ko natutunan ang linyahang yun ah. Payback time!
Muling nagtiim ang bagang nito. "Just do it for Max."
Tila nafu-frustrate na ito.
"Akala mo ba talaga hindi ako pupunta? Tsk! Hoy, fyi kahit harangan mo pa ako ng sibat pupunta parin ako para kay Max."
Tinitigan lang ako nito na para bang kinikilatis kung nagsasabi ako ng totoo.
"Hoy! Wag mong sabihin na di ka naniniwala? Matitiis ko ba si Max?" nangungunot na ang noo ko
Pero mukhang hindi parin ito kumbinsido.
"Bahala ka diyan!" Tinalikuran ko na siya at akmang aalis na pero muli niya na namang dinakma ang wrist ko.
Ano na naman?
"I'll come with you." mahinang sabi niya
Mabilis akong napaharap sa kaniya. "Ano?!"
"I want to make sure na pupunta ka nga. So let me come with you." ulit pa niya
"Jix!"
"Kila, buhay ka pa ba?" narinig kong si Kian. Pero di ko ito sinagot.
"A-Anong sasama ka? Bakit close ba tayo? Close mo ba mga kaibigan ko? Nahihibang ka na." inis na sabi ko
Sa halip na sumagot ay hinila na ako nito pabalik sa mga kaibigan ko.
"She wants me to come with you." sabi nito sa mga kaibigan ko
Pare pareho kaming nanlaki ang mga mata. Medyo matapang din ang hiya nito.
"Mr. Vermillion ikaw ba ang hihila ng kotse ko?" tanong nito kay Kurt na gulong gulo na sa pangyayari
"H-Hindi. Ayon yung hihila sa 'yo." sagot nito at tinuro ang kotse ni Kian
"Bakit ako?!" nanlalaki ang mga mata ni Kian pero wala sa amin ang sumagot
Umalis na si Jix sa harap namin at bumalik sa kotse niya.
"Akila Cayne ano bang nangyayari? Bakit mo siya inaya? Ano..." tanong ni Miel
Napabuntong hininga na lang ako. Kailangan ko nang magpaliwanag.
"Okay. Ganito kasi, yung birthday na pupuntahan ko mamaya ay sa kapatid ni Jix na si Max. Yung bata na yun, she is so fond of me kaya hindi puwede na wala ako sa party niya. Then ito namang si bwisit, akala niya hindi ako pupunta dahil nga maga-out of town tayo. Sinabi ko namang pupunta ako, pero hindi parin siya naniwala kaya iyan. And hindi ko siya inaya okay." paliwanag ko pero mukhang mas lalo lang silang naguluhan
"Ano? Akala ko ba parents n'yo lang ang may koneksyon? And lets say kunwari nage-gets na namin yung sinasabi mo. Pero bakit n'ya pa kailangan na sumama? Parang hindi naman yan ang Jix na kilala namin." naguguluhang si Kian
"Alam ko mahirap paniwalaan but Jix is a loving brother. Kaya ayan, tingnan n'yo naman kung ano ang kaya niyang gawin para kay Max. He really wants to make sure na makakapunta ako sa party."
Mukhang kahit anong paliwanag ko ay hindi parin mag sink in sa utak nila ang sinasabi ko.
"So kailangan talaga natin siyang isama?" tanong ni Ranz
Napalingon naman kami dahil sa pagtighim ng bwisit.
"Pwede mo bang ilapit ang kotse mo?" sabi ni Jix habang nakatingin kay Kian
Unbelievable! Kailan pa siya nakipag usap ng formal sa iba? Sa sobrang inis ko ay hinila ko ulit ito palayo kina Ranz.
"Baliw kana ba? Sinabi na ngang pupunta ako diba? Di mo na kailangan sumama." napipikon na sabi ko
"Stop overreacting. Its not like I want do this, I just have to. So sabihan mo na yung kaibigan mo na iayos ang kotse niya." utos pa nito sa 'kin
Ang tapang talaga ng hiya.
"Fine! Tutulungan ka namin pero hindi ka sasama. Malinaw?"
Nakita ko ang tila pagtalim ng mga mata nito.
"If you won't let me come with you, then you're also not going with them." mariin na sabi pa niya
Napasapo na lang ako sa noo ko. Lintik ang kulit, ilang beses ba siyang inire ni Tita Jana?
"Kila, time is running." narinig kong sigaw ni Kurt
Iniwan ko na si Jix at bumalik sa mga kaibigan ko.
"Kian, sige na imaniobra mo na ang sasakyan mo papunta sa harapan ng kotse ni bwisit." utos ko
Pero mukhang wala sa plano nito ang sundin ako.
"Bakit ako ang hihila? Eh diba kayo naman ang huminto para tumulong? Malas naman oh!"
Inagaw ko na lang ang susi sa kamay niya at saka ko minaniobra ang sasakyan. Mabilis namang ikinabit ni bwisit ang chain sa dalawang sasakyan.
"You know guys, we can just abandon him here." suhestiyon ni Miel
Oo nga, puwede yun. It's not like mamamatay siya pag iniwan namin siya rito.
"Nag alok tayo ng tulong so kailangan nating ibigay sa kaniya yun." sambit ni Ranz
Natameme naman ako dahil sa mga naisip ko. Sana lahat katulad niyang malawak mag isip.
"At okay lang naman sigurong isama natin siya. Its not like magiging sagabal siya sa atin. At mas mabuti na yun kaysa magtapon tayo ng oras sa kakadiskusyon dito." dagdag pa ni Ranz
Mukhang wala naman na ang makakatutol pa sa mga sinabi niya.
"Okay then, magpatuloy na tayo sa outing natin. Don't let him ruin our first out of town with Kila." dagdag pa ni Kurt at ginulo ang buhok ko
Naging maayos din sawakas. Nasa loob na ng kotse niya si bwisit at hinihintay na lang na umandar si Kian. Pinauna na namin si Kurt, habang naka-convoy naman kami kay Kian na masama ang loob. Paano nga namang hindi sasama ang loob e siya itong hindi nag alok ng tulong pero sa kaniya pala ang responsibilidad.
"It'll be a memorable outing." sabi ni Ranz at ngumiti, "Still can't believe na ganun na pala ka-deep ang connection mo sa mga Montereal."
Napabuntong hininga naman ako. "Si Max kase sobrang cute at sweet na bata, kaya hindi mahirap na ma-fall sa charm niya." tugon ko saka pilit na ngumiti, "I'm sorry nga pala. Bukod sa nadelay yung biyahe natin nagdala pa ako ng bwisit."
"Sabi nga ni Kurt, Jix can't ruin our first out of town. Hayaan mo siyang ma-op sa 'tin hindi yung tayo ang mai-intimidate sa kaniya."
Nagpakawala ako ng buntong hininga at saka ngumiti. Tama, bakit ako magpapa-apekto sa presensya niya? Tsk!
Makalipas lang ang ilang metro ay nakarating na kami sa car repair shop. Bumaba muna kami roon, nakita ko ang sama ng mga tingin sa 'kin ni Kian. Bakit parang kasalanan ko?
"I guess you're the only one who can give me a ride." sabi ni bwisit kay Ranz
Agad namang nagsiiwas sina Kurt at Kian.
"Oo, si Ranz yan lang ang mabait samin." buyo pa ni Kian
"Okay." simpleng tugon ni bwisit at matapang ang hiya na pumasok sa kotse ni Ranz
"Bwisit!" bulong ni Ranz
Akala ko ba, you won't be intimidated hmm.
"Dun ka na lang kay Kian?" tanong pa nito sa 'kin
"No! Di ko yan matatanggap sa loob ng sasakyan ko. Hyun, dito ka sa 'kin." protesta nito at hinila si Do Hyun.
"Fine! Kala mo naman gusto ko sumakay sa kotse mo."
Sa halip na sumagot ay nagbelat ito at hila hila si Hyun na bumalik sa kotse niya.
"Goodluck bro." natatawang si Kurt at tinapik pa si Ranz sa balikat
Bagsak ang balikat itong sumakay sa kotse niya kung saan prente ng nakaupo ang bwisit.
Pinagbuksan na rin ako ng pinto ni Kurt. "Disadvantage of being kind." sabi pa nito pagka-sakay
"Ikaw naman. Alam mo hanga nga ako kay Ranz e, napaka lawak ng pang unawa niya." tugon ko na nagpatabang sa mukha niya
Nag smirk pa ito. "Whatever. Basta ako, masaya ako." sabi nito at pinakita pa sa 'kin ang napakaganda niyang ngiti
"Masaya ka na kasama natin si Jix?" kunot noong tanong ko
"Hell no!"
Di na ako nag usyoso pa sa kung bakit siya masaya. Baka sa kalokohan na naman mapunta ang usapan namin.
"Nga pala Kila, gusto mo mag vape?" tanong nito at saka tumawa ng may pang aasar
Agad ko itong kinurot sa tagiliran. Tsk, he can't still move on huh.
"Buti pala hindi ka nagdala ng babae mo 'no? Edi wala sana akong masasakyan, lalo't nabubwisit sa 'kin si Kian." pag iiba ko
"Edi iiwan ko sa gitnang kalsada yung babae, para sa 'yo." sabi pa nito at muli akong nginitian
"Heh! Ewan ko sayo." naaasiwang tugon ko
Puro kalokohan ang pinagsasabi.
Habang nasa biyahe ay di ako tinigilan ni Kurt ng pangbubuska. Sinabihan ko pa siyang buksan ang music para malibang kami pero inaantok daw siya sa music at mas gusto niyang asarin ako para raw hindi siya antukin. Seriously antukin at this early morning? He's a weird one tho.
Mabuti na lang at makalipas ang almost one in a half hour na biyahe ay narating na namin ang aming destinasyon, mag aalas nuebe na din. Medyo traffic pa kasi sa Fuentabela lalo't umaga.
Probinsyang probinsya na nga talaga ang Mount Carmen. Madaming puno sa paligid at kahit papaano ay presko ang hangin. Sa tapat ng pinagparadahan namin ay ang ilang benches and bang houses, meron ding cubicles ng cr na siguro ay para sa pagbabanlaw at pagbibihis. At siyempre ang iba't ibang nagtitinda ng pagkain. May street foods, chips, local delicacies at ang talagang umagaw sa atensyon ko, pares at mami. Madami ring iba pang turista doon so I can say that this falls is quite popular.
"Hey!" sigaw samin ni Rye, "What took ya'll so long?"
Hindi pala bumaba si bwisit at nanatili sa loob ng kotse ni Ranz. Tsk bahala siya.
"We'll explain later. So, are we gonna eat or diretso na sa falls?" tanong ni Kurt
"Kumain muna tayo, gusto ko matikman ang pares nila rito." naeexcite na sabi ko.
Nangunot naman ang mga noo nila.
"You mean iyon? Yung nasa trike?" tanong ni Rye
"Oo. Bakit di ba kayo kumakain niyan? E ano pala kakainin natin?" tanong ko pa
"May local restaurant dito, 50 meters away." sagot ni Ranz
"Tsk. Magsasayang pa kayo ng gas eh ayan na nga oh. Pares at mami, tara na mukhang masarap e." aya ko pa pero mukhang hindi sila kumbinsido
Literal na rich kid talaga ang mga kaibigan ko.
"Is that clean and safe to eat?" bulong na tanong ni Kurt
Natawa naman ako rito. "Ang mabuti pa, humanap na kayo ng mauupuan natin tapos ako na ang oorder."
Tumalima naman sila sa sinabi ko, lumapit na ako dun sa nagtitinda at umorder ng walong pares. Tumungo na ko sa upuan namin at doon ay naghintay sa aming pagkain.
"Hays! I can't believe sinama n'yo ang Montereal na yun." sabi ni Rye saka sumulyap sa kotse ni Ranz
"Ano pa bang magagawa mo e nandiyan na." tugon ni Hyun
Napakamot ulo na lang si Rye.
Maya maya ay dumating na rin ang pagkain namin. Nag aalangan pa silang tikman iyon pero napilit ko rin sila. At di nga ako nagkamali, masarap ang pares dito at mukhang nagustuhan din ng mga mokong.
"Hindi ba natin aayain si Jix?" tanong ni Hyun
Napahinto naman kami at napatingin sa direksyon nito. Sinubukan ko itong dedmahin pero ang hirap talagang lumunon pag alam mong may nanunuod sa 'yo. It makes me feel bad, at mukhang pati sila ay ganun din ang pakiramdam.
Tumayo na ako at tumungo sa kotse ni Ranz, walang sabi sabi kong binuksan ang pinto ng kotse at hinila palabas si Jix. Kinaladkad ko ito hanggang sa isang bench.
"Upo!" utos ko na sinamahan ko pa ng masamang tingin
Nagbuntong hininga pa ito bago sumunod sa sinabi ko. Iniwan ko ito para muling umorder ng pares, padabog ko pa iyong inilapag sa lamesa niya. Di naman ako galit, napaso kasi ako sa bowl. Huhu
"Bahala ka kung kakainin mo yan o hindi. Basta stop making us feel bad, ikaw naman ang nagpilit sumama dito." sabi ko at saka tinalikuran ko na siya
Di ko na siya tiningnan pa at nagpatuloy na sa pagkain. Nasisira lang ang masayang mood ng outing namin pag nakikita ko ang dull na mukha niya.
"Ibang klase ka talaga, kinakaladkad mo lang si Jix." natatawang sabi ni Rye
Ngumiti lang ako bilang tugon sa kaniya.
Pagkatapos naming kumain ay nagdecide naman na kaming magpalit na ng pangbasa. Good thing at huhubarin ko lang ang loose shirt na suot ko, nagpalit lang din ko ng slides para sa pangpaa. Paglabas ay nakita kong puro naka-topless na ang mga mokong.
"Lets go?" tanong ni Ranz at naglahad ng kamay
Malugod ko namang inabot yun. Bago maglakad papunta sa falls ay sinulyapan ko pa si bwisit, nakatingin lang ito sa amin gamit ang blangko niyang mukha. Tsk bahala ka diyan.
Halos tatlong minuto pa ang nilakad namin bago marating ang falls, bahagyang paakyat pa kasi ang daanan namin. Agad na naghugis puso ang mata ko noong masilayan ko ito. Hindi na ako magtataka kung bakit nagustuhan ito ng maaarte kong kaibigan, tunay ngang napakaganda nito. Isa iyong malawak at patong patong na falls na nasasahigan ng kulay puting limestone. At dahil nga puting bato ang ang nasa ilalim ay kitang kita ang malinis at kulay berde na tubig. Nakamamangha ang ganda nito!
Mas lalong lumapad ang ngiti ko noong mapatingala ako at matanaw ang kumpol na bulaklak ng ilang ilang. Omg! Yellow, my favorite color!
"It looks like you like it." bulong ni Hyun nung mapansin ang pagkamangha ko
Napangiti naman ako. "I love it! Grabe, ginawa yata ito para sa akin." sagot ko na nagpatawa sa kanila
"Magpicture tayo." suhestiyon ni Miel at pinahawak kay Kamira ang DSLR niya
Pumwesto naman kami habang nasa background ang falls. After ilang shots ay nagdecide na rin kaming lumusong sa tubig.
"Lamig!" sigaw ni Kian at napayakap sa sarili
Napaka-lamig nga naman ng tubig, pakiramdam ko ay nagtayuan ang lahat ng pwedeng tumayo sa 'kin.
Habang binabasa ko ang buong katawan ko ay bigla naman akong sinabuyan ng tubig ni Kian, nanghahamon ka ah. Agad akong gumanti sa ginawa nito at maya maya ay tinulungan na rin ako nina Ranz. Bale kaming anim laban kay Kian, tumatakbo na ito palayo sa amin pero hindi parin namin siya tinitigilan.
"Ayoko na nga!" sigaw nito
Huminto naman kami habang nagtatawanan.
"Napaka-pangit talaga ng mga ugali n'yo!" angil pa nito sa 'min na sinamahan ng masamang tingin
Tawa lang kami ng tawa tapos maya maya ay si Miel naman ang pinagtulungan namin, sunod ay si Kurt, Rye, Hyun, Ranz at Kamira. At kahit ako ay hindi nila pinaligtas.
Umahon muna kami para itaktak ang mga tenga naming nalagyan na ng tubig habang nagtatawanan. Ang saya!
Kumuha pa kami ng maraming litrato para sa memorabilya ng unang out of town na kasama ko sila. Sobrang naenjoy ko ang moment na yun, nakalimutan ko na ngang may kasama kaming bwisit. Kung hindi lang ito biglang lumitaw sa harap namin. Ugh!
"It's quarter to 12." sabi nito habang sa 'kin ang tingin
Nagtinginan naman sa akin ang mga kaibigan ko. Nakokonsensya ako na sandali lamang kami rito.
"Let's go? Overcrowded na rin e." sabi ni Ranz
Tinalikuran na kami ni Jix nung marinig iyon. Napabuntong hininga na lang ako at napatingin sa kanila ng may paghingi ng tawad.
"Pasensya na talaga. Hayaan n'yo next time, kahit maghapon pa tayo rito."
"Its okay, di naman matutuyo itong falls. We can come back here anytime soon." sabi pa ni Kurt at ngumiti sa 'kin. "Tara." dagdag pa niya at inalalayan ako sa pag ahon
Bumaba na kami at nagdesisyon ng magbanlaw at magbihis. Nagsuot lang ako ng blouse na ipinaloob ko sa denim shorts. Naupo muna ako sa bench habang hinihintay na matapos makapagbihis ang iba, kakaunti lang kasi ang cubicles doon.
"Convoy lang ha!" paalala ni Kurt kay Rye
"Oo na. Sige kayo naman mauna." Nagngising aso pa ito.
Nagsisakay na kami sa mga sasakyan. Nauna ng magmaniobra si Ranz na sinundan naman ni Rye at Kurt, and as usual si Kian ang nahuhuli.
"Did you had fun?" tanong ni Kurt
"Yeah. Nakakawala ng stress kahit may kasama tayong buhay na stress." pabirong tugon ko
Bahagya naman siyang natawa sa sinabi ko.
Makalipas ang higit isang oras na byahe ay nakarating na kami sa car repair na pinag iwanan ng kotse ni bwisit. Nagsibaba na rin kami dahil doon na kami maghihiwa-hiwalay.
"Kila, I'll drive you home." alok ni Ranz
"No. I'll drive her home." sabat ni bwisit
Hindi ko na talaga alam kung ano pang irereact ko sa mga ginagawa niya ngayong araw. Nai-stress na naman ako.
"Are you kidding us? Bakit naman namin ipagkakatiwala sa 'yo si Kila? Right guys?" sabi ni Kurt at bumaling pa sa iba na sumang ayon naman sa tanong niya
"As far as I know, her mom trust me more than you..guys." may pagkasarkastiko pa ang huli niyang sinabi
Gusto niya ba talaga ng gulo.
"Get in." maotoridad na sabi nito sa 'kin at sumakay na sa kotse niya
"Alam mo konti na lang sasapakin ko na yan. Akala mo kung sino!" ngitngit ni Rye
"Ranz, kay Jix na ako sasakay." sabi ko na nagpamulagat sa kanila
"Pero Kila–"
"Sa kanila rin naman ako pupunta kaya wala kayong dapat ipag alala. At isa pa, ako kaya si Akila Cayne." sabi ko pa at pinakita ang biceps ko na nagpaasim sa mga mukha nila
"Sige. Magchat ka agad pag nakauwi kana." bilin pa nito
Tumango na lang ako bilang tugon.
"Bye guys, ingat kayo. Sobrang nag enjoy ako." sabi ko sa kanila at kumaway
Tuluyan na akong pumasok sa kotse nung bwisit na kahit sa panaginip ay di ko nakita ang sarili kong kasama siya. Tsk!
Bumuntong hininga pa ito bago nag umpisang magmaneho. Sa kalsada lang ang tingin ko dahil baka masakal ko na ang bwisit na nasa tabi ko.
Makalipas ang mahigit trenta minutos na purong katahimikan na biyahe ay nakarating na rin kami sa bahay. Ni hindi ko siya nilingon o kinausap, basta bumaba ako at pabalibag na sinara ang pinto ng kotse.
Pagpasok sa loob ay naabutan ko ng nakabihis si mama, napatingin ako sa wrist watch ko, 1:05 pa lang naman.
"Oh buti naman nandito kana. Maghanda kana." utos pa sa 'kin ni mama
Nagmamadali naman akong umakyat at bago makarating sa 2nd floor ay narinig ko ang pagtawag nito sa 'kin kaya humakbang ako pabalik para silipin siya.
"Sino naghatid sa 'yo? Nasa labas pa e."
Ano nasa labas pa? Bakit? Di pa ba siya kuntento sa pagsira ng mood ko o iniisip niya paring di ako pupunta. Hays, grabe ang trust issue ah.
Humakbang ako pababa. "Si Jix po. Eh nakaka stress nga kung paano kaming nagtagpo ngayon." sabi ko na nanunulis ang nguso
"Si Matt?" ulit pa ni mama na bakas ang malapad na ngiti
Tumango tango naman ako.
"Bakit naman di mo man lang pinapasok?" pasermon na tanong nito
Napairap na lang ako at muli ng bumalik sa taas. Pagdating sa kwarto ko ay dumiretso na ako sa cr para muling maligo, mabilis lang iyon. Pagkalabas ay nagtuyo na ako ng buhok at nag apply ng make up. Sinuklay ko lang buhok ko na natural namang straight, wala na akong oras para pagandahin pa ang ayos doon. Tumayo na ako para sana pumili ng maisusuot pero mukhang si mama na ang gumawa nun para sa akin, nasa kama ko ang isang spaghetti strap wrap dress, kulay old rose yun na kahit papano ay natugma sa pink theme birthday ni Max. Bukod sa dress ay nandoon na din ang earrings at necklace, maging ang wrist watch at purse ay nakahanda na. May kahon din na naglalaman ng pitch stilleto. Buti na lang hindi ko na kailangan pang mag isip ng susuotin. Thanks Ma, bulong ko sa isip ko. Isinuot ko na ang mga iyon at saka muling humarap sa vanity mirror. Muli kong pinasadahan ng brush ang mukha ko. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko, hala 1:49 na. Tumayo na ako at dinampot ang purse at ang paper bag na naglalaman ng regalo ko kay Max.
"Ma, tingnan mo nga kung ayos lang ang itsura ko!" sigaw ko hindi pa man nakakababa ng hagdan
Bakit walang sumasagot?
Pagkababa ay muntik pa akong ma-out balance sa nakita ko, yung bwisit nasa living room namin at mukhang inip na inip na ito.
"Asan si mama?"
Hindi ito sumagot, sa halip ay nakatitig lang ito sakin. Wait, nagagandahan ba siya sakin? Pwe.
"Lets go. Hurry up." utos pa niya at nag umpisa ng maglakad palabas na sinundan ko naman
"Nauna na si mama? Ibig sabihin sa 'yo na naman ako sasakay?" tanong ko habang pilit siyang hinahabol
Hindi man lang ito huminto para sagutin ako. Pagkarating sa kotse niya ay doon niya lang ako hinarap.
"Get in." utos pa nito bago ako talikuran
Sumakay na siya sa driver seat kaya wala na rin akong choice kundi sumakay na rin. I can't believe what's happening. At bakit sunod ako ng sunod sa utos niya? Dapat kanina ko pa siya binibigwasan e. Kalma Kila, para kay Max 'to. Bulong ko sa isip ko pagkaupo sa passenger seat ng bwisit na lalaki sa gilid ko.